Chapter 2- Nagkakilala na rin, sa wakas.

74 0 0
                                    

GRABEHAN!! ANG CUUUTE NYA!! >_

Nga nga ako. Grabe kase talaga. Lakas ng dating ni koya. E kay Patrick nga ang School Hearthrob, di tumatalab saken ee.

"Hi! I'm Kyle Alreza." Sabi ni Cute. Grabe, gwapings ang boses. Nag wave sya at ngumiti. Grabehan. Kakacrush. Halaa. Di pweydii. Yawko, kaay? ^_^

"Okay. Mister Alreza, go sit besides.... Mister Roque." Sabi ni Ma'am Rodriguez. Eh? Likod ko sya ibig sabihin. Yieee. :">

"Okay po." Sabi ni Kyle. Naglakad siya punta dun sa upuan. Nadaanan niya ko. Yiee.

"Hi! I'm Kyle!" Sabi niya dun kay Nico. Si Mister Roque.

"Yo!" Sabi naman neto. Isa siya sa mga katropa namin. Mabait yan, matinik sa chix pero matalino yan. "i'm Nico nga pala."

"Okay. Umm, dude. Bat ang sasama ng tingin sa akin nung ibang lalake?" Tanung ni Kyle. Natawa naman ako dun, buti na lang di ako pinansin ni Ma'am. Tumingin sa akin yung dalawa.

"Sorry. Ako nga pala si Mikaela Zeno." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.

"Nako, Mika. Narinig mo yun no?" Sabi ni Nico. Tumango naman ako. Natawa siya. "Sabi na nga ba e. kaya ka natawa."

"E kasi ganyang ganyan si Patrick nung first day of school." Rason ko naman. Natawa siya pati si Lyka. Si Patrick naman sumimangot.

"Patrick?" Tanung ni Kyle. Oops.

"Sorry. Yung katabi kong lalaki. Yan si Patrick Monasterio." Sabi ko. Si Patrick naman humarap sakanya.

"Hi, Ako si Patrick." Sabi niya. Nakipag shakehands naman tong si Kyle sa kanya.

"Tapos eto naman si Lyka Del Rosario" Sabi ko. Syempre di dapat makalimutan si Lyka.

"Hi!" Bati kagad ni Lyka. Nginitian siya ni Kyle.

Ang ganda talaga ni Lyka. Kung may Mr. Popularity na si Patrick, syempre meron ding Ms. Popularity. Yun si Lyka. Mabait, Maganda, at Matalino. San ka pa?

Gulat kayo no? Mga bes ko, panay popularity. Ako naman si Ms. Extraordinary or so, sabi nila. Apelyido palang extraordinary na, e sa maging bestfriends ng dalawang popular. O di ba? Extraordinary.

Kame ang tropang Pop. Ahaha. Sisihin si Patrick kung bat ampangit.

"Bakit nga ba ang sama ng tingin nila sakin?" Sabi ni Kyle. So going back to the real world, makaimagine kase e nu.

"Kasi baka kunin mo rin yung girls tulad ni Patrick." Sabi ko, deretsahan. Nung narealize ko yun, nagblush ako. Natawa naman sila 'cept kay Kyle, confused siya e.

"Haha. Sorry Kyle. Ibig kase sabihin nun gwapo ka." Sabi ni Lyka na nakangiti. Sumimangot ako.

"Sige Lyk. Tumawa pa." Sabi ko. Natawa lalo sila Patrick at Nico. Naku.

"Ahh. Haha. Thanks Mika." Sabi ni Kyle na nang aasar. Hala. Pati siya sumama.

"Ayy. Is this the 'Tease Mika Day'?" Tanung ko. Syempre, asar. Haha.

"Nako. Bespren, wag magdrama." Sabi ni Patrick.

"Hmph." Sabi ko. Madrama ako e. Natawa naman si Lyka.

"Myk. Drama Queen ka talaga." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Talaga!" Sabi ko. Tawa naman silang lahat. Natawa na rin ako.

"Class dismissed. Pumunta na kayo sa subjects nyo." Sabi ni Ma'am Rodriquez. Pare-parehas lang kami nila Patrick, Lyka at Nico na Chem ang first class. Nako. Jigglypuff nanaman.

"Kyle, anu first subject mo?" Tanung ni Patrick kay Kyle. Tinignan ni Kyle sched niya.

"aaa.. Chem." Sabi niya. Nagkatinginan kaming magtrotropa sabay tawa. Umakbay sila Nico at Patrick sakanya.

"Good luck, pre." Sabi ni Patrick sakanya.

"Sana naka inom ka ng kape." Sabi naman ni Nico. Muhkang litong lito na si Kyle. Naawa ako. Hinila ko sya mula dun sa dalawa.

"Advice ko lang. Lagi dapat nakabukas libro mo." Sabi ko. Tapos pumunta na kaming Chem Lab.

Finally in love (ON-HIATUS)Where stories live. Discover now