NADS's POV
"Makikiraan po, makikiraan hehe" sambit ni Brianna habang papunta sa upuan namin.
"Hi Nads" bati sakin ni Aeron habang kumakaway pa.
'Haha adik'
"Hello Aeron, kumusta? Di parin ba magaling yang injury mo? Ang tagal na nyan ah?" tanong ko at umupo na sa upuan sa tabi niya.
Nandito kami ngayon sa gymnasium ng school namin. May ginaganap kasing Interhigh ng schools at dito ginanap ang ibang activities gaya ng sports and iba't-ibang clubs. May iba't ibang sports ang idinadaos. Isa na ang larong basketball. At ngayon ito ang pinapanood namin. Para narin suportahan ang mga manlalaro ng school namin.
"Actually, okay na ako hehe. Pero hindi pa ako pinayagan ng doctor na maglaro baka kasi mabinat lol haha" natatawang anito.
Nagsalubong naman ang kilay ko pero kinindatan niya ako.
"Ikaw talaga" pinalo ko nga sa braso. "Dapat makinig ka sa doctor mo no, ang tigas pa naman n'yang ulo mo tss, peace hihi" nagpeace sign ako at tumawa.
Ginulo nya ang buhok ko.
"Ang kulit mo talaga Nads, manood na nga lang tayo haha" sabi niya at umayos na ng upo sa tabi ko. Weird pero gumaya na din ako at nanood na.
Grabe ang sigawan at hiyawan nga mga tao, lalo na ang mga kababaihan ng magsimula na ang game. Tunay na todo todo suporta sila sa mga manlalaro. Di bale ng mawalan ng boses at mapaos basta makasigaw lang.
'Palibhasa'y mga gwapo tsk, tsk'
Magagaling ang mga manlalaro lalo na sa school namin hehe. Dikit ang labanan pero di nagpatalo at nagpadaig ang school namin. Naging dahilan ito upang sa huli ay kami ang nanalo. Mas umugong pa ang mga hiyawan ng mga kababaihan ng inanunsyo na ang nanalong school at ang naging MVP.
"Galing talaga" sigaw ni Brianna kaya natawa ako. Player kasi ng basketball team ng school namin ang boy freind nya. Si Achi Lyle Castro.
"Sus, supportive girlfriend lang ang peg te?" panunukso ko sa kanya at kinurot ko pa ang tagiliran niya.
"Che! Haha, tara na nga" natatawang aniya.
Naglakad na kami pababa ng bigla kaming tumigil dahil dumating si Vyberale at hinawakan sa braso si Aeron. Nagtaka naman kami.
"Ah Nads antayin n'yo nalang kami sa canteen, may pupuntahan lang kami saglit" sabi ni Vyberale, kakambal ni Aeron.
"Huh? Ah sige" bago pa umalis ay ginulo pa muna ni Aeron ang buhok ko.
'Aishh!! Hobby na nya talaga eh!'
Sina Brianna Keziah Lim, Vyberale Lyrisse Torres, Aeron Ivan Torres, at Clyde Maitei Dela Rencia ang bestfriends ko, childhood friends. Magbestfriends na kami since grade school hanggang ngayong high school na kami. Magkakambal sina Vyberale at Aeron. Magpinsan naman kaming tatlo nina Brianna at Clyde. Magkakapatid ang mothers namin.
Si Achi naman, childhood friend din namin. At matagal ng may gusto kay Brianna. Love at first sight daw. Malapit na silang mag two years. Oh diba? Ang tagal na nila. Hanep talaga!
Si Vyberale naman may boyfriend na din. College student na ang boyfriend nito. Nong una, nagalit si Aeron, baka daw lokohin lang ito at ang tanda tanda na daw, pero di talaga nagpatalo si Vyberale, age doesn't matter daw kaya wala ng nagawa si Aeron, tinanggap nalang niya ang katotonanan. Adik talaga. Pero mahal nila ang isa't isa. Malapit na silang mag five months. Longlive!