Chapter 3

1 0 0
                                    

Pasado alas nuebe na ng siya ay magising mabilis siyang bumangon at tumungo sa kusina nang mapansin niya ang isang papel na nakasabit sa refrigerator.

I'll be out for a week, if you need something to buy use the card I left at the table.

Nakahinga siya nang malalim sa nabasa. Wala nang isang linggo ang asawa kaya't magiging tahimik rin ang isang linggo niya. She may love Zihan but, in their situation right now alam niyang mas nakakabuti ang hindi sila magkita at magkasama kahit isang linggo man lang.

Tumunog ang kanyang telepono.

"Vonne di kita naabutan kagabi, maaga daw kayong umalis?" Si leona.

"Ahh Oo eh, nagmamadali si Zie." Pagsisinungaling niya.

"Nabalitaan ko na malapit nadaw ako magkapamangkin sabi ni Tita." Leona said joyfully.

"Sana nga." Tipid niyang sagot. Pero alam niyang imposible mangyari yon.

"Napatawag ka pala Lei?" She change the topic.

"Oo nga pala, samahan mo naman ako mag mall mamayang hapon, matagal na tayong di nag sasama Vonne." Malambing nitong sabi.

"Sige." Tutal wala rin naman siyang gagawin.

"Daanan kita diyan sainyo." At namatay ang kabilang linya.

Naramdaman niyang humihilab na ang kanyang tyan ay agad siyang nagluto ng almusal. Pagkatapos ay naglinis siya ng bahay at nag laba ng damit. Ito naman ang karaniwan niyang ginagawa sa araw araw. Hindi kumuha ang kanyang asawa ng katulong. Hindi din naman siya nag reklamo.

Nangmapagod siya ay nagpasya siyang manood ng palabas at hindi niya namalayang nakatulog pala siya.

Napabangon siya sa ingay na nagmumula sa doorbell ng unit.

"Oh? Bakit di kapa naka bihis?" Bungad ng kanyan pinsan.

"Kakagising ko lang nakatulog kasi ako." Pumasok sila sa loob at dumiretso sa sala. "Dito ka lang Lei, maliligo at magbibihis muna ako."

Simpleng highwaist skinny jeans, pinaresan niya ito ng flowery croptop at isang ballerina red flats ang kanyang sinuot. Gumamit din siya ng satchel leather bag at clubmaster shades.

"Parang walang asawa ahh." Pangaasar ni Leona. Ginantihan niya lamang ito ng ngiti.

Pagdating nila ay dumiretso sila sa women's section. Namili sila ng mga blouse, jeans at iba pa. Bumili rin siya ng bagong sapatos. Buti nalang talaga't iniwanan siya ng card ng asawa.

Hindi naman siguro siya malulugi kung bibili siya ng marami. After all, her husband is a millionaire.

Napunta sila sa men's section.

"Vonne, bibilhan ko sana ng sapatos so Adrian, tulungan mo naman akong mamili." Si leona na panay tingin sa mga sapatos.

"Leather shoes ba or?" Tanong niya.

"Oo, pang trabaho." Sagot nito.

Namili siya ng mga sapatos, pinili niya ang black lace up shoes. "Eto lei satingin mo?"

"Maganda nga Vonne, sge yan nalang." Kinuha ni Leona iyon at binayaran sa counter.

Habang tinignan niya ang mga sapatos ay napako ang tingin niya sa brown oxford shoes. Mahilig si Zihan sa mga ganoong sapatos dahil sa suot nitong suite para sa trabaho. Kaya't napagpasyahan niyang bilhin ito.

"Oh? Bili karing sapatos Vonne?" Nang maabutan niya si Leona sa counter.

"Naisip ko lang naman. Na baka gusto niya to." Sagot niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Finish LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon