Chapter 5: Hospital

16 2 0
                                    

Sophie's POV

Pagmulat ng aking mga mata nakita ko agad ang puting kasame tumingin tingin naman ako sa paligid ko alam kong hindi ito ang kwarto ko at wala ako ngayon sa bahay namin.

Napatingin naman ako sa pinto an ng biglang bumukas at pumasok sa loob si kuya Tiago, kuya Phil, Trevor at si daddy. Pumunta siya sa gilid ko at ngumiti. Pero alam kong pilit lang ang ngiti na yun. Nagalala sila dahil lang sakin.

"How are you?" Dad ask

Umiling ako "I'm fine dad no need to worry about." Nginitian ko siya at bumangon para maka upo ako..

"Ba't ka pala nandito dad? Diba nasa bahay ka dapat?" tanong ko kanya

"Tinawagan ako ng kuya Phil mo at sinabi kung ano ang nangyari sayo.. kaya dali dali akong pumunta dito sa ospital para masiguro na ayos ka nga talaga.." Aniya at ginulo ang buhok ko.

"At isa pa mukhang ayos ka naman at walang bale ang paa mo so I don't need to worry naman dahil andyan naman ang mga kuya mo at si Trevor. Uwi na ako Sophie mag pahinga ka muna dyan at pwede ka umuwi mamaya sa hotel. And please Sophie be careful next time alam mo naman ikaw ang nag iisang anak kong babae sa inyo tatlo diba?" he said

Tumango ako at ngumiti "Yes daddy."

"Sige una na ako, Tiago ikaw na bahala sa kapatid mo at ikaw rin Phil." Sabi niya kila kuya at hinalikan niya ako sa noo

"Yes po dad." Sabay nilang sabi

"Bye daddy drive safely." Ani ko

"Bye Sophie." Aniya at tuloyan na siya lumabas sa kwarto ko tinigan ko naman si kuya Tiaga na nasa tabi ko na.

"Kamusta pakiramdam mo, princess?" nginitian ko lang si kuya Umiling

"Just what I've been said earlier I'm fine kuya no need to worry about. Don't you see I'm still alive here and also far enough sa bituka ko kuya."

"Sorry princess kasalanan ko kung bakit ka na hulog sa hagdan kasi pina dali kita ayan tuloy na tapilok ka ang nag pagulong gulong. Sorry talaga princess hindi na mauulit yun, promise ni kuya." -Kuya Phil nakanguso pa siya at nakayuko nahiya siya siguro sa ginawa niya

"Okay lang yun kuya ang importante hindi ako na bali-an ng buto o ano man. Kaya okay lang yun sakin yun." sabi sabay yakap sa kanya.

"I love you kuya." dagdag ko pa at mas hinigpitan ang pagkayakapsa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni niya sakin pabalik

"I love you din bunso." sabay halik niya sa noo ko

"Tama na yan Phil. Uhmm, princess pahinga kana dahil alam kong masakit pa ang katawan mo dahil sa nangyari." -Kuya Tiago

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti ang humiga na para maka pagpahinga na. Pinilit kong matulog pero ayaw talaga hanggang sa hindi ko na lang na malayan naka tulog na ako.

***
Trevor's POV

Nang maka tulog na si Sophie ay lumabas na ako at nag paalam na bumalik sa hotel na tinutuloyan namin ang Mondejar's Hotel pagmamayari ni Kuya Tiago ito ang tinitirahan ng mga estudyante na sa PAS lang nagaaral.

Naglakad ako hanggang umabot ako sa room namin pumunta ako sa sarili kong kwarto at hinahanap ang panyo na binigay ng kaibigan ko noon bata pa kami. Nagmakita ko na ay guminhawa naman ako kasi alam kong hindi ito na wala. Umupo ako sa kama ko at tinignan ang panyo ng mabuti.

"I really miss you baby twinny." Sabi ko sa kawalan

"Do you really miss her huh?" Napatingin naman ako sa nagsalita sa likod ko at nakita ko si Kuya Tiago naka ngisi siya sakin at umupo sa tabi ko

"Kanina kapa ng dito kuya?" I ask

Umiling naman siya "Not really, kararating lang." He said and smile

"So tell me, do you really miss venice?" Dagdag pa niya

"Yeah. I really really miss her. Do you know kung kailan siya maka recover?" Malungkot na tanong ko sa kanya

"Nope. Not yet, pero papunta na siguro siya dun. May naalala siya pero kaunti lang." -Kuya Tiago

Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita "Sana nga kuya maka recover na siya ng tuluyan kasi na miss ko na ang childhood bestfriend ko eh." Malungkot na saad ko

"Hayaan mo na trouble babalik din siya sa dati." Aniya ngumiti naman ako bilang sagot "Pahinga ka muna bukas ka na lang papasok ako na ang magpapaalam sa prof mo sa lahat na subject."

"Sige salamat kuya." Saad ko

"Walang anuman trouble." Nakangiting sabi niya at tuluyan ng umalis sa kwarto ko. Humiga naman ako sa kama ko ay pumikit para maka pagpahinga na

"Venice." Huling sabi ko bago tuluyan maka tulog

Once I Was A Fan Where stories live. Discover now