Stalker Three

1.8K 90 10
                                    

Markisha's pov

Kanina kopa pinag-mamasdan si kyle.
Mula ng sunduin niya ako sa Cafe, Tahimik lamang ito.

Kagabi ng hinatid niya ako sa bahay. Alam kong may problema na.

Nag-away siguro sila ng tito niya.

Hinawakan ko ang kamay niya, Napalingon naman siya sakin.

"Babe are you ok? Kanina kapa tahimik. May problema ba?"

"Ah,wala.Wala. May iniisip lang ako babe. Sorry."

Napailing nalang ako, Dahil sa kinikilos niya alam kong may tinatago siya sakin. Bakit naging malihim kana kyle? 

Ano kayang pinag-usapan nila ng tito niya para maging ganto siya?

Unti-unti akong kinakabahan. Para saan ang kabang ito?

"So ok na tayo dito sa church nato babe? Dito mo talaga gusto?" Biglang pagsasalita niya.

"Yes. Mula noon dito kona talaga gustong magpakasal sa simbahan to. Sayo babe ok lang ba?"

Hinakawan nito ang kamay ko at masuyong nagsalita.

"Diba sabi ko kung saan mo gusto, Kung saan ka masaya doon din ako.  Kaya ok din sakin ang simbahan nato."

"Ok. Thank you babe. So uhmm. Tapos na tayo sa gown. at dito sa church. Ano naman ang sunod?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Kahit may nararamdaman akong kakaiba at kahit may tanong ako. Isasang tabi ko muna.

Siguro hindi pa handa magsabi sakin si kyle. Hahayaan ko muna siya sa ngayon.

* * * * *

"Babe saan tayo pupunta?"

Takang tanong ko, Bigla nalang kase siya nag-yaya kanina.

"Dahil maaga tayo natapos sa simbahan, Pupuntahan na natin ang venue. Napag-isip-isip ko na tapusin nalang agad natin ang iba pa pag-kaya ng oras. Para sa mga susunod na linggo pahinga na. Alam mo naman na ayoko napapagod ka."

Napangiti naman ako.

"So ngayong araw yung sa simbahan at venue ng kasal ang aasikasuhin natin?" Tumango tango naman ito.

"Bukas naman yung foods at flowers na gusto mo ang aasikasuhin natin. Isang linggo lang kase ang binigay sakin na leave. Gusto kong mag-kasama tayong ina-asikaso ang kasal natin."

Tumango ako.  Mas gusto ko din na magkasama kami nag-aasikaso.

Masaya lang kaming nag-kwe-kwentuhan hanggang makarating kami sa isang five star hotel malapit sa village namin.

"Andito na tayo babe."

"D-dito ang venue?"
Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Ngumiti naman siya at tumango.

"Yes. Alam kong gusto mo dito sa hotel na to.  Lalo na sa rooftop nila. Andoon ang pool at ang garden." 

"P-pero mahal dito babe, Tsaka isa pa. Baka hindi mag-kasya ang guest natin k---"

"Babe nakita mona ba ang rooftop?"

Umiling iling ako. Hindi pa ako nakaka-akyat sa rooftop ng hotel nato.

"Naalala ko kase dati, Sinabi mo gusto mo dito mag venue pag-kinasal tayo. Sakto nung nakaraan, Pumunta ako dito dahil may ka business meeting ako.  Sumaktong sa rooftop. At masasabi kong matutuwa ka at magugustuhan mo.  Kung iniisip mo ang guest. Kasyang-kasya babe. Let's go para makita muna."

Bumaba kami ng kotse niya at dumeretso sa loob.

"Hi Mr. Martinez."

May lumapit samin isang lalaki. Siguro nasa edad 30 na ito.

MY STALKER (BOOK 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon