[16] No One's Gonna Love You

271 3 3
                                    

Sa chapter 16 ko na sisimulan. Hahaha dito ko lang na-feel na gumawa ng reaction paper about sa TMEUAS haha.

--

Title pa lang parang masakit na yung mangyayari sa chapter na to.

Kagabi ko pa nabasa yung update ni ate Leng. Unang fineature ang WesKy. Belated happy birthday Rocky! Akala ko masisira din sila. I mean mag-aaway, masasaktan. I salute Wes. Pag siguro sakin ginawa yung surprise niya for Rocky, maiiyak ako ng sobra. Kasi parang pinapakita niya talaga sayo na sobra ka niyang mahal. Sobra kang mahalaga sa kanya. Nakakakilig hahah. Big thanks to Cards and Jax.

Next si Vivien. Gosh. Broken. Pareho sila ni Barbs. Yan ang hirap, ang mag assume. Na akala mo magkakaron kayo ng ‘something’. Akala mo magiging masaya kayo. Lahat ng ginagawa niya, binibigyan mo ng malisya. At the end, mali pala lahat ng akala mo. Masasaktan ka lang. Sisisihin mo lang ang sarili mo. Ang sakit malaman na akala mo ikaw, pero may iba pala. Siguro si Lean talaga para sayo, Vivien.

Schette eto na. Yung pinakahihintay ko. Bago ko basahin ang chapter 16, inulit ko munang basahin ang cahpter 15. Naiyak parin ako. Yung last line na sinabi ni Barbs sa chapter 15, "I.. lost my heart." Yung pakiramdam na mahal mo na yung tao, saka siya aalis, saka siya mawawala. At ang reason? Gusto niya na ayusin mo muna ang past mo, ayusin mo muna ang sarili mo. Wala kang ibang magawa kundi um-oo na lang sa kanya. Well, I can’t blame Seth. Nasaktan din siya sa ginawa ni Barbs. For all those times that they’re together, ginamit lang pala siya ni Barbs. Na akala niya nung pinili siya ni Barbs, may gusto sa kanya si Barbs. Pero hindi pala. Ginamit niya si Seth para malaman niya kung challenge lang ba talaga siya kay Cyrus o hindi. Unti-unting nag sink in sa utak ni Seth na ginamit lang siya. Ang sakit nun. Pero habang tumatagal nahulog din naman si Barbs kay Seth. Sino ba naman hindi maiinlove kay Seth? (Although BayRus shipper ako).Hindi pala talaga sapat yung mahal niyo ang isa’t-isa no? Mahirap harapin ang future at ang present kung hinahabol ka pa din ng past mo. Siguro kaya ginawa yun ni Seth para maging mas okay sila ni Barbs. Sana kayanin mo Barbs, sayang yung mga pinagdaanan niyo ni Seth. Tapos after a week kinausap na ni Cyrus si Seth. My God Cyrus! Mali yung sinabi mo. Naranasan na din ni Seth na mawalan ng minamahal. Pero sabagay, ano nga ba naman alam mo Cyrus? Hindi ko din masisisi si Cyrus. Mahal niya si Barbs. Sobra. Pinaubaya pa nga niya si Barbs kay Seth kasi yun yung gusto ni Barbs, kasi dun masaya si Barbs. Seth thought, You’re wrong, Cyrus. Hindi dapat maging issue o laro kung sino ang mas nagmamahal o mas deserving kay Barbs. Sabi ni Cyrus mahal niya si Barbs, pero ang sagot ni Seth, But not like I do. Ano ba Seth, ang gulo mo. Cyrus, I’ll support you. Ipaglaban mo si Barbs. Kaya mo yan. But still, I feel sorry for Seth.

Tbh, naiyak talaga ko sa chapter 15 and 16.

Waiting for the next update. Siguro naman may POV na si Cyrus. Nakakaexcite. Another heartbreaking chapter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Might End Up A Story InsightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon