GITD2
INTRO:
One week ago....
Janine's POV:
Wala ng masyadong tao sa NFU nang hapong iyon. Makulimlim din ang kalangitan at napakatahimik sa kapaligiran. Ito ang ang magandang pagkakataon na naisip namin ni Dens para gumawa ng bawal.
Wala ng tao sa department namin, at may isang classroom doon na hindi ginagamit at tambakan lang iyon ng mga sirang upuan. Pumunta kaming dalawa ni Dens doon. Meron duplicate na susi si Dens sa kandado ng classroom kaya di kami nahirapang pumasok.
At nang nasa loob na nga kami ng madilim na classroom ay inumpisahan na ni Dens na halikan ako sa labi at leeg. Kapwa nasasabik kami sa mga yakap at halik. Itinulak pa niya ako sa pader at sinunggaban ng halik, habang ako ay nakayakap lang sa kanya.
Maya maya pa ay bigla kong naramdaman na nai-ihi ako.
"Babe, sandali lang," sabi ko sa kanya habang tinutulak siya palayo.
"Bakit babe? May problema? " tanong niya.
"Wala naman, nai-ihi lang ako. Magsi-c.r lang ako, okay?" sabi ko sa kanya tsaka ko siya hinalikan sa labi.
"O sige, babe. Bilisan mo ah? I can't wait to see you naked." sabi niya habang kinakagat ang kanyang labi.
"Me too, babe. I'll be back soon. " seductive kong sagot sa kanya tsaka na lumabas sa classroom.
Dumaan ako sa mahabang hallway. Napakadilim dito at napakatahimik. Tanging ingay lang ng mga high heels ko ang naririnig ko na ume-echo pa sa buong paligid.
Habang naglalakad ako dito sa hallway, bigla kong narinig na may tumakbo sa likuran ko. Napabalikwas ako ng tingin sa gulat. Pero wala akong nakita maliban sa madilim na dinaanan ko. Nagtataka ako, alam kong may tumakbo sa likod ko pero saan siya dumaan? Wala namang kanto ang hallway na 'to.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngunit unti-unti kong napapansin na hindi lang ako ang naglalakad. Maliban sa mga yapak ko, may iba pa akong naririnig na yapak na para bang napakabigat. May kasabay ako at nasa likod ko lamang siya. Pinagmamasdan niya ako. Pero sa tuwing lumilingon ako ay wala namang tao. Hindi ko alam kung ano na ang iisipin ko.
"Sino yan?" tanong ko.
Walang sumagot. Pero nakaramdam na ako ng takot at tumayo na ang mga balahibo ko. Closed ang hallway na 'to ngunit bakit nanlalamig ako?
Malakas ang kutob ko. May sumusunod sakin. At alam kong hindi siya tao. Pilit kong iwinawaksi sa isipan ko ang mga nangyari noon at ang mga kababalaghang kwento. Binilisan ko nalang ang paglalakad para makapag-c.r na.
At nang makarating na ako sa c.r, agad kong sinarado ang pinto at humarap sa salamin. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong maghilamos ng mukha.
Pumasok ako sa isang banyo at umihi. Naiisip ko ang kaninang sumusunod sakin. Sino kaya siya? At ano ang pakay niya sakin? Hindi kaya...
Bigla ko nalang narinig na lumangitngit ang pinto. Pagtingin ko doon, bumubukas iyon ng dahan-dahan. Kinabahan ako nang may biglang pumasok. Hindi ko alam kung sino siya, naririnig ko lang ang mga yapak niya. At parang may dala itong tanikala na hinahampas ng paulit-ulit sa pader. Bawat hampas niya sa pader ay ikinagugulat ko. Inakala ko na siya lang si Dens at balak niya akong pagtripan.
"Dens, is that you?... Please don't make a prank! Hindi ka nakakatuwa! " sabi ko, kasabay ng pangangatog ng mga tuhod ko at ang malakas na kabog ng aking puso.
BINABASA MO ANG
GIRLS IN THE DARK [On Hold]
HorrorAnim na babaeng kilala sa tawag na 'Bad Girls' sa kanilang Campus ang makikipagsapalaran sa kadiliman upang ibalik ang mga alagad ng Diablo sa itim na libro na nabuksan nila sa isang abandonadong library. Mga nakakapanindig balahibo at katakut takot...