Chapter 2:

14 1 0
                                    

A/N: Hay nako, wala akong magawa kaya mag-update muna ako.. Hahahaha! Comment na lang po sa gusto magpa-dedicate and don't forget to vote! :) Salamat!

---

Saktong alas sais ng umaga at biglang nagring ang cellphone ko.

*Riiiiing!!!*

*Riiiiing!!!*

*Riiiiing!!!*

"Tsk. sino ba tong ang aga-aga eh tumatawag?" bulong ko sa sarili ko.

Hello? Sino to?

Oh pre, ang aga mo naman. Akala ko ba alas diyes? Pambihira naman natutulog pa ako eh.

Sino-sino na kayo jan?

Ahh.. Sige daanan mo na lang ako dito sa bahay, ligo na ako.

Sige bye..

Nagmadali akong naligo at nag-agahan dahil nga dadaanan ako ni Oli. Mag jogging daw muna kami para pagsabak sa basketball mamaya eh nasa kondisyon ang katawan namin.

Matapos kong magbihis ay agad kong narinig si Oli sa labas ng bahay.

"Intoy! Intoy!" tawag ni Oli sa akin.

Lumabas ako at pinapasok ko muna siya. Naka-color red na jersey at red na basketball shorts siya na lalong nagpa-gwapo sa kanya.

"Bagay ba? Favorite ko tong damit na ito eh." sabi ni Oli habang tinitignan ang sarili sa salamin.

"Kumain ka na ba? Nagluto ako dito ng itlog tska hotdog. May tinapay din dito. Tara sabay na tayo mag-agahan." pagyayaya ko kay Oli.

"Sige pero konti lang. Kumain na kasi ako sa bahay eh." sabi ni Oli.

Matapos naming kumain ay biglang bumaba si Mama.

"Magandang umaga po tita Ana." sabi ni Oli.

"Nako, magandang umaga din! Ang swerte ko naman at isang gwapong lalake ang bumati sa akin. Kumain ka na ba?" tanong ni Mama habang nagsusuklay dahil gulo-gulo ang buhok niya.

"Ay opo tita. Kasabay ko kumain si Intoy.. Magbabasketball kasi kami mamaya eh." sabi ni Oli.

"Wag kayo masyado magpaka-pagod ha. Gusto mo ba mamayang tanghali dito ka na kumain?" tanong ni Mama.

"Ay wag na po. Niyayaya nga po ni Mama si Intoy na kumain samin mamaya kung pwede daw po." sagot ni Oli.

"Si Intoy lang inimbitahan niya? Hahahaha! Oo naman papayag ako syempre. Ano ba ulam niyo mamaya? Sabihin mo sa Mama mo padalhan niya ako ng ulam. Hahaha!" biro ni Mama.

"Hahaha. Sige po. Mag-iihaw po kasi si Papa mamaya. Inihaw na bangus at inihaw na baboy. Sinabi ko kasi na may basketball po kami ni Intoy ngayon." sabi ni Oli.

Dahil nga sa magkababata kami ni Oli, cloae rin ang pamilya namin. Minsan dumadalaw si Mama kela Oli at ganun din si Tita Belle dito samin.

"Ano? Mukhang nag-enjoy ka na sa pakikipagkwentuhan kay Mama, kayo na lang kaya magbasketball? Hahahaha! Tara na!" sabi ko.

"Alis na po kami, Tita." paalam ni Oli.

"Mag-ingat kayo ha. Wag masyado magpapagod, Gelo." paalala ni Mama bago kami makalabas ng pinto.

Pumunta kami sa park doon malapit samin. Maraming matandang nag-eexercise, nagba-bike at kagaya namin na nagja-jogging rin.

"Tara stretching muna." sabi ni Oli.

After 5 minutes na stretching, nagjogging na kami.

Habang tumatakbo si Oli, palihim ko siyang tinitignan. Iniisip ko lang itong feelings ko sakanya. Sure ako na crush ko lang sya dahil wala naman mangyayari kung ipu-push ko pa to the next level itong feelings ko eh. Kaya crush ko lang talaga siya. Final answer.

Sometimes That HappensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon