Chapter 3:

8 0 0
                                    

A/N: Updaaaaaaaaaate! Lunch muna ako hehehe..

Naging busy kami ni Oli sa school kaya hindi na kami nakapag-basketball ulit although may time din na sabay kami umuwe.

Internship na namin kasi kaya sobrang hectic ng schedule. 3 Setting ang dapat ko mapag-OJThan; isang Educational, isang Industrial at isang clinical and bawat isang setting eh kailangan makabuo ka ng 600 hours. Grabe diba? Anyway, natapos ko naman na ang Educational Setting at Clinical Setting kaya isa na lang.

"PY-32, kayo ang may pinaka-maraming isa pa lang ang naipapasa na OJT certificates. I won't allow you to have your Internship next semester dahil Undergraduate Thesis nyo yun. Focus on your thesis dahil marami ang bumabagsak doon. So sa next year 2nd sem na kayo makakapag OJT ulit." sabi ng Dean ng Psychology Dept.

"Yes! buti na lang mga bakla naka-dalawa na tayo ngayon!" sabi ni Sam.

"Oo nga, thesis na lang ang aatupagin natin. Oy ha, tayo magka-group!" sabi ni Anton.

"Kelan naman natin uumpisahan yung thesis natin? December na ngayon and malapit na ang Christmas Vacation." sabi ni Sam. Palabas na kami ng room dahil tapos naman na mag bigay ng announcement yung Dean namin.

Habang naglalakad kami sa corridor, may nabasa kaming announcement sa bulletin board:

To all Psychology students:

Your Undergraduate Thesis will start next year. Start reading your manual regarding the steps about Chapters 4 and 5.

Nagtinginan kaming tatlo.

"What?! May take home reading session pa? Pambihira naman yan." sabi ko.

"Keri lang te. Matalino ka naman kaya makakaya mo yan. Kahit nga wag mo na basahin eh. Hahaha!" pang-aasar ni Sam.

"Gaga! Ano ako, magician? Tara na nga.. Balak ko pa naman umawra this christmas vacation." sabi ko na puno ng panghihinayang.

Madaming tao sa school ngayon dahil event ng ibang College; College of Nursing ngayon ang may event kaya nagkalat ang mga booth. Wedding booth, Jail booth, Pasalubong booth, at kung ano-ano pa. Tumulong din kasi sa preparation nila ang Supreme Student kaya bongga, parang pyesta with banderitas pa.

"Kabog naman ang Nursing week. Andami nilang pasabog." sabi ni Sam.

May cheering competition, Mr. and Ms. Nursing, Showcase of talents, etc.

"Bakla! Panoorin natin yung Mr. and Ms. Nursing! Kasali yung crush mo! Si Paul!" pagyayaya ni Anton. Parang siya ang may crush dahil super excited pa sya kesa sakin.

"Sige! Hahahah! Chaka naman nya kapartner nya te." sabi ko habang tinitignan yung tarpaulin ng mga kasama sa Mr. and Ms. Nursing.

Habang naglalakad at ine-enjoy namin ang ambience ng Nursing week, may biglang pumito at sumigaw.

"Ops! Inaaresto namin kayo." sabi ng isang nurse habang hinihila kaming tatlo. Lahat nagtitinginan at nagtatawanan saming tatlo.

"A-anong kasalanan namin? Nursing ka at hindi ka Criminology, ba't mo kami hinuhuli?" tanong ko. Sa school kasi, Criminology ang bahala sa mga ganyang huli, parusa, bantay ng gate, nanghuhuli sa mga may kulay ang buhok, etc.

"Pasensya na po, sa Jail booth na lang kayo mag paliwanag. Natapakan nyo po kasi ang mga tiles na ipinagbabawal tapakan. Just for fun lang naman po and for fund lang ng nursing department." paliwanag ng humuhuli sa amin. Totoo nga naman na naka-apak kami sa tile na may 'X', hindi lang namin nakita dahil sa lecheng mga confetti na naka-kalat.

"Sige na nga. Magkano ba ang piyansa?" tanong ni Sam na sa mga oras na to eh pino-posasan na ni kuya.

"P20 lang po isang tao pero hindi po pwede manggaling aa inyo yung pyansa. Hahaha!" sagot ni kuya.

Sometimes That HappensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon