lost

118 2 0
                                    

“aish! Para akong lasing?”  sabi ko habang pagewang gewang ang lakad.  Sa dami ng bagay na umiikot sa paligid ko dahil sa gutom at pagod kakalakad ng buong araw.  Ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay ang makahanap ng upuan at umupo ng makapag pahinga kahit na sandali.  “lasing nga ako!” pabirong sabi ko nalang sa sarili ko. “oh!!! Ayun!! May upuan.” Gulat na turo ko sa upuang mahaba na nakita ko sa di kalayuan.  Agad ako nag madaling mag lakad ng may biglang bumangga.  Ngunit agad din itong tumalikod at nag lakad ulit na parang wala manlang nangyari.  “ARAY! Ang sakit naman nun!.. hindi manlang marunong mag lakad ng maayos” .  pabulong na sabi ko. Siya na nga tong nakabangga ni hindi manlang humingi ng kahit maiksing sorry manlang. Agad akong umupo sa upuan.

Kinapa ko ang wallet mula sa bulsa ng bag ko. Agad ako napabuntong hininga ng makita ko ang isang piraso ng buong limang daan. Pero mas napabuntong hininga ako ng maisip kung wala na naman akong trabaho. Paano ko mapag kakasya ang limang daan ng ilang araw? Biglang natuon at nabaling ang atensyon ko sa lalaking umupo sa kabilang upuan. Napatingin ako ng sandali at agad din binalik ang atensiyon sa hawak kung wallet. Agad akong napatingin sa langit.

Pha nakikita mo ba? Ang ganda ng langit hindi ba?

 Nakikita mo kaya ako ngayon?

 Tulad ng pagtitig ko sa kalangitan?

Nababasa niya kaya ang laman ng isip ko? pha bakit ganun?

Parang ang hirap mabuhay sa mundong ginagalawan ko.

 

“haist!! Saan ako makakahanap ng trabaho  nito?” kamot ang ulong tanong ko.  Agad ako tumayo at nag simulang mag lakad pauwi. Pero di pa ako nakakalayo bigla na namang kumalam ang sikmura ko. “di pa pala ako nakakakain ng buong araw.” Naalalang sabi ko habang hawak ang sikmurang kumakalam.

Pha wala na naman po akong trabaho.

Pero huwag ka mag alala, dahil di naman po ako tinanggal

kagaya sa dating trabaho ko.

 Sadyang kaylangan ng mag bawas ng tao sa gas station na pinapasukan ko. Dahil hindi na kumikita.

 Sigurado naman akong makakahanap uli ako ng bagong trabaho pha.

 Kaya  wag ka masyado mag alala samin ni krystel.

“andito na ako.”  Wika ko ng mabuksan ang pintuan. Agad kong hinubad ang sapatos na suot ko. at nilapag ang bag na dala.

“ate bakit hindi ka nag dala ng baon sa trabaho kanina? Maaga pa naman ako gumising para ipag luto ka.” wika ni krystel habang naka bungad sa harapan ng maliit at lumang tv.

“bakit gising kapa? Diba simula na rin ng pasok niyo bukas? Dapat matulog kana.” Pag iiba ko ng usapan. Agad ako kumuha ng damit para makaligo bago matulog.

Kaylangan ko muna tiisin ang gutom ko habang wala pa ulit akong trabaho.  Ang mahalaga makakain sa tama ang kapatid ko.  Muli kong naalalang limang daan nalang ang laman ng wallet ko. Hindi ko alam kung ilang araw ko ma babudget to ngayong pasukan na naman. Mabuti na lang at malapit lang ang pinapasukan niyang paaralan sa inuupahan naming tirahan. Kahit papaano mabibigyan ko siya ng baon.

“ate iniiba mo na naman ang usapan. Tatapusin ko lang to matutulog na rin ako. Kumain kana pag katapos nag luto ako ng itlog. Dapat hindi ka nagpapalipas sa gutom at nag tatrabaho ka.” Muling wika nito habang nakatingin parin sa harap ng tv.

“nag baon po akong tinapay. Sa trabaho na rin ako kumain. Late na rin kasi ako kanina kaya di ko na nagawang kumain pa. Okay naba yan bossing? “. Pag sisinungaling na sabi ko.  Agad akong nag bihis pag katapos maligo at lumabas ng banyo.. Agad ako umupo sa higaan para suklayin at patuyuin ang basang buhok ko.  “ilista mo yung mga kakaylanganin mo bukas sa school para mabili ko na kaagad pag nag ka pera ako okay?” pahabol kong sabi. Pero agad ko itong nilingon ng walang makuhang sagot mula dito. Napangiti ako ng makita kong tulog na pala to. Agad ko pinatay ang tv at agad ding humiga para matulog pag ka tuyo ng buhok ko.

            

Baka sakali langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon