“tignan mo yung suot niyang sapatos sira at may butas.” Bulungang usapan ng mga classmate ko. at kahit di ko tanongin alam kong ako ang pinag uusapan nila. Isang taon nalang at gagraduate na ako sa college. Pero ang sapatos na suot ko nabili at nagamit ko simula ng unang pasok ko sa university na to.
“diba siya yung top one student sa school na to since nung 1st year college tayo hanggang ngayon? Kawawa naman matalino nga sira-sira naman ang gamit. Nakakakain pa kaya siya?” bulong pa ng isa kasama nito.
Agad ako napatingin sa suot kong sapatos at agad kong nakita ang butas na sinasabi nila. Kitang kita na pala talaga ang sira. Agad ako napabuntong hininga. “sana umabot kapa hanggang sa maka graduate ako. Kunting tiis nalang at mapapalitan na kita.” Bulong kong sabi sa sarili ko habang tinitignan parin ang sapatos na suot ko. isang taon na lang at gagraduate na ako. Pero di ko magagawa ang lahat ng to kung hindi dahil sa scholarship na meron ako ng sinobukan ko at bumalik ulit sa pag aaral.
Simula ng araw na naging magulang ako sa kapatid kong si krystel ng abandunahin kami ni mama ng mamatay si papa sa sakit.
“bakit hindi ka bumili ng bagong sapatos? Para mag tiis ka sa sapatos na suot mo? Diba matagal ng sira yan? Bakit sinusuot mo parin?” isang boses ng lalaking nakaupo sa tabi ko. si dale santos anak ng isang mayamang pamilya sa lipunan. Kaya kilalang kilala sa university. Matanda ako sa kanya ng isang taon. At the age of 22 nasa college parin dahil di maka graduate dahil sa pagiging pasaway at tamad mag aral. Agad kong tinago sa ilalim ng upuan ang 2 paa ko. “wag mo ng itago matagal ko ng nakitang sira yang sapatos mo. Kahit nga yang pants na paulit ulit mong suot alam ko.” pahabol pang sabi nito. Mas lalo akong nahiya kaya mas pinili kong manahimik na lang at hindi ito kibuin boung klase .
“uwian na di kapaba uuwi? Oh nahihiya ka dahil sa sinabi ko kanina? Wag ka mag alala di ko naman pag kakalat.” Nakangising sabi nito. At dahil hindi na ako natutuwa sa subrang kahihiyan agad kong kinuha ang notebook na hawak nito at tinapon pabalik sa kanya. Agad akong tumayo at nag lakad palabas ng classroom ng hindi ito nililingon. At sa subrang pikon at kahihiyan. hindi ko napansing naiiyak na pala ako.

BINABASA MO ANG
Baka sakali lang
Teen Fictionthe most precious person in my life is sick. i lost hope and thought that well get separated soon. But i stand still and starting to see and think that after all I've got the most beautiful person on earth. dahil ako ang kasama niya bago siya pumiki...