Way Back (One Shot)

16 1 0
                                    

~

I never thought I would remember you like this.

*

Ang sabi nila, First love never die.

Sabi ko naman, It might not die kasi binubuhay ng bitterness yung puso mo. Yun yon. Galit ka kaya hindi naghihilom.

"Alam ko nasa isip mo." Sabi sakin ni Howy.

"Weh? Ano?"

"About love." Sabay ngiti niya sa akin.

Hahangaan ko na sana at tumama siya pero hindi. Sa panahon naman ngayon, panay love na ang iniisip ng mga tao eh.

"Tse. Ako hulaan ko nasa pag-iisip mo."

"Sus. Gaya gaya. Ano?"

Huminga ako ng malalim para pakawalan ang joke kong to.

"Eh di ako. Hahaha."

Pumalakpak siya na may kasamang sarcasm. Na-lugi ako sa joke ko. Joke lang naman yon eh. Dko siya magugustuhan,

Siguro its like what theyve said~

First love never die.

At kasing tulad ng sinabi ko~

It wont die unless envy run out through thy veins. Nabubuhay ang bitterness.

*

Isang linggo ang nakalipas.

Pero, mahigit dalawang taon na rin mula nung panahong mas broken. Hindi ko gustong magmukha akong ganito, ayokong umiiyak, ayokong iniisip ka pero dko maiwasan. Paano kasi masyado mo akong sinaktan.

Gabi gabi ko pa rin naaalalang ikaw pala yung kauna-unahang minahal ko sa tanang buhay ko. Minahal kita na parang walang bukas.

"Grabe ang bilis naman. Pasko na next next month, anong gusto mong gift?" Sabi ni Howy.

"Ibalik mo siya sa akin."

"Hindi ko na kayang ibalik ang nawala na Talya. Pero handa naman kitang bigyan ng bago eh."

Bigla akong na-weirdo-han sa sinasabi niya.

"Joke lang." Sabi niya ulit sabay ngiti.

After silence,

"Moustache gusto mo?"

"Ha? Para san? Mr. Swabe?" tanong ko.

"Oo. Improvised ko, tig-isa tayo. Naku-cute-an kasi ako dun eh."

"Oo. Mej cute nga."

"Parang ikaw."

Yang moustache banat niyang yan. Naaalala kita. Dinrowingan mo pa ko ng moustache sa taas ng labi ko noon.

Naaalala ko pa yung kung paano mo ako ituring na espesyal. Kasabay sa pagpasok, kasabay sa recess, sinusubuan ng pop corn twing nagmomovie marathon, maraming alaala.

Naaalala mo pa ba nung tinanong kita kung ano na ba talaga tayo?

Kasi ang sabi mo nun, hindi mo alam. Ang sabi mo lang mahal mo na ako kaya M.U. na tayo kasi alam mo namang mahal din kita. Mahal na mahal.

"Ang sakit pa rin Howy." sabay pagtulo ng luha ko.

"Anong masakit? Tungkol nanaman ba kay Jovan to?"

Hindi ko siya sinagot dahil alam niya namang yun din ang ibig kong sabihin. Inilagay niya ang ulo ko sa dibdib niya, umiyak lang ako dun sa may malapit sa puso niya, ni Howy. Ang sakit sakit pa rin eh. Masyado mo akong sinaktan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Way Back (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon