Chapter 1

32 4 2
                                    

"Ayieee! Lumalandi ka na Bella!"

Grabe naman tong so-called best friend ko. Pag may crush malandi agad? Shocking news nga naman para sa kaniya na ang isang certified nerd like me ay nagkakacrush na rin. Bakit? Krimen ba ang magkacrush? Once in a lifetime na nga lang ako magkaganito aasarin pa niya ako?

"Basta manahimik ka! Pag pinagkalat mo 'to, FO NA TAYO!!"

"Eh kasi naman Bella, sa lahat ng lalaki sa buong school, si Blue pang nagustuhan mo."

Wow ha. Makapanglait naman. Wala bang magandang qualities si Blue? He has the best sense of humor! and... Uhhhh.... Cute sya. Slight. Hindi naman ako tumitingin sa pang labas na anyo (weh..) Ay sorry, konsiyensya ko lang yon, umeepal.

"Edi wag mo na lang ako pakelaman. As if naman na he'll have mutual feelings for me" agad kong inamin.

"Oy! Wag mo namang i-down yang sarili mo. Alam mo bang may chismis nanaman akong nasagap!"

Umiiral nanaman ang pagiging tsismosa nitong espren ko -.-

"At ayon sa aking reliable sources, which is ang bes nating si Jackie, nakaw ng nakaw ng tingin si Blue sayo!"

Sabi na. Kinunstaba nanaman si Jackie, which is espren naming dalawa ni Ash

"Hay nako, bahala ka na nga dyan at matutulog na ko. Bye!"

At agad kong binaba ang telepono

Mabuti't matulog nako at Monday bukas. Hay, boredom nanaman. Sana pansinin ako ni Bl--- AHHCKK! Malandi na nga ko -.- makapikit na nga!

~KINABUKASAN~

Nagising ako bigla dahil sa aking sweet dream turned nightmare. Magiging kami na daw ni Blue pero umeksena bigla tong si Cherry, at bigla silang.... Naghalikan! HOMAYGAS! Pero laking gulat ko ng biglang pinagsasaksak niya si Blue! Parang ewan rin mga panaginip ko eh. Ay, oo nga pala, si Cherry yung lalabs ni Blue :( Well, matagal nang gusto ni Blue si Cherry pero ayaw naman ni Cherry sa kanya. Awtsu, sakit nun.

After kong magising, agad akong naligo, nagbihis, kumain, nag toothbrush, at umalis at naghanap ng tricycle. Actually, walking distance lang bahay namin to my school pero reyna ako ng katamaran eh. Wala akong magagawa.

Pagdating sa school, agad ko namang hinanap sina bes pero wala pa sila. Kaya dumeresto ako ng classroom para dun na lang maghintay ngunit, sinalubong ako ng pinaka-nakakainis na tao sa balat ng lupa... Si Red.

"Hey Bella! My bestfriend forevs!"

Kitams? FC talaga.

"Anong bestfriend?! Wag mo nga akong kausapin! Nakakainit ng ulo"

'Baka nakakasira'

"Ay, nagagalit ka ba? Surrii na! Hindi mo naman ako matitiis eh." sabay hinawakan ang kamay ko.

Syete naman o. Ba't parang akong kinikilig? Ahhckk!! *erase erase* hay nako Red, onti na lang, mabubugbog na kita.

Nawala naman attention ko nang biglang pumasok si Blue sa classroom. Hindi ko matiis eh, gusto ko syang tignan. Tapos, bigla ba naman niya kong tinirikan ng mata! Grabe ah, di na nga kami friends, nagiging enemy ko na sya! Iiyak na sana ako nang biglang kinalabit ako ng aking third na espren na si Lyka.

Di ko na masyadong nakakausap si Lyka dahil kasama ko palagi sila Ash and Jackie, pero BFF ko pa rin sya 'no?! Siya lang naman ang hindi namamansin, kaya nga nagulat ako ng linapitan nya ko

"Bella, I have something to tell you..."

Grabe naman siya, cliff hanger kung makasagot.

"Ano?? May problema ba? Natatae ka ba nanaman?" Napalakas kong sabi.

Nakita ko siyang namula. Eh, totoo naman eh, tumae sya dati. Hinatak nga niya ko bigla tapos kinaladkad papuntang banyo. Ewan ko ba, may topak rin minsan to.

"No, not that, it's about Blue" hala, bakit nadamay lalabs ko?

"Anong meron kay Blue??"

"Please stay away from him"

WOW HA. WALA KANG KARAPATAN NA SABIHIN YAN!!

"And what gives you the right to say that?"

"Because I'm his....girlfriend"

(A/N)

Thanks for reading! 1st chap palang, may kaagaw na kagad si Bella kay Blue! So, basically, introduction of characters itong chap na to.. Sa susunod na lang yung POV nung iba kaya, abangan! Mkay Babush!

Code BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon