hello magandang umaga, magandang hapon, magandang gabi.
actually wala naman talagang maganda sa umaga sa hapon at sa gabi. -___- maglalagay ako ng author's note dito. wag niyo kong kuyugin ha.
may sasabihin lang ako.
una: guys. hindi po talaga ako professional editor. kaya nga wala akong rules na pinabigay sa inyo. hindi ako humingi ng kapalit di gaya ng ibang bookcover shops dahil feel ko nahihiya akong mang utos tapos di naman ganun kaganda yung mga gawa ko. pero sana naman guys naiintindihan niyo ako kung minsan natatagalan talaga. at di porket matagal eh maganda yung kalalabasan. di po ako professional editor. HINDI PO! kaya wag po kayo masyadong mag expect. :(
pangalawa: yung nagfofollow ba tapos magrerequest. tapos afterwards pag natagalan akong gumawa nag u-unfollow or kung di kayay pag tapos ko ng gawan nag u-unfollow. oo alam kong di ko deserve ang pagfollow niyo pero kung ganyan din lang. wag na lang kayong mag follow. totoo. di ako gutom sa follower. di ko naman habol yung pagkakaroon ng follower. yung iba nga imemessage ko pa na nagawa ko na book cover nila para lang malaman nila. oo todo effort tong ginagawa ko.
pangatlo: kahinaan ko sa pag edit pag maraming characters. tapos yung iba talagang specific na kailangan ganito yung gesture, kelangan nasa ganitong lugar, kelangan ganito ganun, oo naiinitindihan kong nandun yun sa forms na BACKGROUND DESIGN pero yung minimean ko kasi dun yung color at yung face ng character. nahihirapan ako. lalo na pag mag cut out ng pictures sa cs4 at maghanap ng picture na katulad ng nirequest niyo kaya pag nagawa ko. nalulungkot ako kasi madalas di ko nasunod ang gusto niyo. sorry.
pang apat: guys. malaking tulong na tong ginagawa ko. okay lang sa akin kahit di kayo magvote, or magdedicate. kahit walang kayong ginawa in return pero di naman tama na di kayo mag tethank you kahit magcomment lang ba. seenzoned pa talaga yung ginawa ko. na magdamag na pinagpuyatan. kung nahihiya ka magpasalamat sa public. sige sa inbox na lang. kahit TY lang ayos na yan. wag yung kahit period or comma na comment wala talaga. mag appreciate din ba. wala na ngang rules, thank you lang ang hinihingi ko. kung takot kayo magvote sige, wag kayong magvote. sus. vote lang yan. numero lang yan mas mahalaga pa rin yung comments na nagtethank you kayo.
pang lima: okay lang kahit pa sabihin niyong masama ako. na masyadong mareklamo. pero isipin niyo din kung ikumpara sa ibang shop na nag ooffer ng help gumawa. wala akong ibang hinihingi kundi maappreciate ako at yung gawa ko. -___-yung iba galit pa na nagmemessage na matagal. magtatanong kung
"DI MO PA BA NAGAGAWA?"
"kelan mo iuupload?"
"tapos na ba?"
"kelangan ko na ang cover"
"yung akin na unahin mo"
"dapat nakaside view yung girl tapos nakayuko si boy na nakahawak sa pintuan"
"uy dapat capslock yung title. ulitin mo"
"pakiulit po dagdagan ng characters, basta damihin niyo po"
"matagal pa ba talaga?"
"tsk yung akin"
"oy dapat white yung author'sname pwede mo iedit?"
"ngayon mo na gawin."
"dapat nakaluhod si girl, tapos nakatalikod si boy na medyo nakalingon"
"mali yun. konting edit pa."
KAYO NALANG SIGURO GUMAWA. para naman maranasan niyo kung gaano kahirap at mag cut out ng pictures. at maranasan niyo ma take for granted.
last: alam kong medyo nakakainis ako. pero alam niyo yung feeling na nahihiya akong mag update ng story kasi feeling ko pag mag uupdate ko, magtataka kayo na nakakaupdate ako ng story ko pero di ko pa nagagawa ang bookcovers na nirequest niyo. nahihiya ako na ipagpatuloy yung kwento ko kasi feel ko dapat kong unahin yung nirerequest niyo. sorry talaga kung mabagal ako pero ang dami niyo. at yung ginagawa ko. saka ako nag uupdate ng kwento ko kapag iuupload ko na ang atleast 20 book covers na nagawa ko para di naman nakakahiya sa inyo.
PS: 50php paload ko sa smart broadband sa isang araw.
hindi naman ako nagpapabayad, gusto ko lang maunawaan niyo ang sitwasyon ko.
PSS: MABAIT NAMAN TALAGA AKO. PERO MASAKIT LANG TALAGA!
PSSS: GINAGAWA KO NA YUNG IBA PANG BOOK COVERS KAYA WAIT LANG!
PSSSS: buti na lang talaga maganda ako. HAHAHAHAHHAHAHA XD kesehoda kamo!
any violent reactions? XD
ang AMPALAYA inuulam yan, hindi yan dapat INUUGALI. XD
~mhiellefioure
BINABASA MO ANG
SIMPLE book cover request [TEMPORARILY OUT OF SERVICE ^_^]
De TodoSIMPLE BOOK COVER REQUEST. fill up---leave a comment---and be patient. -mhiellefioureARTS