Jhiro's Point Of Views
Totoo ba talaga to ? yung babaeng matagal ko ng pinapangarap at lihim na hinahangaan ay lumapit sa akin at nasa harapan ko ngayon ?? Pero paano silang naging mag kaibigan ni trixy e kilalang bully at warfreak ang babaeng ito at leader ng kinatatakutang sigmanians at kaylan pa ?? Masama man ang kutob ko at madaming tanong nawala iyon sa aking alalahanin ng masilayan ko ang magandang mukha ng dalaga .. Si joy unang kita ko palamang dito noong second year kami ay tinamaan na ako rito at sa tagal tagal na pag sunod sunod ko sakanya kanina lang ako nag kalakas ng loob na lapitan siya at bigyan ng bulaklak . Hindi ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob , oh siguro dahil nakikita ko rin na kahit sinong mag bigay dito ng chocolates or bulaklak ay tinatanggap nto.. Pero napansin ko rin sa mga nakaraang buwan naging iba si Jhoy hindi na siya yung dating Joy na palagi kong nakikitang nakangiti , masaya habang kasama ang mga kaibigan bagkus palaging na siyang mag isa at walang imik nababalitaan ko rin na palagi itong umaabsent at nag cucutting ng class , tapos ngayon nga nalaman ko na mag kaibigan sila ni trixy ..
"Hey whats on your mind?" pukaw niya sa akin kami nalang palang dalawa ngayon dahil iniwan na kami ni trixy hindi ko alam kung bakit nag tataka man hindi na ako kumibo .
"Ikaw yung kanina right?" siya ulit
"Natatandaan mo ako?" gulat kong tanong
"Hindi naman ako araw araw nakakatanggap ng ganon galing sa katulad mo kaya pano kong makakalimutan ? saka hello kanina lang kaya iyon " prangkang sagot nito hindi ako nakakibo natulala ako pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig
"Jowk Lang" biglang bawi nito sabay sign peace nakangiti na rin
lalo akong hindi nakakibo , totoo ba talagang nangyayari to ngayon ? hindi ba ako nananaginip lang? paanong ? bakit ? hayy ang dami kong tanong
"Hey are you okay?" tanong niya sa akin sabay pitik ng kamay niya sa mukha ko
"Ha?" hindi lang kasi ako makapaniwala na ---
"Na ? putol niya sa sasabihin ko
"Kinakausap mo ako at kung bakit ka ipinakilala sa akin ni trixy?" sabi ko Hindi siya nakakibo
"May kaylangan kayo?" nabigla kong tanong
"Oo" sagot naman nito
"Ha ?" tanong ko ulit
"Jhoy Shyn Lee POV's"
erRr ! ano bang isasagot ko sa mokong nato ? hindi ko agad naisip na oo nga pala at siguradong magugulat at mag tatanong to may isip naman pala ! tssss ..
"Ano uhm ang - ang ibig kong sabihin kuwan ganito kasi yun nag hahanap ako ng pedeng mag tutor sa akin sa math , Oo yun nga ! tama mahina kasi ako sa math then nasabi ko iyon kay kay trixy kaya nirefer kaniya sa akin at hindi ko alam na ikaw pala iyon " hayy naku salamat sana maniwala tong mokong nato pinag titinginan na kami dito teka matalino ba ito ? tssss ..
"Talaga? ako yung nirefer ni trixy ?" gulat nitong tanong
"Unly kaba sinabi kona nga diba?" pamimilosopo ko
"ha?"
"Ah wala , wala akong sinabi" sabi ko sabay ngiti wala naba siyang ibang alam sabihin kundi ha?
"Ok lang ba sa iyo? Kung hindi naman sige ok lang sa akin" naku po wag kang ooO sasapukin kita matagal kong inintay toh ! na mapabilang sa mga sigmanians nakuuuuu--
"Ok lang gusto kitang tulungan" anito , aba at nakangiti pa ang loko
"Wooow ! talaga ?" napangiti na rin ako ng malaki at sa sobrang tuwa ko nahawakan ko siya
"Wala yun , pero tek wala ka bang klase ngayon?" bigla niyang tanong
ayy sheeets ! oo nga pala nuh nawala sa isip ko pero ok lang yun . "Wala ! wala yung teacher namin" pag sisinungaling ko "Pero sige ha may aayusin pa kasi ako kita nalang tayo mamayang lunch , heto yung number ko text mo ko ha?" sabi ko sakanya sabay alis na sa lugar nayun Naiwan ko siyang tulala ..
Hanep feeling ko celebrity ako lahat ng dinaraanan ko nakatingin sa akin ..
"Uyyy si panget !! "
"Tuwang tuwa ang mokong"
"Iwwwww"
"Yuck!"
"idiot"
Narinig kong mga sinasabi nila na ang tinutukoy ay si Jhiro , yung iba hindi ko na narinig , kawawang nerd tsk . tsk ..
"Trixy's Pov"
"Guys look tingnan niyo si panget , its ovious ligayang ligaya " hahaha sabi ko sa mga kaybigan kong muret sabay turo kay panget na nerd kay Jhiro andito kami sa may likod ng puno yung hindi makikita ni panget ..
"hahahaha"
"Excited na ako sa susunod na mangyayari"
"Napakanice ng idea mo trixy"
"kawawang panget ! "
"Bakit kasi ayaw pa niyang umalis dito!"
Ibat ibang sagot nila mga nakangisi silang lahat tumatawa..
"Huwag kayong mainip " sagot ko sakanila ng nakangisi , napahalakhak na din ako at syempre pati sila nakitawa na rin ..
***********************************
Please dont forget to vote and comment :)
Richannjap11