Chapter two. Enjoy! xx
---------------------------------------------------------------------------------------
Pizza’s POV
Nag-iisip ako ng gagawin sa mga bagong transfer habang nakikinig ng music, breakfree ni Ariana ng may naka-bangga ako.
“Sht.” I cussed.
“Miss, pwede ba. Tumingin tingin ka sa dinadaanan mo” sabi niya, ba ka-kapal ng mukha. Di yata ako kilala nito eh, di nga yata taga dito ‘to eh.
“Miss mo mukha mo! Excuse me, kung nakita mo naman palang hindi ako naka-tingin ba’t di nalang ikaw yung umiwas? Bitch.” Patikim palang yan, umiinit na ulo ko eh.
“Sino ba talaga sating dalawa ang bitch ha?” sabat niya.
“Isa pang kaartehan mo, tatamaan ka sakin.” Sabi ko sakaniya. Bigla namang may lumapit na lalaki sakaniya,
“Tamaan mo siya, ikaw tatamaan sakin.” Sabi sakin nung lalaki, wow may knight in shining armor si ateng. Napa-tawa naman ako ng unti doon.
“Sa tingin mo, kaya mo ko? Haha baka!” sabi ko sa lalaki, at nakita ko na ang aking mga kaibigan na palapit sakin at sinignalan ko silang, kaya ko na ‘to.
“Don’t underestimate me, miss. Babe, dun ka muna.” Kaya pala, jowa pala eh.
“Babe, babe sus! Kadiri kayo. And by the way, I’m not underestimating you. I’m just stating the fact na di mo talaga ako kaya.” Then I smirked.
“Sorry miss, di ako pumapatol sa babae and if that’s the way na ginagawa mo para mapansin kita, ayan napansin na kita. Masaya ka na?” aba’t ang kapal neto ah.
“Fyi. Di ako nagpapapansin, and di ka pumapatol sa babae? Sus bakla ka lang eh.” Ha. Kumagat ka na sa patibong ko.
“Huh, bakla? Edi sige, ano game. Pero pagka-tapos neto wag kang iiyak-iyak ha.” Puno ng kayabangan ‘tong lalaking to. Nakita ko na na andami na palang taong nakapalibot samin at manonood. Ay ano ‘teh? Sinehan lang ang peg niyo?
“Pft. Di mo yata ako kilala eh.” Then sinuntok ko siya, naka-ilag siya. Hmmm, magaling.
“Bakit? Dapat ba kitang kilalanin? Ano ka? Batas?” Sabi niya, at sinuntok naman niya ko, pero syempre dahil magaling ako, naka-ilag ako.
“Ikaw pala yung transferee eh. Hah.” Tas sunod sunod ko na siyang sinuntok, nakaka-ilag naman kaso din naka-ilag sa huli kong suntok. Napa-luhod siya sa sakit.
“Patikim palang yan. Wag kang iiyak-iyak huh.” I smirked then walked away living him with his girlfriend, biglang dumating eh. Hahaha. Serves them right. Pumunta muna akong tambayan, tinatamad ako mag-klase ngayon. Kasama ko ang aking mga girlies, tinamad din siguro mag-klase tong mga to.
“Grabe ka girl, nawala lang kami saglit nagkaroon ka na agad ng kaaway.” Sabi sakin ni Burger.
“Eh sa di tumitingin sa daanan, girlfriend niya eh. Ubod pa ng arte bigla namang sumabat yung lalaki. Hay nako.” Sabi ko sakanila.
Spaghetti’s POV
Naks. May POV na agad ako. Tong si Pizza napa-away na agad kanina eh kakagaling palang sa away. Matinde-tinde rin itong babaeng ‘to. Ayy, speaking of.
“Girls, may nang-yari din sakin kanina. Ugh, yung bagong transfer? Nakasagutan ko, nakakaasar kasi eh. Langya porket napahiya.” Kwento ko sakanila.
“What happened ba?” Tanong ni Fries.
“Ganito kasi yun..”
*Flashback*
Naglalakad ako papuntang canteen dahil gutom ako, ba’t ba. Bumili ako ng chuckie, trip ko eh. Wag basag trip ples. Tas bigla akong may nakabungguang lalaki, accidentally natapon yung milo niya sa damit niya, puti pa naman damit niya. Oops.
“Shit!” sigaw niya, I giggled.
“Lakas ng loob mong maka-tawa, eh ikaw may pakana neto!” sigaw niya sakin, mas lalo lang akong natawa.
“Kbye.” Nagwalk-out na ko, at napagdesisyunang mag-cr muna pagka-pasok ko nag-iritan yung mga babae, ganun na ba ko kaganda?
“Ewwww!” sigaw ng isang babae na naka-tingin sakin ako ba? Pag-tingin ko sa likod ko, andun yung lalaking natapunan ng milo kanina.
“BWAHAHAHAHAHA.” Napahalak-hak na ko sa tawa. Pumasok ba naman sa girl’s restroom! Yung mukha niya, gulat. At tumakbo siya palabas, at ako’y nagpatuloy na, inayos ko na sarili ko, you know powder-powder. Pag-kalabas ko eh, may humila saakin.
“Bitawan mo nga ako! Germs, ewww!” maarte kong sabi.
“Germs mo mukha mo! Kanina pa ko napapahamak sayo ha.” Sabi niya, siya yung lalaking pumasok sa cr.
“Pft. Sino bang may sabing pumasok ka sa girl’s comfort room?” I smirked, at yung mukha niya halatang naiinis, wala siyang masabi haha!
“Wala di ba? So you, stay effin away from me.” Then I walked out.
*end of flashback*
“Grabe naman yun girl! Lakas ng loob!” Totoo naman eh, lakas ng loob niyang sagutin ako.
“Maybe he’s one of the transferees din.” Sabi ni Fries
“Nako. Yang mga bagong transfer nay an, namumuro na ha.” Singit ni Pizza, at tahimik na ang hangin, walang nagsasalita biglang umepal naman ‘tong si Burger. Dapat parusahan yang mga yan eh.
“Are you guys, thinking what I’m thinking?” Then we all smirked, ha! Iisa nga lang ang iniisip namin. Kaya mga transferees..
Be ready.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry maikli! :) Comment, vote or be a fan. xx