The Fifth Element~

59 4 4
                                    

Ansherine's POV

Aish! Nakakainis talaga si Carla! Sunugin ba naman yung halaman ko! Ang hirap kaya patububin nu'n. Tapos ang rason niya pa, nilalamok daw siya, kaya siya nagsindi ng katol. Eh, SINO BA MAY SABI NA TUMAMBAY SIYA DUN?! Makaka-bangga niya si Angel. Huh, akala niya, ah? BFF ko kaya yun. (^^)v

Angel's POV

Nakakinis! Ang yabang talaga ni April! Sabi niya, magaling daw siya lumangoy. Eh hindi nga siya makababa sa pool, eh. Lunurin ko siya! May problema pa si Anshe. Tinext niya ako, sinunog daw ni Carla yung halaman niya. Isa pa yun, eh! An'sarap pag-untugin nila Carla at ni April!

Carla's POV

Bwisit! Ayaw nila maniwala! Kinakampihan nila yung Ansherine na yun! Sus! Iyakin kasi, Eh, pa'no kung malamok naman talaga! Wala akong choice, nagtatago ako kay April, eh. Sinabihan ko kasi ng MAYABANG. Totoo naman, eh! Psh. Paano kasi, feeling magaling. Sabihin ba naman mas magaling siya sa akin magluto. SAPAK, SHE WANT?! Ay, ewan! -.-

April's POV

Asan kaya yung taong iyon?! Loko yun, ah? Sabihan ba naman ako ng mayabang sa harap ng maraming tao. Eh, mas magaling naman talaga ako sa kanya, eh! Ayaw lang niya aminin. At may kasalanan pa pala sa'kin si Angel. Pinipilit niya akong palanguyin. Eh, wala nga akong extra na damit. At, F.Y.I. mas magaling naman talaga ako sa kanya. Hmp. ><

3rd Person's POV

Naglalakad sa hallway si April nang may maka-bangga siya.

"Sorry!" Sabay nilang nasabi.

"Carla?" Nabibiglang tanong ni April.

"Hoy Carla! Ba't mo sinunog yung halaman ni Anshe?!" Sumugod si Angel kasama si Anshe papunta kay Carla.

"Eh aksidente yun eh!" Sagot ni Carla.

"Bakit ka kasi nakatambay dun?!" Sigaw ni Anshe. Natameme nalang si April sa mga nangyayari.

Nagpatuloy pa ang pagsisigawan ng tatlo nang magtanong si April.

"Guys, hindi naman ako mayabang di ba?" Natahimik sila.

"Oo kaya!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo kay April.

"Hindi, ah?" -April

"Oo kaya!" -Angel

"Feeling mo, ang galing-galing mo!" -Carla

"Eh ba't ka nga nakatambay dun?!" -Anshe

Nag-away sila nang nag-away hanggang sa may umawat sa kanila.

"Magsitigil na nga kayo! Para kayong mga shonga! Bakit, kung hindi ba mayabang si April gagalingan mo pa ba Carla? Eh ikaw Angel?  At kung hindi ba nasunog ni Carla yung halaman ni Anshe, maiisip mo ba Anshe na bakuran yung garden? At kung hindi ba magaling sina Angel at Carla, hindi ka ba mage-ensayo? Magkakaroon ka ba ng kumpyansa sa sarili? Please naman, bigyan niyo ng chance ang isa't isa."

Simula noon, pinilit nilang maging magkaibigan at nagawa naman nila iyon. Hindi man maiiwasan ang awayan, lamang pa rin ang pagmamahalan. Para nga silang 5 ELEMENTS. Si Carla, apoy. Masyadong pabaya. Walang pakialam? Kahit delikado, ginagawa niya. Si Anshe, lupa. Grabe kasi kung maka-alaga sa kalikasan. At minsan, napupuwing siya sa sarili niya, sa sariling galit na minsan, hindi na niya naiisip ang tama. Eto namang si Angel, tubig. Best swimmer. Pero medyo sensitive. Tapang-tapangan. Parang tubig, nakakalunod pero konting galaw, nagbabago ang agos at pwde kayong magkasundo. Si April naman, hangin. Mayabang kasi eh. Pero, kahit ganyan iyon, may nagagawa siyang mabuti. Natutulak niya ang tatlo na lalo pang galingan. At minsan, natutulungan din niya yung sarili niya. Ang hindi nila alam, kailangan nila ang isa't isa. Na kahi  'di sila pare-pareho, sakto naman sila sa bawat isa. Parang puzzle, hindi naman sila pare-pareho, pero 'pag pinagdikit at pinagsama-sama, nakakbuo sila. Ang apat na iyon, di parehas, pero nabubuo naman nila ang bawat isa. PAGMAMAHAL LANG ANG KAILANGAN.

(A/N: Eh sino ka ba?)

Secret... ;D

--------------------------------------------------------

HAPPY BIRTHDAY APRIL! ETO NGA PALA ANG ISA SA MGA SURPRISE NG G4. HOPE YOU LIKE IT! LALALABYOU. <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The FIFTH Element~ (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon