Chapter 1: The first encounter

39 1 0
                                    

Chiklet's Shop. 

Mag-isa lang na nagpunta si Leora sa favorite pastries shop ng kanyang kaibigan na si Maeryl, ang may-ari ng naturang shop. Lumbay na lumbay na sya simula pa kagabi nang mag-usap sila ng boyfriend nyang si Riri, na ngayon ay ex-boyfriend na nya. Pinilit niyang isalba pa ang kanilang relasyon pero hindi na talaga kaya. Halos tatlong taon din ang tinagal ng relasyon nila. Masaya sya, oo pero ika nga 'Everything comes to an end' at yun nga ang nangyari sa kanila kagabi. 

Hindi niya alam kung siya ang may problema. Mabait naman sya, understanding, caring. Kulang nalang bansagan siyang 'Best Girlfriend of All Time'. Pero ang magaling niyang boyfriend, este ex ay walang ginawa kundi makipagharutan sa ibang babae. Minsan na niyang nahuli ito na may katext na haliparot na starlet. At ang chaka, gusto pa ng jerjerThe herb! Ay, the nerve pala. Mukhang kasing kalabaw na naging kabayo si ateng. Na resident evil ata ang fes

Kaya ngayon mugto ang mga mata nya kakaiyak kagabi. Akalain mo iyon, iniyakan nya ang walang balls na lalaking mukhang broomstick na iyon. Ganun talaga siguro pag nabobroken ang isang tao. Back to reality na ang isip at dun mo na makikita ang hitsurang pasok sa banga. Nakakatakot. Masyado na ata siyang nagiging bad. Pero iyon talaga ang katotohanan. 

Leora's POV

Alright! Move on na tayo. Wag na natin syang pag-usapan. He's my past now or should I say, my biggest nightmare. All I need to do now is to delight my appetite with my favorite pastillas cheesecake. 

"This is your order, Miss," nakangiting sabi ng crew. At nilantakan na nya ang cheesecake na kanina pa hinahanap ni Mr. Earthworm. ay! bulati pala sa tiyan. 

Tipid na ngiti lang ang ginanti ko. I don't have time to flirt with the cuties for now. 

I was about to put my earphones when one guy approach me, came out of the blue. 

"Hey, magandang binibini. Can I share a table with you?" sabay kindat ng matangkad na lalaki pero medyo chubby. 

Tinaasan ko lang ng kilay ang isang ito. Sabi ko ayokong makipagflirt ngayon e. Enebe! 

"Chillax ka lang, magandang binibini. Hindi naman ako nangangain, nangangagat lang. Rawr!" sabay humagalpak ng tawa. 

Ano'ng problema ng isang ito? Ang dami-daming lalapit saken, psycho pa. 

"Ehem! Sorry koya but I'm not buying that joke." 

Oy! English yun ah. Ilalagay ko na sana ang earphones ko ng bigla ulit nagsalita ang lalaki. 

Tumikhim muna ito. "Alam mo, magandang binibini, ganito lang yan e. Whether meron ka ngayon or magmemenopause ka na.." bigla na namang tumawa ng bongga. Pagkatapos bumalik ulit sa normal, "Or kung hindi naman. Man-hater ka lang or bro..." 

"Hep!" pigil ko sa iba pa niyang sasabihin. "It's not what you think! Happy ang puso ko pero nang dumating ka na dito naging hap-hap nalang. By the way, I don't need to explain it to you, psycho!" 

Parang bigla syang naamazed sa sinabi ko. Natagalan siya bago nagsalita muli. 

"Owww.. nice endearment, magandang binibini. Nakakabaliw talaga ang kagandahan mo. And wait, there's more. Mas gumaganda ka pa lalo pag nagagalit." Nakakatitig na sya sa akin ngayon at nangingislap ang mga mata. 

Nailang naman ako bigla. Kaya nag-iwas ako ng tingin. "Well, ikaw na ang ika-100000th na nagsabi nyan sa akin. I'm not surprise anyway. Happy? Ok na?" Pinilit ko nalang ngumiti ng kaunti para makaalis na ang lalaking psycho na ito. Di ako makapagsoundtrip e. 

Umupo ito bigla sa harap ng upuan ko. Bigla itong sumeryoso. "Magandang binibini, gusto ko san..." 

Di ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil di ko na kinaya ang sakit ng tiyan ko. Tatakbo akong nagpunta ng restroom dahil sobrang sakit na talaga nito. Naalala ko, nakasampu na pala akong pastillas cheesecake. Goodluck, anus! 

-- 
Natawa nalang si Ytan matapos makita ang reaksyon ng babae na nilapitan nya sa loob ng shop. Oorder na sana sya ng pastillas cheesecake na sobrang favorite ng mama at tita nya nang makita nya na nag-iisa lamang ito. Nagkalakas-loob tuloy syang lapitan ito at makipagkilala. 

Ngunit meron atang sumpong ang babae or nagdedeliryo sa life dahil dedma lang ang Adonis nyang mukha at Macheteng pangangatawan. Pero narealize nya na maganda pala talaga ito sa malapitan. Hindi nakakasawang titigan ang hugis-puso nitong mukha, chinitang mga mata at pinkish kissable lips. Ngunit ang nakaagaw mismo ng atensyon nya ay ang strong personality nito. Kakaiba ito sa ibang babaeng nakilala nya. Yun nga lang nang sasabihin na nya ang totoo nyang pakay ay bigla na lang nag-ala Darna ang vaklush at umere to nowhere.

"Sayang!" May panghihinayang nyang turan. "'Til next time, Miss Leora Gracia." Napangiti sya ng pagkatamis-tamis. 

-- 
"Whooo... Success!" 

Finally, after 123456 years nairaos na din nya sa trono ni Aling Bebang ang mga pataba sa halaman ni Mang Kepweng. Muntik ng mapahak ang kanyang behind sa orasyon na iyon ah. Buti nalang nadaan sa singing at acting workshop ala dramatic actress. At ang pinakaimportante sa lahat, free ang restroom. Meaning, waley madlang people. Kaya concert in Araneta Coliseum ang peg ng lola nyo. 

Nag-ayos muna sya at nagretouch ng kaunti bago lumabas ng 'smokey mountain'. Dahan-dahan muna syang sumilip para tingnan kung wala na ba doon ang lalaking psycho na nakausap nya kanina. Laking pasasalamat nya nang wala na nga doon ang lalaki. 

Confident naman syang nagtungo sa table na in-occupy nya kanina. Pero laking gulat nalang nya nang may lalaki na naman na nakaupo doon at relax na relax sa pagkain at pagkakaupo.

Aba matinde! 

Dali-dali syang naglakad palapit dito kahit na masakit pa ang kanyang anus. 

Konting tiis nalang. Push pa. Makakaupo na tayo. 

Tumikhim muna sya bago nagsalita. "Excuse me, this is my table. If you don't mind," at nagsenyas pa sya na umalis na ito. 

Tiningnan lang sya nito. Lagpas nga lang. Sinasadya ata ng damuho. 

"Hey! Are you deaf? Wait tatagalugin ko na for you. Bulag ka ba?" toinks! Wrong gramming. "I mean bingi ka ba or what? Pwede ba paupuin mo na ako at umalis ka na ASAP19!" 

At ang damuho, hindi ata ako naiintindihan. Bingi nga ata? 

Umayos ito ng upo at nagsalita. "This is MY table, Manang! Don't disturb me. So please.." at ginaya din nito ang senyas na ginawa ko para umalis na sya. 

Manang? Me? Alarm on! 

"Hoy! Gagambang lalaki na uod ng gwapo, pwede ba wag mong pinapainit ang cerebrum ko. Lalong kumukulot e. Tumatalino pa lalo ako. At anong manang ang sinasabi mo jan? Hoy! Laway mo lumalaway. Kaya wag ka ng magsalita at umere ka na lang, pwede?" nanggigigil na sabi nya. 

Napatingin na ito ng tulayan sa kanya ngayon. Salubong ang mga kilay. 

"Hey, manang! Watch your words. Walang sayo. Akin ang table na ito. Kaya lumayas ka sa harap ko!!" gigil na din ito. 

Naks! Nicole ng The Legal Wife, ikaw ba yan? 

"E, anak ka naman pala ng nilitsong kambing e! Sa 'kin ang pwesto na yan. Di mo ba nakikita, 'Alone' ang nakalagay sa table. Kaya sa 'kin yan. Pwesto ko yan!" 

"Sorry, manang. Pero dito ako nakapwesto ever since. You better find another table. Baka di na kayanin yan ng rayuma mo," ngumiti pa ang damuho ng nakakaloko. 

Wala ba'ng ibang sasabihin ito kundi ang mang-alaska? Pwes, nagkakamali siya. Top 1 kaya siya with flying colors sa BA Feelingsophy. Hah! Talo ka pa rin sa akin. Kahit na gwapo ka, hindi yun exemption. Lalo pa't nakakailan na ito sa kanya. 

"Aba't nakakabastos ka ng damuho ka ah! Ano, suntukan nalang. Loko ka pala e. Tara, sa labas tayo. WEYKENEVITCH ka!" masasapak na talaga niya ang lalaking ito. 

Bago pa man niya mahablot ang kwelyo nito ay pumagitna na agad ang kaibigan nyang si Maeryl. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na may engkwentro sa shop nya. Akala ko ba busy ito? 

"Ano ba kayo'ng dalawa? Di ba kayo titigil? Nakakahiya sa mga customers oh," at humingi naman ito kaagad ng pasensya sa iba pang kasama nilang kumakain sa shop. Hinarap na ulit nito sila. 

"Nakita na ninyo? Ba't ba kayo nag-aaway? Don't tell me na magkakilala na kayo nan?" nakasmile na ang magaling niyang kaibigan. Ano na naman kaya ang nakain nito? 

Magkasalubong ang kilay na napatingin siya kay Maeryl. At ayun na naman ang nakakalokong ngiti ng kanyang kaibigan. 

"What do you mean, Ryl? Balak mo ba kaming ipakilala sa isa't isa?!!" Halos magtalsikan na ang kanyang laway sa mukha ng kaibigan.

"Don't tell me sya yung girl na tinutukoy mo?" tanong naman ng lalaking di na naubos ang kinakain. 

Oo nga naman. Paano nito makakakain ang inorder kung salita siya ng salita at pilit na pinapaalis sa pwesto nito. 

"Hmm.. isa'ng malaking CHSEK! Pak! Pak! Pak! Sabi ng uwakkk.." at ang bruha nagpapalakpak pa sa tuwa. 

"WHAT?!" sabay na sabi namin ng lalaki. Pinanlakihan ko sya ng mata. 

Pinaupo nya ko sa tapat ng damuhong lalaki habang sya ay umupo naman sa tabi ko. "What's wrong with that? You both single and ready to mingle. Don't waste your time guys. Enjoy!" 

Napabuga ako ng hangin. Sabi na nga ba. Nagfefeeling matchmaker na naman ang mga kaibigan nya. Lagi naman. Everytime na nabobroken hearted sya, may nakareserve na agad na bago. 

"Ano na namang kalokohan to, Maeryl? Sinabi ko ng di ko 'to kelangan ngayon. I need space!!" hysterical na sabi nya. 

Ang shunga nyang kaibigan, aba't tumayo nga at umalis sa tabi nya. "Oh here, ok na? May space ka na. Happy?" Nang-aasar pa ang bruha. 

Kung hindi nga lang maraming tao sa shop ngayon ay kanina pa nya na-Saw at na-Texas Chainsaw ang kaibigan. 

"Ha-ha! Patawa ka, aborted. Sobra!" sarcastic na sabi ni Leora. 

Inakbayan naman sya nito. "Chiklet, ba't ba kase umaayaw ka pa? Havey naman 'tong si Tazzer e," kinindatan pa ko. 

Noon ko lang naalala na kasama nga pala nila ang lalaki. So, Tazzer is his name. Sounds cute and hot. What? Did I said that? But obviously, he's the exact meaning of tall, dark and chinito-type handsome guy. Mapungaw ang mga mata nito at nangungusap. Maumbok pa ng kaunting ang mga cheekbones nito. He is prefect in every angle. Not mention that thin kissable lips of him. Napaisip tuloy siya kung ano ang feeling na mahalikan nito. Masarap kaya? 

Nagbalik lang ang atensyon ko ng tumikhim ng malakas ang kaibigan kong si Maeryl. Medyo bomba ako dun. Huli ka balbon! Tsk! 

"He's oozing hotness, right?" pabulong na sabi ni Maeryl na may kasama pang impit ng kilig. 

Nadagukan ko nga ng konti. Makaganti man lang kahit papaano. Pero nagulat pa ako nang pagtingin ko ulit sa lalaki ay nakangiti ito ng konti sa amin or sa akin lang? Ewan! Basta ayun na yun. Nang tumingin uli ako ay balik serious na naman ang expression ng mukha ng mokong. Badtrip naman! 

"Is there something wrong with my handsome face? I thought it's already perfect." Sinasabi nya ito habang walang expression sa kanyang mukha. 

How can he do that stuff? 

Tinaasan ko lang ito ng kilay sa abot ng aking makakaya. "Anong tingin mo sa sarili mo, si Adonis ang peg mo? Hah! Lakas talaga ng hangin.. dyan sa loob ng utak mo. Try mo kayang butasan yan paminsan-minsan ng hindi lumolobo!" sabay ismid. 

Tumawa pa ito ng nakakaloko. "Whew! If I know.." sinadya talaga nitong bitinin ang sasabihin. 

"E ano? Sige ituloy mo lang nang makatikim ka ng patatim!" pinanlakihan nya pa ito ng mata. 

Tumayo na ito bigla kaya muntik na syang mauntog sa ulo nito. Napakabastos talaga. Walang modo!

"This is non-sense!! I gotta go, Maeryl. Just text me later. Ciao!" at umalis na nga ito ng hindi man lang sya nililingon. Dedmahin ba daw ang beauty nya. 

"But wait, Tazzer, di pa kayo magkakilala! Oy!" hinabol naman ito ng kaibigan niya hanggang sa labasan. 

Nakasunod naman siya ng tingin. At nagtataka habang napapaisip. 

He looks familiar. Di kaya siya yung nawawalang bipolar na napabalita sa TV na nawawala? Ay! Tangek, polar bear pala yun. Hihi. 

Risk It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon