Chapter 3

37 1 0
                                    

Sabay na lumabas sila Tazzer at Leora sa office nito matapos humingi ng sorry ang pangalawa. Hiyang hiya man sa nangyari ay naging masaya naman ang araw niya. Narealize niya na hindi naman pala masama ang ugali ng lalaki. In fact, masarap itong kakwentuhan at palangiti rin naman. 

Parang musika din sa pandinig niya ang boses nito na wari'y nagkukwento lang sa mga batang tinuturuan nito. 

"Sorry again, Leora. Next time, you better act firmly and don't be clumsy. Ok?" 

Napakamot naman siya sa ulo. "Okay, Tazzer." 

Biglang nagningning ang mga mata ni Tazzer. Para itong nabato-balani. Nabigla pa siya nang sabihin nito ang pangalan niya. Angel's voice! And she looks like an angel staring at me at night. 

Pumitik naman si Leora para bumalik sa wisyo si Tazzer. "Anyare?" 

"Nothing. Go ahead at talagang late ka na sa klase mo. Mamaya nan ako pa sisihin mo. Mag-iingat kayo" kay Maeryl ito nakatingin na parang gustong ipahiwatig sa kaibigan na ingatan siya nito. 

"I will, Tazzer." at umalis na nga sila ng kaibigan. 

-- 

"Wait!!!!!!" 

Halos liparin na niya ang unahang table ng Prof nila sa Entrepreneurship. Gusto pa kasi niyang humingi ng 5 minutes dito para sa special quiz. 

"You're late again, Ms. Gracia. I'm sorry but I cannot tolerate this anymore." at umalis na nga ito pero hinabol niya pa din. 

"Sir, please don't to this to me. Nag-aaral naman ako ng mabuti. Kailangan ko lang talaga na bumawi this time." 

Hinarap siya nito. "Better luck next sem, Ms. Gracia!" tuluyan na itong umalis. 

Wasak! 

Nanlulumo siya na lumabas ng campus. Hindi na niya alam ang gagawin. Bakit ba kasi ang malas niya sa buhay. Una, heart broken siya. Pangalawa, nawawala ang school I.D niya at pangatlo, bagsak na naman siya. 

Hay! Buhay! Nakakalumbay! 

"Ms. Leora Divina F. Gracia!" 

Narinig niyang may tumawag sa kanya. Buong buo pa ha. Kahiya naman! Si Sir Kalbozo kaya yun? 

Pero paglingon niya, wala naman doon ang professor niya. 

"Pssst! Ms. Leora Divina F. Gracia. Dito oh.." 

Nag-360° nalang siya para makita kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganoon. 

Nakita niya ang lalaking matangkad na chubby. Siya na naman? Pag minamalas ka nga naman! 

Patakbo itong lumapit sa kanya. Hiningal pa ang psycho e ang lapit lang naman ng tinakbo. 

"Why are you here?" mataray na tanong niya. 

"This!" at pinakita nito sa kanya ang school I.D niya. 

Nanlaki naman ang mga mata niya. "WHATTT?? Na sa'yo lang to??!! 

Tumango naman ito bilang tugon. 

"Anak ng mamang nakapanty oh! Na sa'yo lang pala ito. Nagpakahiya-hiya pa man din ako dun sa office ng damuhong gwapo na yun. Nasaan ang hustisyaaaaaa???!!!" 

Biglang tumawa ang lalaki. Na-orasan na naman ata. Maitali kaya ito sa puno ng acacia. 

"All this time hinahanap mo din pala to? What a coincidence?" nakangiti na ito sa kanya. 

"Natural! Kailangan ko yan para makapasok ako sa school. Halerrrr?" 

"Nga naman. So, I return it to you magandang binibini na ubod ng yummy." sabay kindat. 

Risk It AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon