Chapter 2: Annoying Orange

22 0 0
                                    

CHAPTER 2: ANNOYING ORANGE

“Miss pwede po ba’ng bantayan ko nalang ang kaibigan ko, malayo pa naman ang oras ng klase namin” narinig ko ang boses ni Raven, siguro kinakausap niya ang nurse.

“O sige, basta wa’g kang mag-iingay dito sa clinic” hay salamat naman at ang bait ng nurse at pumayag na manatili siya dito.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun ang inasal ko sa canteen kanina. Pang best-actress ang himatay-himatay acting ko. Nakahiga ako ngayon sa bed ng school clinic at nakaupo naman sa tabi ko si Raven. Alam kong naguguluhan siya sa ginawa ko at alam kong alam niyang fake lang ang pagka himatay ko. Kinalabit niya ako at dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at ngumiti ng malapad sa kanya. Hindi ko alam pero sobrang saya ang nararamdaman ko. “Hoy babae ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?” pabulong lang ang pagkasabi niya kasi baka marinig nung nurse.

Hindi ko alam kung sa’n ko sisimulan “siya yun gang, si dream boy” kaya yun lang ang tanging nasabi ko. Habang nakangiti at nakatingin sa kawalan ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko *TUG DUG TUG DUG* ganun na tibok, sa tuwing na iisip ko ang makinis niyang mukha, ang makininang niyang mata, at kahit nakasimangot siya at nagpang-abot ang kilay niya ay ang gwapo niya pa rin. Ahhhh..

Napatingin ako kay Raven dahil na realize kong hindi na siya na imik. Nakita kong nakatakip ang isang kamay niya sa bibig niya at parang nangingilid ang luha. “gang, okey ka lang?” dinampi ko ang likod ng kamay ko sa noo niya upang e-check kung may lagnat siya “gang may sakit ka ba?” naguguluhan kasi ako sa reaction niya.

“gang, may lovelife ka na” at ayun tumulu ang luha niya. Aba, siya yata ang best actress dito at ako ay best-supporting actress lang. Wow ha, tulo luha talaga.

“Ang panget mo gang. Tinalo mo ang drama ko” pinunasan niya ang luha niya at ngumiti. Hindi ko mabasa ang utak ng babaeng ‘to. Masyadong matalino… matalino sa kabaliwan.

“Tara na nga, lumabas ng tayo ng clinic” kaya bumangon na ako sa pagkakahiga ko. Pinuntahan namin ang nurse at sinabihan ko nalang na baka nagutom lang ako kaya ako nahimatay. Matapos ang hindi makatotohanan ko’ng reasons ay pinayagan na niya akong maka-alis.  Kaya dumiretso kami sa garden ng school kung saan hindi masyadong maraming tao. Napaka-aga naman kasi naming pumunta dito sa school kaya heto hindi pa nag bell. Mga 20 mins. lang naman ang itinagal ko sa clinic kaya may mga 30 mins. pa kami bago magsimula ang klase.

Sinimulan ko nang ikwento sa kanya ang nangyari kanina. Hindi ko kasi inaasahan na nag-eexist pala talaga ang dream guy ko. Parang kagabi ko pa nakita ang mukha niya tapos agad-agad ma me-meet ko siya. Kaya ko lang naman kasi nagawang mag himatay-himatay eh kasi naman natapunan ko ang damit niya ng soda. Baka ma badtrip sakin kaya para isipin niyang ‘ kaya ko siya natapunan kasi nga nahilo ako, na out-balanace at ayun na nga nahimatay’.

“Wow ha, ang talino mo gang. Ikaw na!” at pumalakpak pa siya. Grabe ha, kitang kita ko sa mukha ng babaeng to ang bilib niya sa akin.

“Hoy atin-atin lang yun ha, baka magalit siya sakin. Buong buhay ko ngayon lang ako ngka crush ng totoong tao” totoo naman kasi ang sinasabi ko. Never pa akong nagka crush ng classmate o kaibigan o neighborhood. Lahat nalang ng nagging crush ko kung hindi anime eh artista at si dreamguy. At heto na nga, abot kamay ko na siya. Ano kaya ang pangalan niya. Anu ba yan, ngumingiti na ako sa isip ko. Ganito pala nag feeling. Tapos binuhat niya pa ako at na amoy ko pa siya. Ang bango niya, so manly ng perfume niya pero hindi nakakahilo at ang tigas ng dibdib at biceps niya. Wow lumaladi si ate.

“baliw sino naman ang sasabihan ko. Masaya nga ako at dalaga ka na, finally!” Masaya nga siya, kita naman sa ngiti niya. Kaya napangiti na lang din ako at niyaya siyang pumunta sa bulletin para tignan ang section at schedule namin. Tamang tama ang dating namin kasi koti nalang ang tumitingin sa bulletin.

Kinopya na namin ang schedule namin. Nakakalungkot nga kasi hindi kami classmate, magkaiba kasi kami ng section ni Raven. “Badtrip naman gang, di tayo classmate” nanamlay ang boses niya. Pero para sakin’ okey narin to’, I think it’s time para lumabas na kami sa comfort zone namin at mag grow as high-school.

“Ano ka ba, nagsasabay naman tayo pag lunch at uwian. Tsaka okey na rin to para hindi na ako maging madaldal” pabiro kong sabi sa kanya kahit sa ka loob-looban ko ay mamimis ko ang bruhang to. “Basta e-text mo lang ako at dadating ako”  ngumiti naman siya at narinig na namin ang bell kaya nag hiwalay na kami at pumunta sa kanya kanyang classroom.

Kinakabahan ako pero excited. Nasa tapat na ako ng classroom ko  ‘Room 30’. Muntik na akong maligaw kakahanap sa room na to. Nasa gilid kasi kaya hindi ko nakita, buti nalang at nagtanong ako. This is it! “kaya ko to” pabulong kong sinabi sa sarili ko ng may biglang bumunggo sa akin sa likod ko “aray!”

“Ikaw na naman?” nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa lalaking naka bright orange na t-shirt. Si dream guy ang gwapo niya sa orange. “dadaan ako” sinabi niya at ang boses niya with authority. Kaya gumilid ako pero laking gulat ko nang lumapit siya sa akin at ang kamay niya lumalapit sa mukha ko. Mas nanlaki pa ang mga mata ko at hindi ko na maintindihan ang galaw at tunog ng puso ko. Nasa may ilalim ng chin ko ang kamay niya “wag kang nganga” sabay tikom niya ng bibig ko. Langya, badtrip, kala ko kissing scene na. Nag evil smile lang siya at timalikod sakin. Ang yabang niya, naiinis ako.

“Annoying orange!’

Uh-oh,, did I just say that out loud? And everyone in the room went laughing.

Dalawa ang pintuan ng room at nabaling ang attensyon namin sa guro naming pumasok sa kabilang pinto at narinig naman namin ang second bell. Whew, saved by the bell. 

*********************************

:D 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon