Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shining
Her hair, her hair falls perfectly without her trying
She's so beautiful
And I tell her everyday.
Narito na naman ako sa isang pamilyar na pangyayari. Tumatakbo na naman ako papunta sa pinto ng bahay para buksan iyon at makita kung sino ang nag mamay-ari ng boses na kumakanta, na tila nanghaharana. Ang mata ko ay nakapako lamang sa doorknob habang inaabot ito ng kamay ko ngunit tila naka slow motion ang pangyayari at hindi ko ma abot-abot kahit anong pilit kong binibilisan ang pagtakbo.
Yeah, I know, I know when I compliment her, she won't believe me
And it's so, it's so sad to think that she doesn't see what I see
But every time she asks me do I look okay?
I say
At sa wakas, hingal na hingal ako ngunit nakangiti ako sapagkat hawak ko na rin ang doorknob. Matagal na panahon ko na rin itong hinintay, na mabuksan ang pito at makita siya. At ngayon makikita ko na siya. Hindi ako nagdalawang isip na buksan ang pinto, pinihit ko ang doorknob at *tugsh!* "aray" nauntog ng ulo ko sa pinto.
When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
Ngunit hindi ko ininda ang sakit at sa wakas! Hindi ako makapaniwala. Nakikita ko ngayon sa harapan ko ang isang perpektong nilalang. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakanta at akoy hindi makahinga.
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl, you're amazing
Just the way you are
Ako kaya ang kinakantahan niya? Imposible! Kaya lang nakikita ko siyang Naglalakad papalapit sa akin at hindi ko maintindihan ang saya na nararamdaman ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya. Ang mga mata niya ay nangungusap hindi ko alam kung ano ang sinasabi nito kasi lumalalim ito pag tinititigan mo, sakto lang ang tangos ng ilong niya at ang labi niya na patuloy parin sa pagkanta habang ang mga mata niya ay nakatignin sa akin.
"Sino ka?" tinanong ko siya ng puno ng curiosidad
"I'm....".......
"gang! gang! gising na!"
at bumalik na ako sa katotohanan dahil sa gago kong bespren.
"ano ba gang! sinira mo ang moment, naman oh" galit na sabi ko sa kanya. Kasi bukod sa sinisigawan niya ako ay with matching yugyog pa ito eh ang perfect na nga ng moment diba. nakita ko na ang mukha ni dream guy ko.
"ano gang nakita mo na siya?" tanong ni Raven na sobrang lapad ng ngiti na parang mapupunit na ang labi niya habang hinihintay ang sagot ko.
Bumangon muna ako "ano eh, uhm ano kasi eh" yun lang ang sinabi ko para mabitin siya, alam ko kasing inaabangan niya rin kung sino ang dreamguy ko. Ilang ulit ko na kasing nakukwento sa kanya ang panaginip kong ito at ngayon ko lang nakita ang mukha niya.
"ano nga???" inis na tanong niya at sinabunutan ako.
"aray naman! gusto mo bang kwentuhan kita o end of prendship na? ha?" biro kong tugon sa kanya