TLWAQM #2

52 24 7
                                    

Naging speechless ako sa sinabi neto. Di ko akalaing nabibingi din pala ako. Kabaliw naman kase kakakita nga lang namin 5 minutes ago tapos ganun boyfriend agad? Ano ba sa tingin niya sakin? Easy to get? Kaladkaring babae na kahit kanino lang sumasama? Well, nagkakamali siya dun! Kapal ng mukha ng isang to na balak pa kong lokohin.

"Well, Mr. Whoever you are for your information wala akong balak magboyfriend lalo na sa mga katulad mo. Kung iniisip mo na easy to get ako nagkakamali ka! kase ang isang Chrysse Mendoza ay hindi nakukuha nang kung sino man! Kaya you better back off and by the way thanks for the time I better get going"

tumayo nako at nagiwan ng pera para sa tip. Badtrip na araw to. wala ng nadulot na maganda si Jai sa buhay ko. Ayoko na talaga sundin mga advice nun kainis!

naglalakad nako paalis ng table namin ng bigla siyang magsalita na ikinagulat ko "Tristan Tyler remember that name dahil ang isang Tristan Tyler ang nagiisang lalaki na makukuha si Chrysse Mendoza"

***

"ano ba kainis ka! Sino ka ba para sabihin na makukuha mo ko?! Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo! Di naman kagwapuhan pero ang lakas ng loob kainis!"

"hoy Ry"

"ay palaka"

"Sinong palaka? I'm not a froggy Ry sissy" sabi ni Jai na may paawa na mukha "So how's yesterday? Do you have fun? Oh wait hulaan ko"

Nilagay niya yung kamay niya sa baba niya at tiningnan ako ng matagal "hmmm.. Gulo gulo hair, nakakunot noo, malaki ang eyebags at pinupunit ang bawat page ng notebook. Aha! You can't sleep because you fall in love with him already and you're mad kase di mo tanggap na magaling talaga akong bestfriend dahil nahanapan na kita ng boyfie and di mo maaccept yun kase nga I'm the best best friend evaah hak hak hak hak"

tiningnan ko siya ng masama "I hate you" galit na sabi ko at pinagpatuloy ko ng punitin ang papel sa notebook ko. Dito ko na lang ilalabas ang galit ko kesa makapatay pa ko.

"Aww I love you too Ry my loves and by the way Ry I should give this to you" napataas yung kilay ko dun sa papel na inaabot sakin ni Jai

"Ano to?"

"A paper duhh Ry. I found it in your locker"

"You found it wait what?!" at nakita ko na lang na tumatakbo palayo si Jai. Walanghiya talaga yung babaeng yun alam pala niya yung code ng locker ko! Babaguhin ko na yun mamaya. Kaya pala laging nawawala mga notebook ko na may mga notes sa mga subject ko. Siya pala kumukuha akala ko namiss place ko lang

Napatingin ako bigla sa papel na nasa harap ko. Kanino kaya galing to? binuksan ko ito at binasa

Chrysse Mendoza,

        If you read this I know that you're already thinking of me. I'm the guy from yesterday. The guy that can have "Chrysse Mendoza". I already made a promise that I will have her. That I will have you. So keep your feet to the ground as you watch me move ;)

                                    -T

"Ano na naman bang binabalak ng kumag na to" Kunot noong sabi ko sa aking sarili.

"Kyaaaah! Ang gwapo niya!!"

"Omg!  Nakatingin siya sakin!!"

"Shunga sakin siya nakatingin!!"

Ano na naman bang kaingayan yun?! Ang dami namang problema. Nagsimula talaga to nung nakinig ako sa advice ni Jai eh. Never na talaga ako makikinig dun. Badtrip!

"Kainis. Badtrip. Ugh!"

"Anong problema ng prinsesa ng buhay ko?"

"ay palaka" gulat na sabi ko. Nakakailang palaka na ko ngayon. Hay. Teka lang bakit nandito tong lalaking to? ugh. At anong sabi niya? Prinsesa ng buhay niya? What the hell kadiri.

"I'm your frog prince mi lady" yuck at nagbritish accent pa daw. Hindi bagay nasisira ang kagandahan ng accent ng mga british!

"Ewan ko sayo! Lubayan mo ko!" galit na sabi ko sakanya. Pero mukhang wala padin siyang balak na umalis.

"uy girl sino yung nilapitan ng prince natin?" maharot #1

"Ewan ko girl. kyaaaah sana hindi sila!!" maharot #2

"Onga girl talbog beauty natin dyan. enebeyen" maharot #1

"teka mga girl. kilala ko yang girl na yan ah. Yan yung pinakamataray dito sa campus. Mataray yan mga girl" maharot #3

"hala girl hindi siya pwede sa prince natin. mataray pala yan eh" maharot #1

"tara mga girl kain muna tayo. Gutom nako eh. Let's go girl" maharot #2

Pagkaalis ng mga maharot girls biglang nagsumiklab yung dugo ko. Makarinig ka ba naman ng 'girl' 100x eh. Kainis! Dagdag pa tong mukhang unggoy na to. Whattalife

"Narinig mo ba yung usapan ng mga babae kanina? Naiinggit sila sayo dahil ikaw ang mahal ko" sabay ngiti niya ng nakakaloko

Ano tong nararamdaman ko? Ew nakakadiri pakinggan yung sinabi niya. Tumataas balahibo ko sa mga sinasabi niya "Wala akong pake" yan na lang ang nasabi ko dahil di talaga ako makapagisip ng maayos.

"Someday Ry magkakapake kadin" and with that he walked away.

***

Dahil gulong gulo talaga utak ko sa mga nangyayari ngayon parang feel ko sumigaw sa rooftop ng school namin. Dito ko lagi nilalabas lahat ng sama ng loob ko. Feel ko kase pag nasisigaw ko lahat parang gumagaan yung pakiramdam ko.

"I HATE YOU!!"

"WALA KANG KWENTANG LALAKI"

"NERD!"

"UNGGOY!"

"WAL..."

"Kahit ano pang sigaw mo dyan hindi parin mawawala yang problema mo" nagulat ako ng may nagsalita. Hinanap ko kung san galing yung boses at ayun nandun siya sa kabilang side ng rooftop. Medyo di ko siya kita kaya lumapit ako ng konti para matanaw ko ang mukha niya.

matangkad, maputi, mukha siyang disente..

"Ano bang pakialam mo?" mataray na sabi ko sakanya.

"Tama nga sila. Mataray ka nga talaga"

"Sino ka ba?" ang pakialamero naman kase eh.

"I'm Zeus and you are?"

"Uhh I'm Hera" Di ko alam kung bakit ko sinabi yun, parang sarap lang pagtripan neto ni Zeus. Masyadong pang gods yung name edi nasabi ko na lang si Hera kase parang trip ko lang sabihin para same kaming pang gods yung name. Ay ano ba to dahil sa unggoy na yun naging malakas na tuloy trip ko!

"Hera? So you're my jealous wife"

A/N

Two guys in one day? Ang haba ng hair ni Chrysse haha

Comment niyo guys kung sino sa tingin niyo ang mas bagay kay Chrysse. Si Zeus or Tristan? :)

True Love with a question markМесто, где живут истории. Откройте их для себя