TLWAQM #1

56 24 6
                                    

*Ring Ring Ring* tunog ng bell namin. Napakalakas talaga ng bell na to. Akala ba nila puro bingi estudyante dito? Badtrip naman. Sarap ugh badtrip!!

Ako si Chrysse Mendoza ang babaeng laging highblood. Di ko alam kung bakit ako galit na galit sa mundo. Basta ang alam ko galit ako sa mundo. Kuha mo? Kung di mo na-gets kasalanan mo na yun.

"Ry! Oy Ry! Raaaaaaayy!" napalingon ako dahil sa lakas ng sigaw ng isang tao.

"ANO?!" kunot noong tanong ko.

"Highblood ka na naman ba? Ano ka ba first day na first day ganyan ka? You should live yolo like me. Hak Hak Hak"

Eto ang ayoko sa babaeng to eh. Ang matinis niyang boses at ang kadiri niyang tawa. Yuck. Eh sino ba naman ang tatawa ng 'Hak Hak' dba? Ang panget kaya pakinggan.

Ewan ko ba kung bakit ko to naging kaibigan. Pero sino ba naman ako para maging choosy? Ang isang Jaira Jimenez na mayaman, matalino, matangkad, maganda, may nakakainis na boses at higit sa lahat kadiring tawa ay nagpupumilit na maging kaibigan ako. Di naman ako peymus para itaboy siya. Sa sobrang desperate niya nun na maging kaibigan lang ako pano ko pa maitataboy.

Pero kahit ganito to si Jai, mahal na mahal ko siya dahil kahit na lagi akong highblood ay andyan padin siya. Natitiis niya ang ugali ko.

Nakakatuwang isipin na meron din palang taong hindi nagsasawang makasama ka. Kahit di naman sa lahat ng pagkakataon ay mabait ka.

Sabagay medyo fair din naman kase kahit ako sobrang pagtitiis na ang ginagawa ko sa pagrinig ng matinis niyang boses at ang maganda at di nakakadiri niyang tawa. Hay

"Hindi ako highblood!" sabi ko.

"Chill ka lang Ry. Kita tayo mamaya may papakilala ako sayong fafabols Hak Hak Hak"

Yan na naman siya sa pagse-set ng blind date para sakin. Ang sabi ni Jai nagtataka na daw siya kung babae pa ba daw ba ko. Malamang oo.

Ayoko umibig. Ayoko magmahal. Ayoko sa mga lalaki dahil Ayoko masaktan.

Sabi nila masarap daw umibig. Maganda lang naman yan sa una. Maghintay ka ng mga 1 month wala na yan.

"Ayoko na sa mga ganyan mo Jai dahil wala ring mararating yan. Nagsasayang ka lang ng oras mo"

"Baby Ry don't worry about me. Masaya akong mahahanap mo ang true love mo through me. I'm so mabait na bestie talaga. Hak Hak"

"Sa tingin mo ba mahahanap ko ang true love ko sa paraan na yan? Mag-isip ka nga! Una sa lahat strangers pa kami ng mga nirereto mo. Pangalawa ayokong nakikipag-usap sa mga lalaki. Alam mo naman kung bakit diba?"

"Yes I know. That's why I'm doing this. Gusto ko magchange yung tingin mo sa kanila. Not all the boys are like your Dad. Try something new. Explore the world and find a guy you like. Always remember that I'm doing this for you. It's for the better Ry. For the better"

Tama naman kase si Jai hindi naman talaga lahat ng lalaki pare-parehas ng personality. Di ko alam parang may pumipigil parin na umibig ako.

Bakit ayaw mo pa kaseng umibig?

Bakit nga ba? Ano ba tong isip ko. Naghahanap ako ng kasagutan tapos tatanungin lang din ako. Siguro kailangan ko na nga talaga magbago. Just like Jai said Try something new and explore the world.

"Tss fine"

"OMG REALLY? OMG RY! MEET ME IN THE CAL'S CAFE LATER OKAY"

"Okay! You don't need to shout!"

"I'm so excited. eeeeek" sabay alis ng bruha.

Tama ba tong ginawa ko? Tama ba tong desisyon ko? Baka masaktan lang ako?

"Try something new and explore the world"

Narinig ko na naman yung sinabi ni Jai. Grabe talaga manghypnotize yung babaeng yun. Makapasok na nga.

»»»»»»

"Asan na kaya tong Jai na to" bulong ko sa sarili ko.

Andito na ko sa cafe at wala pa din si Jai. Halos mag 30 minutes na kong naghihintay dito. Nakakailang balik na din yung waiter dito sa table ko.

Tinignan ko yung cellphone ko at di parin nagrereply si Jai. Ayaw niya din sagutin yung mga tawag ko. Asan na kaya tong babaeng to! badtrip.

Mayamaya nagvibrate na yung phone ko at nagmadali akong basahin to.

From: Jaira Jimenez

Ry bestie don't be mad at me ha. Inagahan ko talaga yung time na binigay ko sayo dahil lagi kang late. ;) It's good to be early than to be late. Anyways di pala ko makakapunta kase *cough cough* may ubo ako.

Ayaw kitang mahawaan. hihi Pag nareceive mo tong message na to andyan na si fafabols mo. Gwapo yan bestie! Kahit medyo labag sa kalooban ko sayo na siya. haha BYE RY HAVE A GOOD DAY WD HIM :*

Langya tong babaeng to. 30 minutes talaga?! Patay talaga to sakin. Napayuko na lang ako sa lamesa dahil sa desisyon na ginawa ko.

Dapat talaga di nako pumayag eh. Ako pa tuloy naghihirap. Imbes na pinapanood ko na si Stich ngayon. Humanda ka Jaira Jimenez bukas. Nako talaga

Sinasakal at sinasabunutan ko na siya sa isip ko. Kaya humanda ka na Jai. Lagot ka talaga sakin!

nagulat na lang ako ng may nagsalita sa gilid ko "Hi beautiful" sabi ng lalaking... He looks uhh different

Yup he looks different. Etong lalaking to ay naka glasses tas nakasimpleng t-shirt at above the knee shorts. In short mukha siyang nerd.

Nagulat ako kase ngayon lang si Jai nagpakilala sakin ng ganyan. na nerd. Minsan kase ang kwento niya sakin gwapo to. hot to. cute to. cool to. sikat to. Pero ngayon kakaiba. Ano bang nasa isip mo Jaira Jimenez?

"hello" walang ganang sabi ko

"pwede akong maupo?" tumango na lang ako bilang sagot "So you're Ry, right?"

"Chrysse"

"Chrysse? Hindi ikaw si Ry?" kabaliw naman to. Akala ko ba nerd to eh bat parang mas matalino pa aso ko dito

"My friends call me Ry and you're not my friend so call me Chrysse" napasmirk siya sa sinabi ko

"As expected. You know what Chrysse I don't want to be your friend because I want to be your boyfriend"

huh? hanudaw? Ballpen?

True Love with a question markDonde viven las historias. Descúbrelo ahora