Chapter 6 - Biggest Challenges.

93 1 1
                                    

JUNE 2012

June 6, 2012

Pagkauwi ko galing school, galit si Mommy. Akala ko kung bakit. Sinabi niya, "Anne! Akala ko ba wala na kayo ni Reymond pero bakit nakita ko magkausap pa din kayo?!" Ako naman, umiyak na lang ako. Pumunta ako sa kwarto. Kinausap ng Mom ko yung Mom ni Reymond. Talagang pinaghiwalay kami. Yung ala "Florante at Laura" tsaka "Romeo and Juliet" ang peg ng lovestory namin?! Grabehan! E di yun. Kinausap ako ng sister niya, Si Ate Mika. Umiyak ako habang kausap siya. :( sabi niya, ganyan din daw sila nung boyfriend niya. Pinaghiwalay, naghiwalay din daw sila. Pero nagkabalikan din. Napakastrong ng relationship nila ngayon. Sana ganun din kami. :( hayyy

June 15, 2012

Di ko natiis si Reymond! Tinext ko siya. Sabi ko, "Reymond! May sasabihin ako sobrang importante!! Paload ka ngayon! Daliiii" tas ayun nagtext siya. Sabi ko, "Di ko kayang ganun na lang matapos yung atin. Pwede bang magstart-over tayo? Kalimutan natin lahat." pumayag siya. Dun nagumpisa ang 15. Pero sabi kasi niya, "Baby, kahit anong mangyari, papahalagahan ko yung 8 kasi isa yun sa pinakamasayang araw sa buong buhay ko kasi yun yung araw na sinagot mo ko. :")" eh since ayaw na naming mahuli ulit, 15 na lang para di agaw-pansin. Tas buong month na yun, sobrang saya. Tuesday at Friday, sinusundo niya ko sa school. Kakain kami kung saan-saan tas ihahatid din niya ko pauwi. It was a good start for a new beginning for me and Reymond. This will last.

JULY 2012

July 15, 2012

Yeeees! One dream came true. Magreet si Reymond ng "Happy First Monthsary" :"> hayyyy. Pagkabasa ko sa mga texts sa cellphone.. From: Reymond. "Happy 1st Monthsary Baby! I love you so muuuuuch!! >:D<" gumising pa tong lalaking to ng maaga para lang magreet ako. :") how sweet. Hihihi. Kaso di naman kami magkasama ngayon. Hayyy. Okay lang yan.

July 20, 2012

Pagkagaling ko ng training, pumupunta kami ng mga teammates ko sa 7-11. Maaga pa naman kami natapos nun. Mga 5:30 tapos na. Eh sabi ko, 6 siya pumunta dun. Ang lakas na ng ulan. Hala. Baka pagalitan ako nito. Tas nung mga 6 na, dumating na din siya. Basang-basa sa ulan. Naawa ako. :( e di yun. Naghanap kami ng taxi. Pagkasakay namin, sabi niya, "Anne, may ipapakita ako sayo." Akala ko naman, yung binigay ko sakanya. Tas nagulat ako. Stufftoy galing sa The Gift Factory. Ang laki pa naman. Hirap itago. =)) e di hindi ko ginalaw bag ko ng Saturday hanggang Monday kasi walang pasok hanggang Monday nun. Pagkapasok ng wednesday, dun ko lang nabuksan. ANG KYOOOOOOOOOT!! Pink na poodle. :") Fifi pangalan niya. HAHAHAHA. =)) tas ayun. After nun.. Dun na nagumpisa yung away..

AUGUST 2012

August 2, 2012

Nasa Recollection ako kasama yung section ko. Sa kabila ng sobrang saya sa reco, bumabagabag sakin si Reymond. Nung pinagreflect kami, narealize ko na it's time to let go na. 3 weeks nang di nagpaparamdam si Reymond, mga tawag ko, binababa, mga text ko dinededma lang. Pero katext niya si Marie and yung iba niyang mga classmates. </3 sige! Sila na lang pansinin mo. Wag na ko. Hayyy. Tapos, ayun. Nakapagdesisyon na ko na itigil na lahat. Umiyak ako hanggang sa mamaga na mata ko sa kakaiyak dahil sakanya.

August 3, 2012

Pagkauwi ko galing training, nagpahinga muna ako. Inisip ko ng mabuti kung itutuloy ko pa ba. Itutuloy ko pa rin kasi para di na ko mahirapan kakatiis at kakaisip kasi di na nga kami nagkikita, di pa siya nakikipagusap, pano na ko nito?! :( e di yun. Tinext ko na si Reymond ng mga 7:30. Sabi ko, di ko na kaya. Kung puro basketball, barkada at computer na lang priority mo, eh dapat umalis na ko kasi malaking abala ako eh. Sana di ka na lang nanligaw kung di mo naman pala kayang ibalance lahat. Nasasaktan at nasasaktan lang din ako. Tas nung moment pala na yun, kausap ni Reymond si Marie. Pinaguusapan daw nila ako. Tas nung pagkatext ko daw nun, bigla daw siya nag-goodnight kasi bv daw siya. Tas nagtext daw sakanya ulit si Reymond kasi kinwento na wala na nga kami. Sobrang lungkot niya nun. Tas pagkatapos daw ng ilang araw, tinatawanan lang daw ni Reymond break-up namin e di nagalit ako. Pero nasaktan din. Dun umiral pagkabitter ko sakanya nun. Haybuhaaay.

August 13, 2012

Tinry kong makipagbalikan nanaman kasi di ko pala kayang wala siya sa buhay ko. :( nabigla lang ako sa sarili ko. pinairal ko yung pride ko tsaka yung pinanindigan ko yung gusto ko. Di ko nanaman pinakinggan o inisip yung kundisyon ni Reymond. Gumawa ako ng apology letter para sakanya sa isang buong filler. Pero, di na siya pumayag. Friends MUNA daw kami. E di ako umasa ako. Tas gusto ko nang malaman kung ano na ba kami. Kung may possibility pang magkabalikan kami o talagang tapos na lahat para di na ko aasa. Pero nung August 28, tinapos na talaga niya. Nung araw na yun, di ako umattend ng training para sakanya. Mangiyak-ngiyak ako buong gabi hanggang sa mamaga nanaman mata ko dahil sakanya. Hay. Dito na nagtatapos.

SEPTEMBER 2012

Ngayon, patuloy pa rin akong umaasa. Kung mababasa man niya to, sorry na sa lahat. Pinagsisisihan ko lahat lahat. Kahit maging friends na lang tayo. Okay na ko. Sayang din kasi yung friendship na meron tayo bago ka manligaw sakin eh. :( yun na lang talaga hinihiling ko. Sana mapagbigyan mo ko. Sorry and thankyou sa lahat ng memories na binigay mo sakin na maaalala at maaalala ko buong buhay ko. Thankyou and I'm sorry from the bottom of my heart, Anne.

------------ THE END -------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We're Just Friends. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon