Chapter 1 - The day that we met <3

128 0 0
                                    

Sa Village namin, every summer, may ginagawang liga ng basketball samin. Syempre, minsan lang makahakot ng boylet, dun ka na humanap! For sure may mahahanap ka dun eh. Tapos, isang gabi ng April 2011, may laro yung boyfriend ng pinsan ko tas yung pinsan ni Reymond. Di ko pa kilala si Reymond nun. Habang nanunuod kami, nakaupo kami sa isang bleacher. Sa bleacher na yun, kalahati nun sakop ng barkada ko, kalahati sakop ng barkada ng crush ko nun na si Erick. Tas nagkukulitan kami nun kasi barkada ko tsaka barkada niya, magkakatropa din. E di yun nagkukulitan kami. Tapos yung kaibigan ko namang si Ralph, biglang sumabat. Sabi niya, "Anne! May papakilala nga pala ako sayo." sabi ko naman, "Sino naman yun?" Sabi ni Ralph, "Anne, si Reymond nga pala. Reymond, si Anne nga pala." tapos.. Yung buong barkada ko tsaka barkada niya, sumigaw ng "Yiiiieeeeeee!!" Tas tinignan ko si Reymond nun, aba! Kinikilig siya. Makangiti abot langit akala mo nanalo sa lotto. Nagtaka ako. Bakit kaya siya ganun? Hay.

AFTER A FEW DAYS..

*may nag-teeeext!!*

Hala. Sino naman kaya tong nagtext na to? Si Erick kaya to? Sana nga. :"> pero pagkabasa ko ng text, unknown number. 0906.... Hello Anne! Sabi ko naman, hi din. Sino to? Sabi naman niya, Si Reymond to. Sabi ko, oh! Pano mo nakuha number ko? Sabi naman niya, basta. Wag mo na lang alamin. After nun, mula pagkagising hanggang sa pagtulog magkatext kami! Kahit mawalan na ko ng load, pinapaloadan niya ko para lang makatext pa rin niya ko. Tas after ng ilang araw.. Hala ka! Nanligaw si Reymond agad-agad?! Pero ayoko sakanya eh. Ang yabang kasi niya.. Akala naman niya kung sino siya. Wala! Basted na to! Nung pagkabasted ko na nun, nagulat ako. Bakit ako umiyak nung pagkabasted ko sakanya? Hindi! Hindi! Di pwede to.. :(

AFTER ONE MONTH..

Bwiset naman! Di ba ko tatantanan nito ni Reymond?! Binasted ko na nga eh. Nandun pa din kayabangan. Tsktsk. Hay. Ma-confront na to para magbago na.

We're Just Friends. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon