Pasensya po Kung magulo first time ko po kasing magsulat.
Ang kwentong ito ay base sa malikot na isipan ng may akda. Ang mga pangalan at pangyayari na nabanggit sa kuwento ay gawa gawa lamang ng may akda.
Unang Kabanata
“Mahal Ko”
“Life is a Labyrinth full of confusing situations which make us difficult to decide which direction to take”.
Alas singko ng umaga oras na para gumising at makapagehersisyo na eto ang daily routine pagkagising sa umaga magjojogging pagkatapos pushups ng mga ilang sets pagkatapos ay maghahanda ng almusal oats o kaya tinapay ang usual na almusal ko mabisa kasi itong pampaalis ng bilbil ayon sa nabasa ko sa isang sikat na health magazine. Ako nga pala si JH 16 years old may taas na 5 feet 6 inches may katamtamang pangangatawan kahit na nagygym paminsan minsan,pinapanatili kong fit lang ang pangangatawan ko hindi katulad mga naggygym na nagpuputukan na ang ugat at may naglalakihang biceps at triceps sculptured muscles lang kasi ang target ko hindi ako nakikipagpalakihan. Di ako gaanong kaputian pero di rin namang masasabing moreno ung sakto lang Fair complexion ika nga. Masasabi kung kakaiba ako kasi di ako siga kung umasta sabi nga nila mahinhin daw ako na parang dalaga kung kumilos pero unahan ko na kayo hindi ako bakla kasi hindi naman ako naaatract sa kapwa ko lalake ganito lang talaga ako basta haha. Sa edad kong 16 ay ginusto kung magbording para malaya at iwas sa sermon ng mama ko araw araw at iwas gastos narin sa pamasahe kasi dalawang sakayan pa bago ako makarating sa Unibersidad naming.
Pagkatapos kung kumain ng agahan naligo na ako at nagpalit ng damit siniguro kung maaayos at malinis ang porma ko unang araw kasi ng pasok ngyon. Nagaaral nga pala ako sa isang sikat na Unibersidad dito sa probinsya kumukuha ng BSHRM dahil hilig ko ang magluto at kumain nyahaha .
Dahil unang araw ng pasok kanya kanyang hanap ng rooms at dahil freshman ako nakailang ikot din ako sa mga bago mahanap ang room ko medyo maluwang kasi ang Unibersidad naming at hindi pa ako pamilyar sa mga pangalan ng mga gusali kaya kapag nagtatanomng ako kung saan yung room ko kung saan saan ako napupunta. At sa wakas nakarating na ako sa unang klase ko late na pala ako meron na kasi ung prof namin. Good Morning po Sorry for being late sabi ko na halatang nahihiya. It’s okay unang araw palang naman ng klase sabay ngiti ng prof naming na babae na nasa mid 20’s lang kasi halatang batang bata pumili ka ng upuaan mu kahit saan basta kung saan ka kumportable pero yun na ang permanent seat mo wika ng prof naming.. cge po maam sagot ko na may halong hiya.
Pinili ko ang upuan malapit sa bintana nasa 3rd floor kasi ung room naming kaya gusto ko sa pwesto na nakikita ko ang kapaligiran. Dun ko nakilala ang naging best buddy ko si Echo isang anak mayaman pero hindi asal matapobre matangkad sya sa taas na 5 feet 10 inches kaya nanliliit ako kapag magkasama kami maputi at maganda ang pangangatawan parang nasa kanya na nga ang lahat gwapo ,mayaman,mabait at higit sa lahat kwelang kasama palaging may banat hindi nauubusan na nagugustuhan ko naman kasi hindi korni.
Palagi kaming magkasama kahit walang pasok pumupunta sya sa bording ko upang magpalipas oras o kaya upang magpaturo sa mga subjects namin hindi naman sa pagmamayabang pero consistent na may honor ako simula elementary kaya kapag nahihirapan sya sa isang subject pinupuntahan nya ako sa bording ko o kaya ako ang pumupunta sa kanila para turuan. Laking pasasalamat nga ng mga magulang nya kasi may kaibigan daw ang anak nila na hindi bad influence.
Lumipas ang ilang buwan at mas naging close pa kami alam na namin ang mga pasikot sikot sa buhay naming dalawa at eto pa ako lang ang pinagsabihan nya ng sekreto nya. Ampon lang pala sya pero kahit daw minsan hindi nya naramdaman na hindi sya tunay na anak kasi ba naman ampon nga siya magisa naman wala kasing anak ang mga umampon sa kanya kaya wala syang kapatid.
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Kaibigan Ko
General FictionPagibig ang pinakatraidor sa lahat ng traidor Talo pa nito ang isang Cancer na walang lunas Kahit sino pwede nyang tamaan