Pang-dalawampu.

110 4 1
                                    

Ika-dalawampu't Kabanata

Uno

Hingal ang inabot ko pagdating sa classroom namin. Yumuko ako at humawak sa mga tuhod ko pagpasok ko roon, mabuti na lang at wala na kaming mga teacher ngayon dahil clearance week na nga namin. Nagmadali pa rin kami dahil ayaw naman naming makasuhan ng cutting.

"Zil!" Tinawag ako ni Jana at kumaway siya nang makita ako. Nakapabilog silang CG sa harap ng row namin malapit sa bintana at naglalaro na naman ng uno. Hinanap ng mata ko si Off sa bilog na iyon pero hindi ko siya nakita. Nasaan na naman kaya ang ugok na 'yon?

Sumignal ako ng wait kay Jana at nag-breathing exercises muna. Sinubo ko na lahat ng fries ko at uminom sa smart c ko. Tinapon ko ang lalagyan ng fries at nilagok ko na ang smart c. Medyo nakatulong naman ang pag-inom ko sa pagbabawas ng hingal ko at pagpapalamig sa katawan ko. Pawis na pawis din kasi ako simula nang tumakbo.

Naglakad na ako patungo sa kinaroroonan nina Jana pero hindi ko pa rin nakita si Off. Binalewala ko na lang iyon. Bahala nga siya sa buhay niya.

Naghanap ako ng mauupuan dahil halos wala ng espasyo para sa'kin. Ayoko namang sumingit kay Jana dahil katabi niya si Vin, sa kanan niya naman ay si Amarie tapos si Bianca, Maxine at Leila.

"Urong." Sabi ko at tumabi kay Leila. Umurong naman si Eliott para makaupo ako.

"Sala-"

"Urong din." Sabi naman ni Off kay Eliott. Sinamaan ko siya ng tingin pero wala nang nagawa nang umurong si Eliott at tumabi siya sa'kin.

"Saan ka galing?"

Umangat ang gilid ng labi niya at tumingin sa'kin. "Miss mo na agad ako?" Pilyo niyang tanong kaya inirapan ko siya. Kapal naman ng pagmumukha ng isang 'to.

"Kapal mo." Sabi ko at tumingin kay Jana na nagbabalasa na ng mga cards. Buti na lang ay tapos na sila nang makabalik ako sa pagtapon ng basura kanina.

"Dumeretso ako sa labas at nag-CR pagpasok mo." Paliwanag niya. Tumango na lang ako at kinuha ang cards na nilapag ni Jana sa harapan ko.

"Pito lahat 'yan, ah." Sabi ni Jana habang inaayos ang cards niya. Walang sumagot sa kanya dahil inaayos ng lahat ang mga cards nila.

"Game." Ani Mateo. Nilapag naman ni Jana ang card na nasa taas ng deck. Agad na nagsilapagan ng steal ang iba.  Huling naglapag si Vin kaya si Jana na. +4 iyong nilapag niya kaya nagsilapagan ang iba.

"Shit." Bulong ko nang si Off ang huling maglapag. Bakit ba kasi wala akong +4?

"Akin na nga." Bigo kong sabi at nilahad ang kamay ko kay Jana. Natawa sina Mateo kaya inirapan ko sila. Mga ugok na 'to talaga.

Binigay na ni Jana sa akin ang 20 na cards at napatitig muna ako rito saglit. Ang dami, talo na yata ako.

Bumuntong-hininga ako at inayos muna ang cards ko. "Teka lang naman, 'no!" Sigaw ko nang magsilapagan sila ng steal. Nag-aayos pa lang kasi ako tapos nagsisimula na kaagad sila.

Patuloy lang sila sa paglalaro at hindi na nila ako pinansin. Nilapag ko na lang iyong mga cards ko at mga lima yata ang nabawas doon. Hindi yata nabalasa 'to, e. Sunod-sunod na magkakapareho.

"Yes, uno!" Sigaw ko maya-maya pa. Kakaunti na lang kaming naglalaro, ako, si Anton, pati si Off. Iritado na ang itsura ni Anton dahil tatlo pa ang kanya, dalawa kay Off, at isa na lang ang akin. Malaki na ang ngiti ko dahil may tsanya pa akong manalo.

"Epal ka, Anton!" Sigaw ko nang maglapag siya ng tatlong +4. Tumatawa na siya ngayon kasi tapos na siya. Sa akin na naman bumagsak ang 12 na cards dahil ang ikot ay si Anton, ako, tapos Off. Sinamaan ko siya ng tingin pero bineletan niya lang ako. Kairitang 'to!

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon