Pang dalawampu't-apat

81 4 2
                                    

Ika dalawampu't-apat na Kabanata

Laro



"Oh, 'di ka sasabay sa'min?" Tanong ni daddy nang makita akong pababa ng hagdan. Moving-up na namin ngayon at kinailangan kong mauna dahil may gagawin pa ako.

"Hindi na, may gagawin pa ako." Sagot ko kay daddy nang makababa ako. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, ganoon din ang kay mama na ihahatid na si Carrie at Miya sa school. Malapit lang iyon sa amin, sidecar lang o kahit maglakad nga lang ay makakarating ka na roon. Ayun din ang school ko noong elementary, kasama si Maxine at Bianca. Kinder na si Miya samantalang si Carrie ay grade 6 na, graduating na rin. Sa school ko rin siya mag-aaral, sana lang talaga ay pumasa 'to. Kumpara kasi sa akin ay mas careless siya sa grades niya.

"Sama na ako sa inyo." Sabi ko kay mama, tumango na lang siya. Hinawakan ko ang kamay ni Miya na excited na lumabas. Ang cute cute niya nga dahil naka-glasses pa siya at naka-pigtails tapos hawak iyong lunch box niya. Si Carrie naman ay nakalugay lang at hawak ang attachy case niya. Ang bag niya ay buhat ni mama.

Lumabas kami ng bahay nang mahalikan na ni Carrie at Miya sa pisngi si daddy. Hinalikan ko sa pisngi si Miya at mama nang makaabot kami sa gate, sasakay na kasi sila ng sidecar at ako ay mag-aabang pa ng jeep sa may plaza. Kumaway ako sa kanila bago sila paunahin sa pag-alis.

--_

"Amarie!" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ng room. Lumingon naman ang iba sa'kin, nagulat sa boses ko.

"Ano?" Ani Amarie pagdating ko roon sa pwesto namin. Nilapag ko ang bag ko sa upuan ko at lumapit sa kanya.

"Patali." Ngumiti ako sa kanya. Umirap na lamang siya.

"Upo." Sabi niya at tinuro ang lapag, sumunod na lang ako sa kanya.

"Anong oras daw dadating sina Jana?" Tanong ko sa kanya. Alam ko kasi na sumabay ang mga iyon sa mga magulang nila. Nauna lang itong si Amarie dahil lagi naman siyang ganito. Siya pa nga lang ang narito na kabarkada ko, ang iba ay wala pa.

"Ewan ko. Mga 7:30 siguro." Sagot niya. 8 kasi ang simula ng moving-up namin, hanggang 10 iyon. Pagtapos naman noon ay ang graduation ng grade 12.

Hindi na lang ako sumagot at tumingin sa relo ko. 7:00 na rin kaya maya-maya lang ay dadating na ang mga iyon, pati na rin ang mga magulang ko.

Biglang bumukas ang pintuan namin at niluwa noon ang mga lalaking magbabarkada. Si Vin, Off, Anton, Jonathan, Franco, Mateo, Sen, Melo, at iyong iba pa. Naka-gel pa ang buhok noong iba samantalang iyong kina Vin, Off, Anton, Franco at Mateo ay ang natural lang nilang buhok. Halos pare-pareho sila ng style dahil magulo at mahaba ang mga iyon, tapos ay may bangs pa. Kakaiba lang ang kay Anton dahil kulot ang buhok niya, at si Mateo naman ay sumusunod school rules kaya maikli ang buhok niya. Badboy naman na mahaba ang dating noong kina Franco, Vin at Off.

"Kanina pa ba ang mga 'yan dito?" Tanong ko kay Amarie at tumingala. Binaba niya naman agad ang ulo ko at napadaing pa ako ro'n. Masakit, ah.

"Oo. Wala ngang ginawa ang mga iyan kundi maglaro." Sagot niya sa'kin. Napalingon naman ako sa kung nasaan na sila ngayon. Nakaupo na sila sa lapag at hawak ni Off ang gitara niya, ganoon din si Vin. Si Sen ay nasa tabi lang ni Melo na nagkekeyboard, at si Anton at Jonathan ay nakatayo lang habang nakasandal sa isang upuan, nakamasid sa kanila. Sina Franco at Mateo naman ay nakaupo lang habang nakatingin lang sa mga ito at nakikipag-usap sa kanila.

May kumatok sa pinto at agaran namang lumapit si Anton dito, siya kasi iyong pinakamalapit sa pinto.

Nakangiti at kumakaway na Cax ang bumungad sa kanya kaya binuksan niya ito. May coke siya sa kaliwang kamay niya at uminom siya rito pagpasok.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon