"Bakit ang haba ng nguso natin?" tanong ni Nike sa akin.
I just gave him a long sighed
"Here, much better" He reached for my forehead at parang inunat niya ito.
"Thanks and Sorry." Sorry kasi lagi nalang sya yung nagpapasaya sa akin whenever Jake and I got a problem.
"Sorry ? for what ?" Curious niyang tanong habang nagmamaneho.
"Basta."
Hindi na siya muling nangulit.Sa sobrang layo ng isip ko hindi ko na namalayan na nandito na kami sa bahay ko.
"Let's go."
Nagulat nalang ako ng nakababa na si Nike sa kotse niya at nakabukas na ang pintuan ng kotse.
Tumanggo nalang ako at nauna na. Bakit ba parang hangin ang laman ng utak ko ngayon ?
"Magpapalit lang ako ng damit Nike."
"Okay Honey...Magluluto lang ako ng dinner."
"Honey ka Jan !" Tumawa nalang sya
Minsan naisip ko sana si Nike nalang yung minahal ko.Kung pwede ko lang utusan yung puso ko edi madali na sana ang lahat..
Nagpalit ako ng damit at lumabas ng room.To my surprise I saw Jake.
Bumaling sya ng tingin sa akin
"Hi Mahal, I didn't know may bisita ka pala."
"Anong ginagawa mo dito ?"
"What? bawal na ba ako pumunta sa bahay ng girlfriend ko?" sabi nya sabay lapit sa akin.
and he gave me a kiss
"Dinner is ready" sabi ni Nike
Nahihiya ako kay Nike!
"Tnx Nike ..I-I'm sure masarap to."
"Ofcourse ! magluluto ba ako ng hindi masarap para sa Piya-Piya ko ?"
"Piya-Piya ko?" Sabat ni Jake
"Pare,pasensya na mahirap baguhin ang nakasanayan na."
"kain na tayo" putol ko sa kanila
"Dito ka na" sabay nilang sabi.Alam kong may nabubuong tension sa kusina at kailangan kong gumawa ng paraan para maging normal naman ang pagkain namin.
"Ah dito nalang ako.Kain na kayo."umupo ako sa kabilang side at kumuha ng kanin.
"Eto ulam piya" Sabay lagay ng ulam sa plate Ko.Nike don't Push his limit..Nakita kong nakakunot noo na si Jake.
"Ahh Tnx"
"So,hindi ko alam na may personal Chef ka na pala mahal."
Nagbaling ako ng tingin kay Jake
"He's my bestfriend."
"Really ? Baka naman may ibang balak tong so called "bestfriend" mo?"
"Jake!" sigaw ko
"Actually pare may balak talaga ako kay Sophia, so you better watch out ! Baka hindi mo namamalayan wala na sayo si Sophia." Mapangasar na sabi ni Nike.
"Nike.Wag mo ng patulan." saway ko kay Nike "Jake nagbibiro lang si Nike.Kumain nalang tayo please."
Tahimik kaming kumain.Hindi ko alam kung nanguya ko ba yung pagkain ko.Gusto ko nalang umuwi silang dalawa para makapagpahinga na ako.
"Hey May dala pala akong cake.Kainin natin." Thank you very much Nike! Kung kailan naman gustong gusto ko ng magpahinga dun ka pa talaga nangaasar!
"Ah e, busog na ako pwede iwan nyo na ako?" Okay,that was rude Sophia pero I don't have a choice.
"Ganun ba? Sige,may pupuntahan pa din ako e.Next time nalang tayo magkwentuhan..I'll txt you tomorrow ?"
"Sure,Tnx Nike." he kiss me before leaving
Okay isa nalang ang problema ko.
"Please lock the door when you leave Jake."
"I'm not going home." Seryosong sabi nya.
Napataas ang kilay ko sa narinig ko."Why ?" simpleng tanong ko, para makabawi ?
"I just want to, and I miss you." Tumayo sya sa inauupuan nya at lumapit sa akin.
"Please forgive me." He said
Forgive him
Ilang beses na nyang sinabi sa akin yan sa tuwing nakakagawa sya ng kasalanan at ako namang tatanga tanga pinagbibigyan sya.
"I'm not mad at you." Pero ang totoo nyan naiinis talaga ako sa kanya.Ano nga ba ang pinagawayan namin? Hindi ko na matandaan pero ang ikinaiinis ko ay ang katotohanan na wala akong karapatan sa kanya.
"Kilala na kita Sophia and I know kung ano ang iniisip mo."
Napatawa ako sa sinabi nya."Really ? Kung ganun sabihin mo nga sa akin kung ano ang iniisip ko? Paki sabi narin sa akin kung bakit ako galit sayo !"
"Mahal, sorry na..kung hindi ako nakatupad sa usapan.Nandito na naman ako e..Please forgive me." Pagmamakaawa nya.Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Akala ko kilala mo na ako.Akala ko alam mo ang iniisip ko pero hindi.Hindi yun ang dahilan Jake ! Naiinis ako kasi wala akong karapatan!! Wala akong karapatan sayo! Hindi ko man lang maipagsigawan na mahal kita dahil hindi pwede.." Unti unting pumapatak ang luha ko.Para akong sasabog sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
"Naiinis ako dahil sa twing nakakagawa ka ng pagkakamali at naririnig ko yang pesteng sorry na yan bumabalik lahat ng nakaraan Jake!Pinapaalala ng mga salitang yan na mas pinili mo ang ibang babae keysa sa akin !! Na nawalan ako ng karapatan bigla sayo!" iyak nalang ako ng iyak sa sobrang sama ng nararamdaman ko.
"Mahal..."
"Go Home.Naghihintay ang asawa mo." Sabi Ko sabay pasok sa kwarto Ko.
Ang sakit sakit.
Ang sakit magmahal.