Somebody Like You 1

6 2 0
                                    


" Venus huhuhu sabi nya ako lang mamahalin nya! (Singhot) sabi nya gusto nya akong maging asawa! At sabi pa nya--- " bago pa nya matapos ang sasabihin ay sinubuan ko na sya fries.

" Alam mo dalya, boys will be boys okay? Sabi lang nya yun but you see? Hindi naman nya ginawa, Puro salita wala naman sa gawa! Atsaka ang oa mo bebs ah! Hello? Gusto mo nang magkaasawa? Eh 19 yrs old kapa lang naman! " Sermon ko sa kanya

" But nakikita kong sya na yung future asawa ko ehh! " Iyak nyang sabi at ako na ang nagsasabi guys nakakairita sa ears.

" Ang oa mo bebs two months palang kayo! Atsaka kakauwi ko lang galing sa vacation ko tapos maiistressed nako ng dahil sayo. " I said at kinuha yung burger at kinain, btw we're here nga pala sa Jollibee dahil eto nga nakipag meet ako sa kanya dahil broken hearted DAW sya.

" I know Venus but akala ko sya na ehh, minahal ko pa naman sya nang sobra huhuhu, but by the way yung regalo mo nga pala sakin. " Natigil ako sa pagkain ng sinabi nya yun,

" I thought hindi mo na kukunin ehh, pero back to the topic ano ba kaseng nangyari? Hindi ko pa nakita yang John na yan. " I said at kinuha naman yung isa pang fries at nagsimulang kumain.

" Maya pupunta akong bahay niyo, kukunin ko regalo ko. So yeah yun nga it's our second monthsarry tapos ayun pumunta ako sa condo nya because gusto ko syang isurprise (sigh) but ako ang nasurpresa kase they..they huhuhu ang mga bwiset gumagawa sila ng karumaldumal (singhot) tapos hindi manlang nag deny si John na nag cheated daw sya sakin kase hindi tulad kong pabebe daw at ni halik sa lips eh diko kayang ibigay! I thought okay lang sa kanya yun kase wala naman syang sinasabi sakin tapos ganito? ganito!? At sabi pa nya hindi naman nya talaga ako minahal kase dare lang daw ako huhuhu yun yung diko matanggap Venus eh! Pinaglaruan lang nya yung feelings ko (iyak) " iyak niyang sabi, naaawa ako sa kanya kase meaning minahal nya talaga yung walang hiyang John na yun, grrr makita ko yun hindi ako magdadalawang isip na sapakin sya.

" Sshhh tahan na bebs, hindi lang sya yung lalaki sa mundo atsaka ang tanga nya para pakawalan ka noh! Sa gandang mong yan, tandaan mo dalya ang Queens ay tinitingala at pinagsisilbihan, matapang ka diba? Wag kang umiyak sa walang kwentang bagay tss makita ko lang talaga yung John na yun " mahabang litanya ko at kinuha yung spaghetti ni dalya eh kase naman hindi rin nya kinakain.

" Venus! Kanina mopa kinakain yung mga pagkain ko. " Sabi nya at pinalo yung kamay ko na kukunin sana yung burger nya.

" Kasalanan ko bang nag e-emo kapa jan? Eh sayang yung pagkain.(sigh) kung andito lang sana si vini babatukan ka talaga nya. " I said at uminom ng soft drink, sya naman ay nagsimula ng kumain nagutom siguro.

" At buti nalang dahil wala sya, anyway kelan ba uuwi si vini? Gustong gusto nya yata dun sa Maldives eh. " Sabi nya at kumain ulit, ako naman ay tumigil na dahil busog na busog nako.

" Aba malay ko dun? Sabi nya bukas daw and tayo daw susundo sa kanya. " I said at tumingin tingin sa mga kumakain bago ko sya nilingon.

" Yung plano mo venus tuloy paba? " She ask habang umiinom ng soft drink.

" Yeah, nakapagpaalam nako kay daddy and mommy at alam na rin nila kuya na magtatransfer ako. " I said

" Same nakapagpaalam na ako, nga pala kumusta kayo ni Carl? " Tanong nya, napatigil naman ako sa pagtitingin sa mga tao at nilingon sya.

" We're okay, nagkasigawan lang kami kahapon kase tinanong ko sya tungkol sa kasama niyang babae sa isang restaurant and he said na pinagbibintangan ko daw sya na nagchi-cheat well in fact, hindi ko naman yun sinabi dahil tinanong ko lang naman sya. " I said

" Sino ba daw yung girl? " Tanong nya na tapos na palang kumain.

" Anak daw ng friend ng mommy nya at nagkita lang daw sila dun sa restaurant ng hindi inaasahan. " I said at tiningnan ang phone ko kung may message ba so far wala naman.

Somebody Like You (Girls Inlove #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon