Chapter 5

467 35 11
                                    

Nash POV

“Bakit ka nandito? Anong oras na ah.”tanong sa akin ni Sharlene pagkalabas nya ng gate nila. Napakaganda nya pa rin kahit nakapantulog lang sya na pinatungan ng jacket. My simple girl.

“Hindi ako makakatulog hangga't di tayo nagkakaayos.”sabi ko.

“Baka magising sina Papa, lagot tayo.”

“Dun tayo sa park.”sabi ko sabay hila sa kanya. Malapit lang naman kaya naglakad lang kami.

“Kung ano man ang gusto mong sabihin, sabihin mo na.”sya ang unang nagsalita ng makarating na kami sa park.

“I’m sorry. Sorry kung napabayaan na pala kita dahil kay Alexa. Hindi ko sinasadyang saktan ka Bru. Trabaho lang talaga ang namamagitan sa aming dalawa.”

“So, di totoong crush mo sya?”nanantyang tanong nya.

“Teka, nagseselos ka ba?”di ko mapigilang mapangiti.

“Di no! Wag kang feeler! Naiisip ko lang ang mga fans natin.”tanggi nya pero pulang pula ang mukha nya.

“Sabagay, bakit ka nga naman magseselos. Eh, nandyan naman si Jairus.”

“Lagi mo nalang sinisingit sa usapan si Jai! Magkaibigan lang kami.”

“Ah. Kaya pala nagyayakapan kayo kanina sa dance floor!”uminit bigla ang ulo ko ng maalala yun.

“Ikaw din naman ah! Magkaholding hands pa kayo ni Alexa kanina sa couch!”

“Kayo nga ni Jairus eh! Para kayong mga baliw na nagtatawanan. Bumubulong ka pa!”

“And so? Ikaw lang lang ba may karapatang makipaglandian kay Alexa?”ang taray nya talaga. “Why do you care?”

“I care because I LOVE YOU!!!”pareho kaming nagulat dahil sa sinabi ko.

“W-what do you mean?”tanong nya. Bahala na nga. Nasabi ko na rin lang, lulubusin ko na.

“Mahal kita Bru. Matagal na. Sa sobrang tagal nga ay di ko na maalala kung kailan nagsimulang mahalin kita. Kaya nasasaktan akong makita kang masaya kasama ni Jairus!”tahimik lang syang nakatingin sa akin.

“Alam mo ba ang pakiramdam na lagi akong natatakot dahil baka isang araw malaman ko nalang kayo na ni Jairus. Na sa tuwing kayo ang magkatabi sa mga TV guestings sa halip na tayo ay parang mababaliw ako sa sobrang selos! Alam mo ba ang ganung pakiramdam?”di ko napigilan ang mga luha ko.

“Oo! Dahil yun mismo ang nararamdaman ko kapag magkasama kayo ni Alexa!"natigilan ako sa sinabi nya.
"First Star Magic Ball natin pero di tayo ang magkapareha. Alam mo bang ayokong pumunta? Dahil alam kung masasaktan lang ako! At nung napanood ko sa TV nang inamin mong crush mo sya, gusto kong magwala.”sigaw nya.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Manhid ka ba talaga o tanga lang? Matagal na din kitang mahal Nash…Bru...mahal na mahal kita” totoo ba ang mga narinig ko? Talaga bang mahal ako ni Sharlene?

“Mahal mo rin ako?”di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Oo! Mahal na mahal kita Bru!”naiiyak nyang tugon.

“As in, mahal mo ako? Di lang bilang bestfriend?”paniniguro ko.

“Oo sabi eh! Ang kulit mo!”nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya akong halikan sa labi. Smack lang yun ha.

“Naniniwala ka na ba?”tanong nya.

“Yes! Mahal din ako ni Sharlene!”sigaw ko at niyakap sya ng sobrang higpit.

“Bru! tumigil ka nga. Baka magising ang buong subdivision sa lakas ng boses mo.”natatawang sabi nya. Naramdaman kong napayakap na din sya sa akin. Para kaming mga tanga. Umiiyak habang tumatawa. Magkayap lang kami nang may maalala ako.

“Di man lang tayo nakapagsayaw kanina.”malungkot kong sabi.

“Busy ka kasi kay Alexa!”sumbat nya.

“Wag ka nang magtampo. Magkaibigan lang talaga kami. Sya nga ang nag.encourage sa akin para magtapat sayo.”

“Talaga? Ginawa nya yun?”

“Oo kaya’t huwag ka nang mag.selos.”niyakap ko sya.

Kinuha nya ang ipod nya at nilagay sa tenga ko ang isang earphone. Share kami. Ang sweet namin no? Kahit lalaki ako kinikilig pa rin ako.

“It’s not yet too late.”sabi nya.

Sumayaw kaming dalawa habang nakikinig ng kanta mula sa ipod nya. It was a Taylor Swift song "Crazier"

You lift my feet off the ground
Spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier,
Crazier, crazier

I couldn't argue with the lyrics of the song. Ganito pala ang pakiramdam na malaman mong mahal ka din ng taong mahal mo. Ang saya saya ko. Para akong lumulutang sa hangin. Sharlene makes me crazier everytime I look at her eyes..

“Ibig sabihin ba nito, tayo na?”nakangiti kong tanong sa kanya.

“Ano ka siniswerte? Di ako easy to get no? Manligaw ka muna.”natawa nalang ako. Typical Sharlene! Akma syang kakawala sa mga bisig ko pero niyakap ko sya ng mas mahigpit.

“Thank you for loving me Bru.”bulong ko sa kanya at hinalikan sya sa noo.

It was a magical night afterall. Yakap ko na ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Di pa nga siguro ito ang tamang panahon pero naniniwala pa rin akong darating ang araw na kami na ulit ni Bru ang love team. Hinding hindi kami bibitiw.

Kahit sino pa ang maging ka.love team namin on-screen, ang mahalaga ay kaming dalawa ang magka.love team sa totoong buhay. 

 Kasi nga, Nashlene Forever! Di ba?

                                                                                 

                                                              THE END

xox

Thank you for reading! Please comment and vote kung nagustuhan nyo ang story. Keep calm and love Nashlene. Mwah!



One Magical Night(One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon