|Ika-una|

15 1 0
                                    

[Unang  Kabanata]

“Yes, dad. Opo, gagawin ko. I will, dad. Yes.. Ahuh. Opo. Sige po, take care.”

Paulit ulit ang sagot ko, because I can't disobey my father. Yes is the only answer that I can say. Because that is what I was taught. To always obey his orders. Tuwid ang upo ko at maayos ang tindig even tho I'm sure that my father won't see me.

Huminga ako ng malalim at ibinaba ang telepono at inayos ang ilang papeles sa glass table na nasa harap ko. Tumayo ako mula sa swivel chair ng office ni dad at pinasadahan ng palad ang suot na cream pencil skirt. Hinawi ko ang buhok na na sa'king leeg at taas noong lumabas ng office niya.

“Good morning, Ms. Savanna—”

Agad kong nilingon ang bumati sa'kin at walang buhay ngunit matalim na tiningnan ito. Napahinto ang babae na tingin ko'y empleyado rito sa company ng daddy ko. I looked at her from head to foot.

“It's Genteel. Don't call me Savanna unless I said so.” Malumanay at strikta kong pahayag. Yumuko ito at dahan dahang tumango.

“Y-Yes, Ms. G-Genteel..”

Hindi ko na siya muling tinapunan ng tingin at nag-diretso na lamang sa exit ng kompanya, the guard automatically opened it for me with an awkward smile on his face.

I didn't bother to look at him nor smile. “Mang Ernie, tayo na ho sa bahay.” Anya ko sa driver namin na agad binuksan ang backseat ng kotse. I let my self feel comfortable there while I slightly massage my temple.

“Siya nga pala manong, kailan ba ang alis niyo?” Ani ko.

Sumulyap siya sa'kin at malungkot na ngumiti. “Sa isang linggo na, hija. Pasensya na ha? Tumatanda na ako e, malabo na rin ang mata..”

Tumango ako. He's been with us for almost three decades so I understand that this time of his retirement will come. Maybe I should start to look for a new driver?

“Naiintindihan ko ho, Manong. Sasagutin ko na rin ang plane ticket niyo papuntang San Fuego.”

Nanlaki ang mata niya habang nagda-drive. “Naku! Huwag na, Genteel! Aba'y sobra sobra na nga iyong last payment na ibibigay niyo sa'kin.. Nakakahiya na.”

Umiling ako at bahagyang ngumiti. “That's for staying loyal to us, Manong. It's the least we can do.”

“Ay, salamat. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Genteel. Mabait ka pa rin..” Aniya na nagpapawi ng kaonting ngiti ko. Tumango na lamang ako at nag-iwas ng tingin.

Mabait? Ako? Napabutong hininga na lang ako.

“Genteel! Ay jusko!” Calm expression stayed on my face. Pawisan ang mayordoma namin ang nagpapanic ang mukha. Must be Havoc?

“Si Havoc!” Panimula palang ay napairap na ako. I'm right! “Ang kambal mong 'yon, laging pinasasakit ang ulo ko. Jusq. Aba e, narinig ko nalang na humaharurot ang kotse kanina! Ni hindi man lang nag-paalam!”

Napailing ako. “I got it, Manang. I'll call him, okay? Relax.” Tinapik ko ang balikat niyang naka-angat sa kaba. Huminahon naman siya at tumango-tango.

Nang naka-pasok sa kwarto ko ay agad kong tinawagan ang kambal kong sakit sa ulo.

“Yes, dear sister?” Tono palang ng boses niya ay agad na akong nairita.

MussedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon