|Ika-dalawa|

18 1 0
                                    

[Pangalawang Kabanata]

“Andres, tayo na..” Tawag ko sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi ko na dapat siya tinatawag at dapat ay alam na niya pero eto, tinatawag ko parin. Sakit sa ulo!

Lumingon siya mula sa pagtitipa ng kung ano sa phone niya at nanlaki ang mata sa'kin. “Ano, ma'am? Tayo na?”

Kumunot ang noo ko. “Oo. Didn't you hear me? Tayo na kako.”

Napaayos siya ng tayo at ngumisi sa'kin. “Ang bilis mo naman, ma'am Savanna. Tayo na agad.”

Nawala ang emosyon sa mukha ko at napatitig sa kaniya. “Are you out of your mind? I said let's go! I'm running late,” Tinalikuran ko siya pero agad din akong humarap at pinaningkitan siya ng mata. “And it's Genteel, stop calling me Savanna. Okay?”

Kumagat labi siya at hindi ko naiwasan ang mapatingin doon. Damn those red lips! “Okay, ma'am Savanna.”

Napailing nalang ako. Ang tigas talaga ng ulo. I told him a million times already to stop calling me that pero mana yata kay Havoc.

“Whatever. Open the door, Andres. I'm going in.” Utos ko. Ngumiti naman siya at tumango bago binuksan ang backseat. Inirapan ko siya bago pumasok doon. Ngumiti lamang siya sa ginawa ko at sinarado na ang pintuan.

Kunot ang noo ko siyang pinag-masdan habang papaikot siya para pumunta sa driver's seat. Nakangiti at umiiling. Baliw?

It's been two week since Mang Ernie left and I had no choice but to let him drive for me. Tuwang tuwa si Havoc sa naging desisyon ko. I don't know, he likes Andres so much. I once asked him kung kaibigan niya ba iyon pero imposible naman, I mean.. wala akong kilala na kaibigan niya na driver.

“Are you friends with him, Havoc?” Tinitigan ko siya. Napatingin siya sa'kin at nanlaki ang mata. Tumigil sa pagkain at tumikhim.

“Ha? Sino, Sav?”

“Si Andres.”

“Andres? Hindi ah. Magaan lang ang loob ko sa kaniya 'no. 'Tsaka sa isang agency ko 'yan nakuha, kaya paano ko 'yan magiging kaibigan?” Tumawa tawa pa siya at umiling iling tsaka nag-patuloy sa pagkain na parang walang nangyari. Sandali ko siyang tinitigan at sumulyap sulyap naman siya sa'kin at ngumingiti. Napailing ako at kumain nalang din.

“Ma'am, office ba tayo?”

Napatingin ako kay Andres na naka-silip sa rear mirror. Nag-taas ako ng kilay.

“Saan pa ba ako pupunta? Malamang ay sa office lang.” Masungit kong sagot. Napangiti siya kaya mas lalo akong nainis. “And why are you smiling? Don't smile.”

Nanulis ang nguso niya at tumahimik nalang. Inirapan ko siya, naiinis ako sa kaniya. And I don't know why. Two weeks ko na siyang laging nakikita pero naasar pa rin ako. There's just something about him that irritates me.

After some minutes ay nakarating kami sa company ni daddy na ako ang acting CEO since hindi pa niya pormal na itini-turn over saakin ang pwesto.

Muli ay inismiran ko si Andres nang pag-buksan niya ako ng pinto. Pero sa inulit, ngumiti lang siya. Kaasar!

Nasa likod ko lang siya habang papasok ako ng building. Imbis na ang guard ang mag-bukas ng glass door ay si Andres ang nag-bukas noon. Hindi ko siya pinansin kahit na nag-salita siya.

“Have a nice day ahead, Ma'am Savanna!” Rinig kong pahabol niya na mas nagpainis sa'kin. Pero napahinto ako nang maka-rinig ng ibang boses.

“Uy, Andres! Aalis kana?” Agaran ang naging pag-tingin ko at hindi pinansin ang mga bumabati sa'kin ng good morning. There I saw Andres smiling to my employee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MussedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon