"MANANG ESMEE!!" halos maputolan na ako nang ugat dahil sa kasisigaw dito sa labas nang bahay ni manang esme.
"MANANG ESME PABILE NANG YE- aray naman" hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang may nang batok sakin mula sa likod.
"ANOBANG PROBLEMA MO!?" pag singhal ko sa taong nang batok sakin, kainis naman.
"abat? gusto mo pa atang ulitin ko eh, hindi ba obvious na binatokan kita? at isa pa kanina kapa sigaw nang sigaw, at wala dito si mama nasa palengke, ano ba kailangan mo?" mahaba niyang paliwanag. Bigla tuloy akong nahiya.
"hehehe sorry naman, kala ko kasi nandito siya eh, oh Marlou pabili ako nang dalawang yelo" saad ko na ikinailing niya, bat naman kaya.
"sorry wala kaming yelo ngayon" natatawa niyang lintaya sabay kamot sa batok.
"Abat?? wala rin palang kwenta yung pagsisigaw ko kanina? eh kung ganon naman pala..." pumunta ako sa harap nang gate nila at kinuha ang signage na naka lagay duon, tsaka ito pinunit.
"oh yan para inform ang ibang tao" tsaka ko tinapon sa basurahan...
"MAMA ako na jan baka napapagod kana, kanina kapa jang nag lalaba" pag-aalok ko kay mama.
nakatira kami sa isang maliit na bahay, hindi man ganon ka laki ay kasya naman kaming dalawa ni mama, may isang kwarto at isang banyo, mag katabi kami ni mama na natutulog tuwing gabi kaya okey lang.
"wag na anak ako bahala dito" pag tangi niya sa alok ko sabay pahid nang pawis gamit ang kanyang damit.
"Mag saing ka nalang at bumuli ka nang ulam, may pera ako jan sa mesa bili ka nang dalawang pirasong pritong manok."
Napabuntong hininga nalang ako at tumango.
tinungo ko ang munti naming kusina at kinuha ang pera sa mesa. Mamaya na ako mag sasaing kapag maka bili ako nang ulam.
"Bili lang ako nang ulam ma!!" pag papaalam ko.
"O sige mag iingat ka" pag papaalala ni mama.
Hindi na ako sumagot at isinirado ko na ang pinto.
Tinungo ko ang pinaka malapit na tindahan nang pritong manok dito sa street namin; kila manong Tidoy.
"oh kian, bibili kaba??" tumango naman ako at ngumiti bago sumagot.
"opo, dalawang chicken legs po" saad ko, at itinuro yung dalawang malalaking legs...
Nang matapos kong bumili nang ulam, agad kong tinahak ang daan pauwi, nang biglang may humarang sakin na isang matangkad na lalaki.
"Hey kid do you know where I can find the house of Kanor?" Weyt diko ma take yung english niya. May pa accent ang gago.
"uhmm bat mo siya hinahanap??" like duh, kalat na kalat ang balita na drug dealer daw tong si mang kanor at pumapatol daw ito sa mga babaeng mas bata sa kanya at yung iba daw ay mga minor de-edad pa.
"look kid just answer the my question" walang gana niyang sagot.
tanging mata at tenga lang ang nikikita ko sa muka niya dahil naka mask siya at hood, pano niya natiis yan?? ang init sa pinas mga prend.
Hindi na ako nag tanong pa at itinuro sa kanya ang daan patungo sa bahay ni Mang kanor, at ang gago di manlang nah pasalamat...
Tiningnan ko lang siya na umalis at nung nawala na siya sa paningin ko ay dumeretso na ako sa pag uwi.
BINABASA MO ANG
The Slave
General FictionHello I'm new to writing (char) first of all hindi po ako magaling na manunulat, at baka habang mag babasa kayo may mga makita kayong errors like typos, wrong grammars, misspelled words, and I'm completely sorry for that. This just some random clic...