2

208 6 1
                                    

Asan ako?? nagising ako sa isang malambot na kama pero wala akong makita na kahit ano dahil sa madilim ang kwarto.

"MAY TAO BA DITO!?" malakas kong sigaw, sinubukan kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang katawan ko para akong naka gapos o kung ano man.

"hey" muntik na akong mapatili nang sa isang iglap bigla akong may naramdaman na tao sa aking ibabaw.

"si-sino ka??" kinabahan kong tanong, pero wala akong natanggap na sagot galing sa kanya tanging pag haplos lamang nang aking pisngi ang aking natanggap, bigla akong tinamaan nang kaba, nang bigla niyang puluputan nang dalawa niyang kamay ang aking leeg.

Bigla akong napa balikwas nang bangon, habang punong puno nang pawis ang aking muka.

Panaginip lang pala, mahina kung bulong sa aking isipan, kinuha ko ang keypad kong selpon at tiningnan kung anong oras na.

Kakasimula lang nang summer break namin, at G-10 na ako next school year, hindi man ako nakakapag aral sa isang pribadong paaralan ay okey lang sakin basta makapag tapos ako at mairaos ko ang buhay namin ni mama.

Tumayo na ako sa kama at nag punta sa munti naming Banyo para mag hilamos at mag toothbrush, nang matapos kong gawin ang mga morning rituals ko ay agad kong tinungo ang aming kusina, kung saan nakita ko si mama na nag luluto para sa aming agahan.

"Oh anak gising kana pala, oh eto kumain na tayo" pag-aalok ni mama, napa ngiti naman ako.

Ang swerte ko sa mama ko, dahil kahit mahirap lang kami ay hindi siya nag kulang sa pagbibigay nang pagmamahal at paalala.

"Good Morning Ma!" masaya kong pagbati ni mam na siya namang ikinangiti niya.

"Morning din nak" pag bati pabalik ni mama.

"oh siya sige upo kana at para makakain tayo, at may sasabihin nga pala ako sayo mamaya pagkatapos nating kumain." pag-papatuloy niya, Kaya umupa na ako at nag simula na kaming kumain.

Ano kaya sasabihin ni mama?? Bigla tuloy akong kinabahan. I HATE YOU ANXIETY!!.

Ughhhh ang sarap talaga mag luto ni mama, and ulam namin ay Itlog may cornbeef at may sawsawang Toyo na may kalamansi. (payborit yan ni Author ~-~)

Matapos naming kumain ay ako na ang nag prisinta na mag linis nang mga pinag kainan. Habang nag huhugas naalala ko na may sasabihin pala si mama, na ngayon ay nasa mesa at umiinom nang gamot. May TB kasi si Mama.

"Ma ano nga pala ang sasabihin mo? diba sabi mo kanina may sasabihin ka??" tanong ko, habang nag patuloy parin sa paghuhugas.

Ramdam ko na napatingin sakin si mama.

"Aah k-asi nak, yung ano, si ano..." kinakabahan niyang saad, kaya napatigil ako sa aking ginagawa ko at binaling ang aking attention kay mama.

"Ma bat ka kinakabahan??" takang tanong ko.

"Kase nak na alala mo yung Uncle Nelson mo??"

"Oo ma yung pangalawa mong kapatid? Opo na alala ko"

"mabuti, nagkasakit kasi siya, at wala naman siyang pamilya, wala din siyang anak, kami lang naman ang nandito sa Pilipinas kaya..." parang mas lalo siyang kinakabahan, hindi ako nag salita at pinatapos muna si mama.

"Kaya ako ang mag aalaga sa kanya" pag tatapos niya sa sinabi niya.

"Oh?? kelan yun lang naman pala, kelan alis natin ma?" Kaswal kong tanong.

"Anak dito ka lang sa Manila, uuwi ako sa probinsya medyo malayo dun at andon din yung lola mo, alam mo naman na ayaw sayo nun, at baka mahuli ka sa pasokan lalo na at baka matagalan ako dun" mahaba niyang lintaya, At ako? eto walang masabi.

Iiwan talaga ako ni mama??

"Ma sasama nalang para mas mapa buti at mapa dali ang pag aalaga mo kay uncle" pangungulit ko, pero umiling lang siya, nag sisimula nang manubig ang aking mga mata, dahil sa totoo lang kung matuloy ang plano ni mama ay eto ang pinaka una na mag kakahiwalay kami nang sobrang tagal at ewan ko lang kung makakatagal ako nang wala si mama.

Tumayo si mama at lumapit sakin, hinaplos niya ang pisngi ko "Anak wag kang mag aalala, tinawagan ko ang tatay mo, at tinanong kung pwede ka bang mag stay doon, pumayag siya nak at gusto ka daw niyang makasama muli"

And again I was speechless...

==================End=================

Yow may nag babasa ba?? Hehehe sorry medyo sabaw tong chapter.  Next UD will be this week. Pls Vote. And Continue supporting my story.

Beware of Typos and Misspelled words.

Byeee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon