Crazy Love*5

187 10 3
                                    

Chapter five*

UNIVERSITY;

Louise's POV;

Parang nagulat si Dj nung makita nya ko. bakit ganon? 

Di nya pa ba alam na nakauwi na ko? Hayyy. siguro nga hindi pa.

di naman kasi sya magugulat kung alam nyang nakauwi na ko galing states diba. -,-"

Hindi alam ni Daniel na hindi muna talaga ako umalis, total madami namang tao di na ko makikita ni Harry kaya, patago ko syang pinagmasdan.

"Wh-who's that?" Nagulat ako ng may biglang lumapit kay daniel na magandang babae.

"Y-yan yu-yung, nabangga ko kanina!?" Pagkagulat ko. "Magkakilala sila ni Daniel!?" pagtataka ko.

Napaisip talaga ako,Hay. di ko naman kasi talaga mababangga yung Girl na yun kung, Hindi ako tumakbo.

Hindi naman kasi talaga ko tatakbo, infact SUPER HINDI TALAGA, kasi may heels yung shoes ko, pero di ka pa ba tatakbo kung yung stalker mo may binabalak na masama sayo?

Ganito kasi yung nangyari.

=FLASHBACK=

I'm with my friends, may balak sana kaming magShopping after naming magenroll, Nagsasawa na kasi ako sa mga gamit ko. Ako kasi yung tipong madaling magsawa sa isang bagay, kaya nga nagsawa din ako--' Ayysssh! Nvrmnd. At yun na nga, May balak nga kaming magshopping.

pero papaalis pa lang kami ng mga friends ko, nang may biglang nag "Witwew!" samin. Ayoko sa lahat yung ganon. Kinikilabutan kasi ako. e_e

Lalo pa kong kinilabutan ng Nakita ko yung stalker ko, si Harry. Gwapo naman sya, pero masyado kasi syang Green! alam nyo yun yung MANYAK! Waaaah, i really hate him.

"Hi, sweetheart!" Hahawakan na sana ni harry yung mukha ko, pero kumaripas kaagad ako ng takbo, kasi kahit yung mga kaibigan ko, tumakbo na din nang muntikan silang bastusin nung tropa ni Harry.

"H-hoy! Louise, bumalik ka dito!"

Ang bilis nya tumakbo, at sa malas ko. Naabutan nya ko. hinila nya ko bigla! at napahawak sya sa bewang ko.

hinigpitan nya yung kapit sakin at unti-unti nilalapit sa katawan nya.

"H-harry! bitawan mo ko! Ano ba!"

"Pakipot ka pa louise, alam ko namang gusto mo din ako!" pangisi-ngisi nyang sabi.

Waaaah! tumaas lahat ng balahibo ko. Nang magkaroon ako ng pagkakataon, sinipa ko yung Harapan nya! Oo, yung harapan nya, no choice, kesa naman manyakin nya ko!

"Hiyaaaaaa!"

"Owww! Shiiiiiit! L-lo-louise! bumalik ka dito, pagbabayaran mo to!"

binilisan ko pa lalo yung takbo ko! natatakot na ko masyado, Sa totoo lang kasi, Maganda talaga ako, isa ako sa mga sikat na student dito sa USS, pambato kasi ako last year para sa Mr.&Ms USS, At nanalo ako. pero di ko iniexpect na may maghahabol sakin ng ganon. NAKAKATAKOT TALAGA! X﹏X

Sa pagmamadali ko.

"Booooooooom!*

aksidenteng may nabangga ako.

"A-a-arayy!"

"Sorry miss!"

"O-okay lang"

"Sige miss, una na ko, pasensya na talaga!"

At tumakbo na ko ulit ng mabilis,baka maabutan ba ko ni Harry.

=END OF FLASHBACK=

di ko naman talaga sinasadya eh.

pero napapaisip talaga ako. "Sino kaya talaga yung babaeng yun?" haayyyyy.

pssssh, Ewan! dapat nga di ko na yun iniisip, eh ano naman kung may kasama ng iba si Daniel diba?

--

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon