Warning! There will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your kind and consideration.
Kaya wag na kayo mabibigla. 😂
××××××××××××××××××××××××××××××××
Sa Cafeteria. Habang kumakain si Leand ng pananghalian nang may lumapit sa kaniyang isang lalaking matipuno at medyo mapilyo.
"Hi, baby? How are you?"
Napaangat ng ulo si Leand sa nagsalitang lalaking iyon. Nakita niyang nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya. Tila pakiramdam niya ay umakyat na naman ang lahat ng dugo sa ulo niya ng makita niya ulit ito.
"Ano ba, Greg!? Kailan mo ba ako tatantanan!?" asik niyang sigaw dito. Pakiramdam niya ay mukhang liligawan na naman siya nito, kaya't inunahan na kaagad niya ito bago pa mangyari ang nakakahiyang pangyayari.
"Ikaw naman, Leand. Nangangamusta lang eh..." pagtatampo nito habang napapakamot pa sa ulo. Alam niyang umaakto lang ang lalaki na mabait para masungkit ang puso niya.
Gwapo, Matangkad at Moreno. Iyan ang mga katangiang mailalarawan niya sa lalaking nasa harap niya ngayon. Pero kahit na ganoon ang katangian ng lalaking ito ay hinding hindi niya papayagan ang kagustuhan nitong mangyari sa kaniya.
Kilalang kilala na kasi niya ang buong katauhan ni Greg dahil kasalukuyang parehas sila ng kursong kinuha. Alam niya ang gusto nitong mangyari, at balak nitong gawin siyang isama sa mga listahan ng mga babaeng pinaiyak na nito. Kaya't gagawin niya ang lahat para hindi mangyari ang bagay na iyon. Certefied playboy na manloloko ang taong nasa harap niya!
"Feeling, close tayo?!" bulyaw niya rito at saka akmang tatalikod na at aalis. Pero bigla namang hinarangan nito ng sarili ang dadaanan niya.
"Not today, but sooner or later magiging akin ka rin. Malay mo sa future, apelyido ko na rin ang hawak mo." anito sabay kindat sa kaniya bago nauna ng umalis ng canteen.
Ha! Ang kapal din talaga! Ang lakas ng apog! As if naman pinapangarap kong mapangasawa ang katulad niya! Hmmppp, sasaksakan ng kayabangan! Nanggigigil sa inis na wika ng kaniyang sarili habang nakatanaw sa papalayong bulto ng binata. Kahit ayaw man niyang aminin, malakas talaga ang karisma ng lalaking iyon pero hindi dapat niya hahayaang mahulog siya sa kagaya nito.
Sa halllway. Magkasamang tinatahak nina Leand at Grace ang susunod na silid-aralan para sa sunod na nilang subject.
"Nakuuuu naman kasi! Leand! Bakit di mo na lang kasi sagutin, baka seryoso talaga si Greg sayo." pangungulit ng kaibigan niyang babae na kakaklase niya rin.
Walang karelasyon ang binata kaya't pinipilit siya nitong baka balak na ngang magseryoso ng taong iyon sa kaniya.
"Grace naman... Yun seryoso!? Baka sa mga may crush at ex niya. Seryoso sa kanila."
"Oh, wait! Why I got this feeling na nagseselos ka sa kanila?" komento agad nito sa kaniyang sinabi habang nakangisi.
"Ako?! Magseselos? Hell, no! Never in my wild imagination na naramdaman ko iyan, noh!"
"Okay, sige. Ikaw bahala, pero ni crush o kahit kunting pagtingin man lang. Wala kang nararamdaman sa kaniya? As in, wala?" pangungulit na naman ng kaibigan niya.
"Wala nga, ang kulit. At sinasabi ko sayo, na wala akong oras at panahon sa mga love life love life na iyan. Kaya tigil tigilan mo na yang kakakulit sa akin sa kaniya o sa kahit na sino pa mang lalaki."
"OMG! LEAND! HUWAG MONG SABIHIN MAGMAMADRE KA!"
"Ang OA mo, Grace ha? Wala lang panahon, magmamadre na? Hindi ba puwedeng may pangarap lang yung tao."
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng mula sa DILIM
Horror[Mystery/Thriller] On-Going Story; Isang malagim na insidente ang nangyari sa nakaraan ni Leandra. Bagay na hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari at ang pinagmulan niya. Subalit simula nang may malaman siya tungkol sa kaniyang tunay na pagka...