Selfie with Zoe

30 1 0
                                    

Ikalawang araw na ng pagbibisita nina Ashley at Ark-ella sa bahay ni Zoe. Sila ay sinalubong ng mabuti ng pamilya ni Zoe, kilala na kilala kasi nila ang mga naging kaibigan ni Zoe noong bata pa ito lalo na si Ark-ella na close na close ni Zoe sa kanyang paglaki.

Pinaupo sila sa sofa at pinahintay sila kasi magseserve ng snacks ang mga parents sa kanila. Habang naghihintay, naguusap muna sina Ashley at Ark-ella.

"Close pala kayo ni Zoe no, kilala kilala ka nila tita eh." Sabi ni Ashley kay Ark-ella na parang may halong biro.

"Eh, kasalanan ko ba iyon na lumipat kayo ng bahay. Kaya close kami hanggang paglaki namin kasi magkakapit bahay lang kami, madali lang puntahan. Muntik mo nga ako nakalimutan, salamat nga na magkaklase tayo." Sagot naman ni Ark-ella kay Ashley.

Natahimik sila ng ilang sandali at biglang may naisip si Ark-ella.

"Nagseselos ka ba?" Pabirong tanong nito kay Ashley. Nagulat na lamang si Ashley sa tinanong ni Ark-ella sa kanya kaya umiling siya.

"Di ba sabi mo noong binisita natin si Zoe nung Sunday na tumitibok ang puso mo para sa kanya. Patay kasi siya kaya nagkagusto ka." Sagot ni Ark-ella.

Natahimik na lamang si Ashley, nagtumango at ngumiti. Ilang minuto ay hinatid na ang snacks para sa kanila. Kaya pala medyong natagalan ang pagdeliver sa snacks sa kanila kasi homemade pizza ang ginawa at may dagdag mango juice pa. Kakatapos lang kasi nila sa preparation ng pizza nung dumating sina Ashley at Ark-ella.

"Thank you" Sabay na sabi nina Ashley at Ark-ella at kumain na rin sila sabay ang pamilya ni Zoe.

Pagkatapos nilang kumain ay pinabayaan ng pamilya ni Zoe sina Ashley at Ark-ella sa sofa.

"Magstastay pa ba kayo dito?" Tanong ng daddy ni Zoe sa dalawa. Nangtumango sumagot ang dalawa.

"Maiiwan muna namin kayo, may bibilhin pa kami sandali then babalik rin kami." Sabi nito at umalis din kasama ang buong family; asawa, 2 anak.

Naging tahimik ang paligid ng umalis sila. Wala kasi ibang bisita kasi busy sa trabaho ang iba, tapos na kasi ang class hours nina Ashley at Ark-ella kaya nakapagbisita sila.

"Ella." Sabi ni Ashley habang nakatingin sa mga mata ni Ark-ella.

"Ano Ash?" Tanong ni Ark-ella kay Ashley habang nakatingin sa kanya. Di sinagot ni Ashley ang tanong ni Ark-ella at ngumiti lamang.

"Baliw ka talaga." Sabi ni Ark-ella at inalis ang kanyang tingin kay Ashley.

"May naisip kasi ako lalo na na may lakad pa ang family ni Zoe." Napatingin si Ark-ella kay Ashley dahil sa sinabi nito

"Ano naman ang naisip mo?" Tanong nito kay Ashley.

Pinakita ni Ashley ang kanyang phone kay Ark-ella at tumingin sa kabaong ni Zoe habang ngumisi. Na-gets naman kaagad ni Ark-ella ang ibig sabihin ni Ashley.

"Patay na nga pinagtripan mo pa." Sabi ni Ark-ella kay Ashley habang pinipigilan ang tawa.

Si Ashley ay tumungo sa kabaong dala dala ang kanyang phone habang si Ark-ella ay nasa upuan lang, minamasdan si Ashley. 

Nagposing si Ashley malapit kay Zoe, nakailan na siya ng selfie na may iba't ibang pose. Pagkatapos niya magpicture ay tinignan niya ang kanilang larawan at siya'y napangiti.

Napatingin si Ark-ella sa mga larawan nilang Zoe noon; napakasaya pa nila, kita kita ang saya sa kanilang mata sa tuwing kasama silang dalawa. Nalungkot na lamang si Ark-ella nung naisip niya ang mga araw na iyon.

Napansin ni Ashley na parang iiyak na si Ark-ella sa kanyang tinitignan sa phone kaya lumapit siya ng tahimik at umupo ng malapit kay Ark-ella at tinignan ang nasa phone; larawan ni Zoe at Ark-ella. Di napansin ni Ark-ella na katabi na niya pala si Ashley.




























































The Girl Who Loves The DeadWhere stories live. Discover now