PROLOGUE
...........................°°°°°°°°°°°°°..........................
(Naglalaba) yan ang ginagawa ko pagkagising sa umaga, lahat ng damit nila at mga bedsheet at kumot nilalabhan kung mag-isa kahit na gusto akong tulungan ni Maycee pero di nya magawa dahil sya ang mapag-iinitan ng mama at kapatid nya. (Natapos nang maglaba) sunod na gagawin ko pagkatapos maglaba ay isasampay sila syempre para matuyo. Pero dumating yung bruha kong pinsan na si cindy at nilaglag ang iba kung naisampay na, nanginginig ako sa galit pero di ko paiiralin ito dahil baka pagmalupitan na naman ako ni tiya, marami pa akong mga pasa at di pa yun naghihilom kaya tiis tiis muna at kinuha ko na lang ang mga nilaglag na sinampay at binanlawan ulit iyon. Natapos kona lahat ng labahan at tumungo na ako papunta sa kanila ni tiya para hugasan lahat ng pinagkainan nila, oo di ako nagluluto kasi daw maaalala lang nila ang mama ko katulad na katulad ko daw ang mama ko na magluto kaya di ako pinagluluto ni tiya. Pagkatapos ko namang hugasan lahat ng hugasin ay nagsalok ako ng tubig sa poso para ipunin at ng makaligo na ako at pagkatapos ay maglilinis na ako sa bahay nila tiya. Di ako naatira sa bahay nila nasa likod ako ng bahay nila nakatira may isang maliit na kubo dun at nandun ako natutulog, yung bahay ng mga magulang ko iba ang nakikinabang. Simula kasi pagkamatay ni mama at papa puro na lang pangmamaltrato nakukuha ko kay tiya sampal dito sampal doon marami na akong pasa sa katawan at braso, di pa nga gumagaling may bagong pasa na naman akong nakukuha mula sa kanila. Masakit na ang katawan ko pero ayaw kung sumuko kasi alam kung darating ang araw giginhawa din buhay ko. Di ako susuko ano man ang mangyari kaya kakayanin ko ito.
Natapos na rin akong maligo at mag ayos ng sarili oras na naman para maglinis ng bahay. Inikot ko lahat inisa isa ko mga bintana bawat sulok para maalis ang mga alikabok kasi pag naabutan ako ni tita na may alikabok pa ang mga sulok sulok lagot na naman ako kaya bawat linis ko apat na beses ako bumabalik para masiguradong ok na lahat. Binilisan ko na yung kilos ko para dina nila ako maabutan sa bahay at para makapagpahinga rin.
(Lumipas ang kalahating oras) pinuntahan ako ni maycee sa kubo.(Kumatok tatlong beses) alam na pagkakatok si maycee na yun.
"Sige pasok lang" pahayag ko sa kumakatok.
"Ate, ate tara sama ka sa'kin!"masayang bungad sakin ni maycee
"Saan naman tayo pupunta? San moko dadalhin baka malaman ni tiya"
"Wag kang mag-alala ate busy sila mama at ate cindy, may mga bisita sila ngayon kaya naisipan kong isama ka sa pupuntahan ko."
"Siguraduhin mo lang mananagot talaga tayong dalawa nito."nangangabang sabi ko sa kanya
"Tiwala lang ate" puna ni maycee
Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa nakarating kami sa isang napakalaking bahay,(tumingin sa paligid) hindi sya bahay kundi paaralan sobrang dami ng estudyante may mga nakaupo nagkukwentuhan at mga grupo ng nagtatawanan, nagkakantahan. Nakakainggit sila sana ako rin nag-aaral tulad nila, maya maya nagsalita bigla si maycee
"Ate ito nga pala yung paaralan namin. Sinama kita dito para mag aral ka rin sabay tayo, diba sabi mo noon nung nag uusap tayo gusto mo mag aral? Kaya ito mag aaral tayo ng sabay."nakangiting sabi nito.
"Akooo? Mag aaral dito? Pano? Wala akong pera saka baka malaman pa ng mama mo lagot na lagot ako saka makikita ako dito ni cindy magsusumbong pa naman agad yun kay tiya." Halong saya at pag aalala kung sabi.
"Ate alam kung yan ang magiging reaksyon mo kaya ginawan ko na ng paraan lahat ng yan. Lahat ng schedule ni ate malayong malayo saaa schedule nating dalawa kaya pag katapos ni ate sa mga subjects nya tayo na naman ang papasok ng paaralan. At kay mama naman ginawan ko na rin ng paraan kaya wag kana mag alala saka sa pera ako na bahala ate may sarili naman akong pera." Masayang hatid nya sakin.
"Nako maycee pera mo yan wag mong sayangin para lang sakin."
"Ate tapos ko ng mabayaran lahat ng gagastusin mo kaya wala ka ng magagawa para dyan. Saka may karapatan karin kaya mag aral, kaya tanggapin mo na lang ito ate. Yan lang maibabayad ko sayo sa kabila ng paghihirap na pinag daanan mosa kamay nila mama at ate."
" salamat maycee kaya mahal na mahal kita ehh kasi naiiba ka sa mama at ate mong maldita."
"Sus ate wala iyon, tinuring na kitang nakakatandang kapatid kaya wala na sakin yun."
"Salamat talaga maycee binuo mo araw ko"
Masayang masaya ako sa ibinigay sakin ni maycee dko sukat akalain na makakapag aral pa pala ako. Matagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito na makapag aral sa isang maaking paaralan. Maraming maraming salamat Panginoon at binigyan moko ng pinsang mapagmahal at maawain tulad ni maycee.
Simula na ng bagong paglalakbay ko sa buhay at magsisimula nakong mag aral para sa magiging kinabukasan ko. Pagbubutihin kung makapagtapos para maging proud sakin mga magulang ko lalo na si maycee na di umaalis sa tabi ko.
Sisimulan ko ng maglakbay para sa kinabukasan ko.Bago ko sisimulan ang panibagong hamon ng buhay ay magpapakilala muna ako sa inyo.
Ako nga pala si Olivia Cortez
Ako ang magpapatibay na lahat ng pagsubok ay mapapagtagumpayan pag positibo ka pang sa buhay. Oo iiyak ka at kailangan mo umiyak, mapapagod ka at kailangan mong magpahinga pero hindi ibig sabihin nun ay susuko kana agad. Madadapa ka pero kailangan mo rin tumayo ulit para makarating sa patutunguhan mong tagumpay sa buhay. Kaya sa paglalakbay kung ito ipinapanalangin kung mapagtatagumpayan ko lahat sa tulong ng Diyos at sa pagiging positibo ng loob ko.
Guys si Miss A na ito gumawa ako ng baong story na pinoy ang gumaganap. Di na ako lalayo para maghanap ng lalaking mga may matitikas na katawan at magiging leading man meron na tayo dito sa pinas at babaeng magaganda at sexy dahil marami tayong artista sa pinas na di lang pinapansin sa larangan ng pag gawa ng story. Kaya ako sila ang magiging karakter ko da istorya at sana supurtahan nyo. Okey lang din kung hindi baguhan din kasi ako at wala pang alam sa pagsusulat ng mga kwentong ganito.
Salamat sana magustuhan ninyo please vote, comment your reaction and share it to your friends who loves to read a story.
❤😊❤
BINABASA MO ANG
The Vampires Crush
FantasyPinanganak ako sa mundong kulang ng pagmamahal ng isang magulang o pamilya, minamaltrato ng tiyahin at pinsan minamaliit ng sarili mong kadugo, pero kailangan mong tanggapinlahat ng iyon para ipagpatuloy ang buhay na ibinigay sayo. Naninilbihan ako...