Chapter 1
Its been a hundred years. But still I didn't find the right girl to love me who ever I am. May nag mahal nga sa akin pero iniwan din ako pagkatapos nyang malaman na bampira ako.
I live in the world almost a hundred years and I didn't get old at kahit ngayon batang bata parin ako tingnan.
Kailangan kung makahanap ng magmamahal sakin at kaya akong tanggapin ano man ang magyari, kailangan kung magkaron ng pamilya para may sumunod at magmana ng mga naiwan sa akin ng mga magulang ko.
Oo mga immortal kami pero namatay ang mga magulang ko sa pagtatanggol nila sakin mula sa mga kalabang bampira at naiwan akong mag-isa, mahirap para sakin lalo na kailangan kung makainom ng sariwang dugo pero tinuruan ako ng mga magulang ko na huwag na huwag pakelaman ang mga tao kaya't ang ginagawa ko ay mga hayop ang pinagkukunan ko ng dugo.
Di pala pa rin ako nag-iisa may katiwala ang pamilya kong tao at kalahating bampira kaya medyo nagtagal din sya sa mundo at dahil nga may dugo parin syang tao tumatanda ang balat nya pero mabagal hindi tulad ng tao mabilis tumanda.
Sa kadahilanang naiinip na ako kakaistambay ng palasyo naisipan kung pumasok ng paaralan , susubukan kung makihalobilo sa mga tao baka makahanap pa ako ng babago ng buhay ko.
Inutusan ko si manang creselda na ihanda lahat ng papeles ko para makapag enroll ako agad at para kinabukasan papasok na ako.(natapos na lahat at kinabukasan papasok na ng paaralan si santiago at susuongin ang panibagong darating sa kanyang buhay.)
Olivia Pov:
Sobrang sakit ng ulo ko may nakabunggo pala akong isang lalaki, pero nakaalis na kaya dko na nakita kung sino yun pero pakiramdam ko nag-aaral din yun dito.
Dumeretso na ako papuntang silid aralan para makapasok na rin at huwag mahuli sa klase, baguhang estudyante lang ako dito kaya medyo nahihiya pa akong makihalobilo sa mga estudyante pero siguro pag dating ng mga dalawa o tatlong araw magkakaroon na rin siguro ako ng mga kaibigan.
Santiago Pov:
Ito ang unang araw na lalabas ako ng bahay at mag aaral at makikihalobilo sa mga tao. Kaya't nagpaalam na ako kay manang creselda (nagpaalam at yumakap).
"Mag-ingat ka doon iho ha wala ako para protektahan ka sa mga tao"pag-aalalang sabi ni manang creselda.
"Opo manang mag-iingat po ako "sabay labas ko ng mansyon.
Nakarating na ako dito sa paaralang papasukan ko at may nakabunggo akong babaeng di tumitingin sa dinadaanan nya. Pero habang nakadikit yung ulo nya sa dibdib ko parang bumagal ang ikot ng mundo ko, diko malaman kung ano iyong nararamdaman ko pero binalewala ko na lang at tahimik na akong umalis baka makita pa nya mukha ko ng malapitan mahirap na.
Tumungo na rin ako papuntang silid aralan kung saan ako papasok at dumeretso na sa likuran para umiwas sa mga tingin nila. Habang naghihintay ako ng guro na papasok ay may isang babaeng familiar na papasok nakayuko lang sya at nalakad ng dirediretso hanggang nakatutok na sya sakin pero di nya parin itinataas yung ulo nya at saka sya nagsalita.
"Meron po bang nakaupo sa gilid nyo?" Nakayuko habang nagtatanong.
"Wala" matipid kung sabi.
BINABASA MO ANG
The Vampires Crush
FantasíaPinanganak ako sa mundong kulang ng pagmamahal ng isang magulang o pamilya, minamaltrato ng tiyahin at pinsan minamaliit ng sarili mong kadugo, pero kailangan mong tanggapinlahat ng iyon para ipagpatuloy ang buhay na ibinigay sayo. Naninilbihan ako...