"Bye Chef kieft!"
15mins nalang bababa na ako ng Barko. Chef ako sa International na barko.. 2years na akong di nag stay sa pinas ng matagal.. kaya ngayon na dumaan sa pilipinas ang barkong sinasakyan ko ay nag paalam muna ako, Gusto ko muna mag tagal dito sa pinas kahit 1month lang..
"Sana dito ka parin isakay pag sampa mo ulit.. mamimiss ka namen head chef!"
"Oo nga sana nga.. pero 1 month lang bakasyon ko baka nasa ibang bansa pa kayo that time..."
"Extend ka muna hanggang makabalik kami chef kieft! Hahahah!"
"Tingnan naten.."
Nagpaalam na ako sa mga kasama ko dito sa kusina, mamimiss ko talaga to.. sa dami na ng barkong na assignan ko, dito talaga ako mas nag enjoy,dahil na din sa mga kasama ko...
* * * * *
"Yahooooo! Makaka bababa na din after 9months! Buti nalang dumaan dito sa pinas!! Susulitin ko talaga ang 15days ko!!"
"Masyado kang excited Revilla ah.. Si Captain Mendez nga parang wala lang oh.. Di ka ba excited makita ang pamilya mo captain?"
Tanong sa akin ng kasama ko dito sa barko, mga marines kami.. Hindi ko pinapalampas ang Kahit na sandali pag dito sa pinas dadaong ang barkong sinasakyan ko.. Gustong gusto kong humihinto dito sa pilipinas kahit sandali lang...
"paano naman ma eexcite si Captain eh wala naman kasing Lovelife sa pinas.. hahhah!"
"Tigilan nyo ako ha, baka hindi na kayo makasampa dito.. "
"Biro lang captain.. seryoso masyado ahh..."
* * * * *
"Buti naman kieft naisipan mong mag bakasyon no.. akala namen ayaw mo na sa lupa.."
"Nag enjoy lang naman sa barko.."
Kasama ko ang mga kaybigan ko dito sa café, Si Pau, Becka, Lira, Mela, Jessy, at Zenaya.. Lahat kami ay professionals na, si Zenaya ang may ari nitong Café, Si Mela ay may ari Ng Clothing Boutique, Si Pau Architec, si Lira ay Lawyer, si Jessy ay Psychologist, si Becka ay Surgeon..
"Bat di ka nalang kasi maging Chef dito sa Café ko Kieft, gawin nating café and Restaurant! Hahah.."
Sabi ni Zenaya sa akin.."Naahh... walang thrill zen, I love travelling,.."
Sagot ko lang,"Sabagay, konti nalang malilibot mo na talaga ang buong mundo... yun nga lang ang sad.. ikaw lang nag lilibot, mas ok sana kung may Lovelife kang kasama..."
Sabi ni mela. Palibhasa ay masaya ang pamilya nito, at may kambal na anak.. si Era at Eros!"Oo nga naman Kieft, tumatanda na tayo, wala ka paring Lovelife.. last na yun, college pa tayo? Yung pinsan ni Lira.. "
Sabi ni Pau.. kasi sila ang sasaya ng mga lovelife nila.. si Becka nga ay ikakasal na nextyear.."wala pa si Mr.Right.."
Simpleng sagot ko.."Pero mahal mo pa?"
Tanong ni becka."Nahhhhhh!! Becka, ang tagal na nun.. walang ganun ok.. move on na move na ako!"
Napatingin ako sa labas.. move on na nga ba ako? O nakalimutan ko nalang..."Kieft, Si Slater Mendez ang una at huling BF mo, Syempre iisipin namen na kaya di ka pa nag bBF ng iba kasi baka mahal mo pa, Sobrang mahal na mahal mo sya remember?"
Sabi ni Jessy.."Let's not talk about it na.. tapos na yun, nakaraan na.. nga pala need to go na din, Meet ko si Mom in 30mins.."
Sabi ko nalang sa kanila.. tapos tumayio na ako at lumabas ng café..