(KYMN'S POV)
"Pare ano ba yan, mag-syota ka na... Sayang yang mukha mo, ang daming babes diyan oh, gusto mo hanapan ka namin?"--sabi sa akin ni Sky
Andito pala kami sa quadrangle ng school naglalakad papuntang room namin, kasama ko lang naman ang tatlong alipores ko na pinipilit akong mag-girlfriend na..
Eh sa ayaw ko ba, gusto ko kung sino yung mahal ko siya yung magiging first girlfriend ko...Takte! ang drama ko.. haha...
"Hui sagot-sagot din pag may time, Ano hanap ka na namin? Sige pili ka lang, sabay ituro mo sa amin at kami na ang bahala para ilakad ka"--sabi ulit ni Sky
"Wala akong panahon para diyan sa mga kalokohan niyo, kaya isara niyo na yang bunganga niyo para mabawas bawasan naman ang polusyon sa mundo tsk"--seryosong sabi ko sa kanila, ang kukulit kas paulit ulit na lang
"Ang hina pala ng tropa natin Liam, Siguro bakla si...si...K..KYMN!?? Oh no!! End of the world na!! Kaya pala ayaw niyang magka-girlfriend kasi gustl niya ng boyfri--ARAY!!"--sabi ni ugok
Nabatukan ko nga ng wala sa oras, akp BAKLA? Puputi muna ang uwak bago mangyari yun... Wala lang girlfriend, BAKLA agad, pwede bang CHIISY lang ako..tsk...
"Tanga, hindi aki BAKLA.. itulad mo ako sayong mahilig sumubo ng saging"--pang-aasar ko sa kanya. ang hilig kasi niyan sa saging..Pinaglihi ata sa unggoy ito eh..haha..
"Hoy!! Hindk ako Bakla! Saging na prutas ang kinakain ko! gusto mo square tayo para malaman mo kung sinong mas Bakla sa atin!"--inis na sabi ni Sky.. Natawa nalang ako sa kanya
"Tss.. Huwag na, baka hipuan mo lang ako eh"--pang-iinis ko pa sa kanya, Mas lalong nagalit ang loko, kung pwede nga lang umusok yung ilong niya, kanina pa nangyari..haha..
"Gago! sabing hindi nga ako Bakla! square na lang kasi tayo, para maniwala kang di ako bakla!"--inis na sabi niya
"sige na nga"--sabi ko sabay taas ng manggas ng uniform ko at nagready na para sa one on one namin..
"hehe.. joke lang! sineryoso mo naman, pero di ibig sabihin nun bakla ako! pinagbigyan lang kita kasi baka umiyak ka. Sumbong mo pa ako kay tita"--sabi ni loko..tss.. alam ko namang takot lang yan sa akin..
"tsk.."--yan nalang nasabi ko
"oh tapos na kayo magnangayan diyan, nahiya naman kami sa inyo baka kayo magkatuluyan niyan"--singit ni Liam
Tiningnan naming dalawa ni Sky ng masama si Liam.
"Chill mga pre, masyado kayong hot! Nagbibiro lang eh, kayo talaga"--sabi ni Liam habang nakataas yung dalawang kamay niya.. yung parang sumusuko.. Basta yun na yun..
Di nalang namin siya pinansin at nagpatuloy ulit sa paglalakad papuntang room.. Nang biglang magsalita si Philip..
"Alam ko na, kung sino ang unang babaeng makakabangga kay Kymn, siya yung makakatuluyan niya"--Philip
"Oo nga noh! Geh, geh.. Kung sino unang makakabunggo sa kanya yun yung soulmate niya"--pag-sangayon ni Sky
"Pano kung lalaki yung makabunggo sa kanya?"--tanong ni Liam
"Hindi yun kasama, Babae nga lang diba? BABAE!!"--sagot ni Philip kay Liam
Mga baliw talaga tong mga tropa ko, ang lalakas ng trip, Paano ko kaya sila natagalan?? tss..
Malapit na kami sa room nang..
******BLAG!*******
O_o? Biglang natumba ang tatlong ugok at sabay-sabay na nangisay..
Pero joke lang yun..hehe.. May nakabunggo kasi sa aking babae, Ayun bulagta sa sahig, sa macho kong toh? Siyempre lahat ng bubunggo sa akin tatalsik..
Nakayuko lang yung babae at unti-unting inaangat ang ulo niya..
"Pre siya na yung soulmate mo! Siya kasi unang nakabunggo sayo, sana chicks!"--sabi ni Sky
Pagka-angat ng ulo ng babae..
SHIT!!!!!!!!!!
(BEAUTY'S POV)
Time Check: 5:50am
Shit! Malelate na ako sa school, 6:00am yung first class ko.. First day na first day, malelate ako..T^T Baka maturn off sa akin ang mga boys..Ganda ko kaya..haha..
By the way, ako nga pala si Beauty L. Cristobal, pangalan pa lang maganda na! paano pa kaya yung may-ari, hihi.. Pero sabi nila di daw bagay yung pangalan ko sa akin.. Pangit daw kasi ako! Sus alam ko namang inggit lang sila sa akin.. Sabi kaya sa akin ni mama rare daw ang beauty ko di basta-basta.. haha
Oooopss..Mamaya na tayo mag daldalan, papasok na ako..
Dahil sa malapit lang yung school ko, nilakad ko na lang papunta doon, exercise na rin para ma mantain ko ang sexy figure ko..
Habang naglalakad ako..Shit lang, lahat ata ng mga tao napapatingin sa akin.. Ghanun ba talaga ako kaganda para tingnan nila.. Haysh! Thanks God sa blessing mo..
After 123456789 century.. Nakarating na rin ako sa mahal kong school..
Guys, Welcome to Elite Academy!
Pumasok na ako sa napakalaking gate ng school, at naglakad para hanapin ang room ko, habang naglalakad biglang may tumawag sa akin..
"Beauty ko!!"
Oh My Gosh! 'Beauty ko' raw, enebeyen inaangkin na akilo, hindi pa nga niya ako nililigawan eh..hihi..
Unti-unti akong lumingon dun sa tumawag sa akin.. Pagkakita ko sa lalaku.. Shocks! Ang Pogi!! KYAAAAAHHHH!!!!
" Ah..eh..hehe..ene yen? Baket me ke tenata---
Huh? Ano yun, kala ko tinatawag niya ako, bakit niya aki nilagpasan?
Lumingon ako sa likod ko, Shit may kasama na siyang babae, TAKSIL!! Bwisit!!
"Beauty ko, tara na hatid na kita sa room mo"--sabi ni kuya dun sa babae... ahh.. Siya pala yung tinatawag.. Pahiya tuloy ako.. hehe.. Pero okay lang MAGANDA naman ako diba? diba? Oo ka na lang..
Pagkatingin ko sa paligid, Shit pinagtitinginan aki with matching tawa at bulong bulungan pa...
"Haha... Assumera ni ate, Beauty naman yung tinawag, bakit kaya siya tumingin? Ang pangiy kaya niya haha.."
"Feeler ni ate, Pangit nanan haha.. buti nga napahiya siya"
"Epic fail, Yan ang napapla ng mga Pangit na nagmamaganda haha.."
Shit, pinag-uusapan na nila ako, tsaka ano daw PANGIT, Sino? Ako? Ako Pangit? Sus utot nila blue.. Inggit lang sila sa ganda ko kaya sila nagsasabing pangit ako..
Tumakbo nalang ako ng nakayuko para di nila ako makilala, Kahiya naman kasi yung ginawa ko kanina..
Habang tumatakbo biglang..
*******BOOOOGGSSHH!!*****
Aruy ko po! Grabe ang sakit ng puwet ko, Panu naman kasi ang laki ng nabunggo ko, yan tuloy natumba ako..
Unti-unti kong inangat ang ulo ko, pagkakita ko sa nakabunggo sa akin..
DUG* DUG* DUG* DUG* DUG*
DUG* DUG* DUG* DUG* DUG*
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++FREEEEZZZZEE!!+++++++++++
AUTHORS NOTE:
Done with first chapter.. Ano kaya ang mangyahari sa ating bida.. magiging kasing ganda ba ng pangalan niya o magiging kasing pangit ng pagmujkha niya..?? hehe
Vote and Comment guys!
CHIBBI CHIPPI!!