Chapter 17: Face-off

564 21 0
                                    

Riley's Point of View

Aish. Ayokong pumasok sa room. Ayokong pumunta doon. Ayokong makita yung letseng siraulong yun.

"Oh mukhang banas na banas ka ata ah" hindi na ako nagugulat sa presensiya niya. Lagi naman siyang nasulpot.

"Pagsabihan mo nga yang kapatid mo. Malapit ko na talaga siyang mapatay" nanggigigil kong sabi. Narinig ko lang ang pagtawa niya.

"Wag mo namang patayin. Magbabati pa kami nun" natigilan naman ako nung makita ko yung mapait niyang pagngiti.

Kung hindi ba naman kasi siraulo yung kapatid niya.

Aish. I'm not really good in comforting someone. I can sense his sadness. This guy really loves his younger brother.

"Magbabati rin kayo nun" yun na lang isinaad ko at nginitian na lang niya ako.

"Sana nga-------- putangina ano yun!?" sabay kaming napatayo nang biglang may tumamang dagger sa pagitan naming dalawa. Mabuti na lang at walang natamaan samin.

"Who the hell did this?" tanong ko at kinuha yung dagger na nakatarak sa upuan.

"T-teka parang kilala ko kung kanino yan ah" sabi niya at kinuha sa akin yung dagger. Seems familiar to me. Para bang nakita ko na sa kung saan yung dagger na yun. Kulay black ito with a touch of gold sa mga gilid nito.

"Dark Emperors" pagkasabing-pagkasabi niya nun ay bigla kong naalala yung araw na naganap yung Battle For The Rank. Tama. Ganito nga yung dagger na hawak nila.

Fvck.

Naiyukom ko na lang ang kamao ko.

"Ano namang pumasok sa isipan nila at ginawa nila to?" inis kong saad. Hindi kaya si Blyte ang may gawa nito?

"Baka ako ang dahilan. Matagal ng may galit sa akin si Bly------" napatigil siya sa pagsasalita nang may maramdaman kaming kung anong tumakbo sa may likuran namin. Tangina. Kung sino man to baka mapatay ko to.

Nilagay naman ako ni Kian sa likod niya.

"Alam ko ang presensiya ng Dark Emperors at sigurado akong kakaiba to" napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. What does he mean?

"What?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Sigurado akong hindi Dark Emperor ang isang to"

"Pero yung dagger"

"Yun ang kailangan nating alamin Riley. Sa ngayon kailangan na nating umalis dito" hinawakan niya yung kamay ko.

"Malilintikan talaga ako sa Kuya mo kapag nalaman niyang nasugatan ka"

Sabay kaming tumakbo papalayo sa garden pero bago kami tuluyang makaalis, naaninag ng mata ko yung isang imahe ng lalaki na nakamasid sa amin. Hindi ko na nakita ang itsura nito dahil malayo na ito sa amin.

Who the hell are you?

Halos hingal kaming tumigil sa pagtakbo nang makarating kami sa may hallway. Marami ng estudyante dito at malamang hindi yun susunod dito. Pero sino siya? Anong kailangan niya? Alam kong ako yung pakay niya pero bakit? Anong dahilan?

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Kian at tumango naman ako.

"I'm fine" sagot ko at napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Ilang sandali lang ang nakalipas nang biglang may humila sa akin.

"I told you na hindi ka aalis ng hindi ako kasama diba!? At sinabi ko ring wag kang lalapit sa lalaking yan!" pakiramdam ko nandilim yung paningin ko dahil sa sinabi niya kaya naman hinugot ko pabalik yung kamay ko.

"Wala kang karapatang utusan ako freak" madiin kong sabi sa kanya.

"I am the Head Master here" ngumisi naman ako.

"I told you, you'll never gain respect from me so don't assume that i will follow you" nakita ko ang pagyukom ng kamao niya.

"Wag mo kong sasagarin freak. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" malamig at seryosong sabi niya.

"Try me. Hindi mo pa ako kilala" mapanhamong saad ko. Wala akong pake kung siya man ang Head Master dito. Nung una pa lang naman wala na akong pake sa mga rankings dito.

"Riley tingin ko-----------" hindi natapos ni Kian yung sasabihin niya dahil bigla na lang siyang bumagsak sa sahig.

"Fvck you! Ano bang problema mo!?" sa inis ko ay naitulak ko na si Blyte at tinulungan kong makatayo si Kian. Halos pumutok ang labi nito dahil sa lakas ng impact ng pagkasuntok ni Blyte.

"Pinatay niya si Wendy! Siya ang problema ko!"

"Hindi ko siya pinatay Blyte. Kailanman hindi ko ginusto yung nangyari sa kanya. Kahit anong gawin ko hindi kita mapilit na paniwalaan ako. Lumipas ang dalawang taon na yun ang dahilan na nakatatak sa isipan mo kaya hindi mo ako magawang mapatawad pero aksidente ang lahat. Sinong tangang gustong patayin yung babaeng mahal niya?" nakita ko na natigilan si Blyte sa sinabi ni Kian. Dahil hindi ko na kaya, kaya naman sumabat na ako sa usapan.

"Tangina ka rin no Blyte? Alin ba sa salitang aksidente ang hindi mo maintindihan? Hindi ko alam na tanga ka pala mag-isip. Nagagalit ka kasi hindi ikaw yung nagustuhan ni Wendy? Nagagalit ka kasi kapatid mo yung nagustuhan niya? Damn it freak! Anong magagawa mo kung sila yung nagmamahalan? Hindi mo naman pwedeng pilitin yung tao na gustuhin ka! Hindi lahat ng bagay o gusto mo sa mundong ito ay makukuha mo!" ghad. Mukhang ito na ata ang pinakamahabang nailitanya ko sa buhay ko. Thanks to this freak.

"Shut up freak" malamig at may halong pagbabantang sabi nito. Humarap na ulit ako kay Kian.

"Kian tara na----------" pinutol ni Kian yung sasabihin ko.

"Dalawang taon Blyte! Dalawang taon kong sinisisi yung sarili ko kung bakit tayo naging ganito ngayon! Pakiramdam ko lahat na lang ginawa ko ay mali! Umalis ako sa bahay, namuhay ako mag-isa, lumayo ako sayo gaya ng gusto mo, iniwasan kita. Ano pa bang gusto mo Blyte? Gusto mo ba akong patayin? Sabihin mo lang at hahayaan kitang bawian ako ng buhay kung yan ang daan para mapatawad mo ko" may tumulong luha mula sa mata ni Kian. Ramdam na ramdam ko yung hinanakit niya ngayon.

I really pity him. Sadyang makitid lang kasi ang utak ni Blyte kaya hindi siya nito maintindihan. Pasalamat pa nga si Blyte at malawak ang pag-iisip ni Kian.

"Tara na Kian. Umalis na tayo dito" this time ay tumalikod na kami.

"Freak don't go" bahagya akong napatigil sa paglalakad dahil narinig ko yung boses niya. Tangina bakit lagi ba akong napapatigil everytime na maririnig ko yung boses niya?

Humakbang ko pero muli na naman akong napatigil.

"I said don't go. Come with me"

Hindi ko alam pero may kumalabog sa dibdib ko. What the heck was that?

"Please"

Bakit parang may pumipigil sa akin sa pag-alis? Bakit parang may parte ng katawan kong sinasabing pumunta ako sa kanya? Pero hindi, sumosobra na ng isang to.

Humarap naman ako sa kanya at bumuntong hininga.

"I won't unless hindi ka na magpapakatanga sa katotohanan freak. Hindi ako sasama sa isang taong may makitid na utak gaya mo"

The Demonic Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon