KABANATA V

8 0 0
                                    

KABANATA V

TUMIGIL ako sa kakalakad papuntang bahay dahil sa sigaw ni Aling Lorna. Rinig ko kahit malayo pa ako sa bahay nila.

"Ayan. Puro na lang siya sumisigaw. Wala na atang kayang gawin kundi sumigaw." wika ng isa sa kapitbahay namin. Nag-alala ako dahil hindi naman lageng sumisigaw si Aling Lorna.

"Bakit?! Ni hindi ka pa umabot sa kinse! Buntis ka na?!" nabingi ata ako sa aking narinig. Napako ako sa aking kinatatayuan.

"Mama, sorry po. Sorry - - aray! Maawa po kayo!" madiin ang pagkakasara ko sa aking mga mata.

"Tinapos mo pa sana ang high school! Juskong bata ka!" tinuloy ko na ang paglalakad. Mainit na dahil mag-aalas syete na ng umaga. Pero ito ang nalaman ko umaga pa lang.

"Nak! Kumain ka na at - -" nakatitig si nanay na parang may nakita siyang dalawang ulo sa akin. Napabuntong hininga ako.

"Sumama ang pakiramdam ko nay. Dumito na lang ako sa bahay. Hindi ko na rin tinuloy ang paglalaba sa ilog." sabi ko. Hindi siya tumugon. Nakatingin lang sa akin. Lumakad na ako sa aming bakuran at nilagay sa labas ng kusina ang planggana. Kanina, okay pa naman ako. Pero nang marinig ko ang tinig ni Aling Lorna, nabahala ako.

Una, wala akong karapatang sumbatan iyong bata. O kahit sino man ang narito. Mas tatanggapin ko pa ang maging matandang dalaga kaysa maghirap ako. Iyon ang tumatak sa aking isipan mula noong wala na kaming makain nila nanay at tatay. Ayaw kong matulad ang mga anak ko kung sakali man sa buhay kong ito.

Mahirap ang buhay. Lalo na't habang tumatagal ang panahon mas lalong nagmamahalan ang mga kagamitan at pagkain. Kailangan kong umalis dito. Pero paano? Wala akong alam sa ibang bayan. Sa ibang lugar pa kaya na malayo pa sa aking tirahan? Natatakot ako sa kung ano man ang mangyayari kapag tumapak ako sa ibang lugar. Magkakaroon ako ng bagong pagsisikapan sa aking sarili pero baka iyon pa ang ikapapahamak ng buhay ko.

Lumapit ako sa aking aparador na gawa ni tatay. Binuksan ko iyon at hinanap ang nakatago kong kahon na nandoon ang mga importanteng papeles. Napabuntong hininga ako sa aking pera na konti pa lang. Paano ako makakapag-aral sa ganitong pera? Konti lang ang kita rito pero libre ang bigas. Kung tutuosin, maswerte kami sa pamilyang Valcorza dahil may sapat silang bigas para sa amin dito.

Kailan lang ay bumalik dito si Baste. Sabi niya hahanap siya ng Unibersidad kung saan walang pangmatrikula. Iyon ang inaasahan ko sa kanya. Sana naman may mahanap siya bago makauwi rito sa bayan.

"Anak..." narinig ko si nanay kaya dali-dali kong tinago ang pera at kahon.

"Ano ho iyon, nay?" lumabas ako sa kwarto at hinarap si nanay. May dala siyang ulam.

"Kumain ka na. Mamaya ay dadalo tayo sa bahay nila Gorio. Kaarawan niya ngayon. Kung hindi mo kaya okay lang sa akin." aniya. Kumuha ako ng pinggan at kubyertos. Wala si tatay dahil minamadali ang pag-aani ng palayan.

"Anak, nitong nakaraang araw nagtatanong sa akin si Baliling. Bakit niya ako tinanong na may gusto ka kay Senyorito John?" natigilan ako sa pagsubo ng kanin. Tumingin si nanay sa akin. Tinitimbang kung may mahahanap ba siyang sagot.

"Nay, wala po. Amo po natin siya at hindi po puwede iyan. Ano ho ba ako kumpara sa kanila, nay? Kaya huwag ka ng mag-alala. Nakausap ko na rin si Aling Baliling diyan." sabi ko. Hindi pa rin kumbinsedo si nanay. Tahimik na siya at kumain.

"Nakita kita kanina. Sumakay ka pa nga ng kabayo niya. Anak..." aniya. Nabigla ako dahil nakita ako ni nanay kanina. Napayuko ako.

"Aksidente po iyon nay. Napunta po siya sa ilog at - -"

"Kaya ka umuwi at hindi na tinuloy ang paglalaba? Ganun ba iyon?" masama ang bumuntong hininga sa harap ng pagkain kaya pinigilan ko.

"Nay, iniiwasan ko ho siya. Dahil ikakapanganib ko iyon. Sa atin. Kaya hangga't maaga pa nay, lalayo ako." sabi ko. Hinarap ko siya. Tumitig siya sa akin. Naluha siya. Agad ko namang pinahiran iyon gamit ang aking maliit na kamay.

"Nak, mukhang tipo ka ng Senyorito. Sana naman pag-isipan mo iyan. Oo mahirap tayo. Walang pinag-aralan pero alam kong matalino ka anak. Matalino ka. Ikaw lang naman ang nag-iisang dalaga rito sa ating lugar. Ang iba buntis na. Ang iba may nobyo na. Sana naman huwag kang magaya sa kanila anak. Iyon ang lage kong dinarasal araw-araw." napangiti ako kay nanay.

"Nay, ibibigay niya sa atin ang lahat. Basta ba'y manalig tayo sa kanya. Huwag tayong sumuko." sabi ko. Ngumiti siya lalo.

"Ang tibay mo anak. Sobra." aniya
Tinuloy namin ang kumain ng almusal. Mamaya hindi muna ako sasama kay nanay. Bahala na.

"Nak, anong oras na? Wala pa ang tatay mo." nag-alalang wika ni nanay. Nasa mesa ako at nilantakan ang dala niyang pagkain galing kina Manong Gorio.

"Sige anak. Pupuntahan ko na lang siya - -"

"Samahan na kita nay. Baka mapano ka." sabi ko sa kanya. Tumango siya. Nagbihis ako ng damit. Saka umalis kami ni nanay.

"No sir. Yes it can be." bigla ay bumagal ang paglalakad ko pero hindi ako lumalayo kay nanay. Narinig ko lang ang boses niya kinakabahan ako.

"Renato! Anong nangyari sa iyo? Naku, lasing na lasing ka na." alalang - alala si nanay. Tumawa ang mga taong kasamahan din ni tatay. Bumuntong hininga ako dahil wala pa ring pinagbago iyong kaarawan ni Manong Gorio ngunit natigilan ako nang makita ko si Senyorito John na nakatingin sa akin.

"Magandang gabi ho." magalang na bati ni Senyorito John at kay nanay siya tumingin. Kung gayun, si nanay ang sinabihan niya.

"Sinama pa si Senyorito John. Naku, lasing na kayo at uuwi na kami. Salamat sa inyong lahat!" sabi ni nanay.

"Magandang gabi sa iyo, Bella." natigilan ako at pati si nanay sa sinabi ni Christian. Isa siyang batang trabahador na kasing edad ko lang. Ngumiti ako sa kanya.

"Sa iyo rin." magalang kong bati.

"Halika na, Bella. Tulungan mo ako - -"

"Ako na po, Aling Van." tumayo si Christian at agad na lumapit sa amin ni nanay. Namangha ako sa kanya. Ilang segundo hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Senyorito John.

"I'll help you too, Tita Van. I can use my car." aniya. Napatingin ako sa mga taong kaharap. Si nanay ay kumunot ang nuo. Natigilan si Crhistian at tiningnan din si Senyorito John.

"Huwag na Senyorito. Magpahinga ka na rin. Si Christian na lang. Total malapit lang ang bahay. Sige na hijo," nakatitig sa akin si Senyorito John. Mukhang ayaw niyabg tanggapin na tinanggihan siya ni nanay.

"Okay. Good night." aniya. Tumango ako at muling kinausap si Christian. Akay-akay niya si tatay habang si nanay naman ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi kanina ni Senyorito John.

Ako rin naman. Hindi ko inakalang ganoon pala siya ka bait. Muli ay bumalik na naman iyong nararamdaman ko na tinitigilan kong mabuhay sa kalooban ko. Gayung alam kong hindi na ako makakaahon pa. Pero sapat na nga ba na ganito na talaga ang takbo ng buhay? O may darating pang biyaya?

"Salamat, Christian. Mag-iingat ka pauwi," walang ka emosyon ang mukha ni nanay. Tumango si Christian at sumulyap sa akin bago umalis papalayo sa bahay.

Hindi na ako nagulat nang humarap sa akin si nanay. Maraming nakapintang mga emosyon sa kanyang mga mata. Noon, mababasa ko siya pero ngayon, malabo.

"Anak, iisipin kong kabaitan lamang ang lahat ng iyon. Hindi kailanman nababagay ang kagaya natin sa kanila. Alam mo iyan di ba?" kahit nasasaktan ay tumango ako at ngumiti kay nanay. Binigyan ko siya ng ngiti para kahit iyon man lang alam niyang wala akong pakialam sa mga mayayamang tao.

"Naintindihan ko na iyon, nay. Huwag po kayong mag-alala." wika ko saka ko siya niyakap.

Itutuloy...

AIRYL04

All of the WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon