KABANATA VIII
MADILIM pa pero nakatingin ako sa paligid ng lugar. Siguradong malulungkot ako sa pagkaulila sa lugar na ito."Don't worry too much, Prasbella. After every semester you can come back here. I will give you allowance and extra money. Just focus on your studies. I am sure your parents will be proud of you. So don't worry too much." napatingin ako kay Senyorito John. Napaisip na naman.
"Puwede po bang huwag na lamang po sa Manila, Senyorito? Puwede po bang sa Bukidnon na lang po? Para po malapit lang." sabi ko sa kanya. Natigilan ito. Bakit ngayon ko lang kasi sinabi? Iyon kasi ang isa sa sinabi sa akin ni Baste. Puwede sa Bukidnon dahil mas iwas sa gastos.
"If that's what you want. You can." aniya. Hindi na kami tumuloy sa airport. Dumeritso si Senyorito John sa Bukidnon.
Napakaseryoso niya habang nagdadrive. Ilang taon na kaya siya? Nakalimutan ko na dahil ilang taon din siya bago bumalik sa villa. Napatanto kong ganyan na talaga siya. Siguradong may nobya na siya. Sa guwapo niyang niyan wala pa? Asa. Meron na iyan. Kaliwa't kanan pa ata e.
"Let's eat first. We can stay for awhile here." hindi ko alam itong lugar. Nagulat ako dahil sa isang karenderya kami. Kumakain pala siya sa mga ganito?
"Ano po ang order niyo?" tanong noong Ali. Napatingin ako sa mga ulam.
"What do you want?" tanong aa akin ni Senyorito John. Tinuro ko iyong pakbet.
"Isang kanin ang akin, Senyorito John." sabi ko sa kanya. Tumango siya.
Tutulungan ko na sana siya pero napaatras ako sa sinabi niya.
"Go and sit. I can handle this." aniya. Hindi ako sanay na ganito si Senyorito John. Noon, halos liparin ko ang aking paglalakad para lang makawala o maiwasan ko siya. Pero ngayon, siya pa ang tumulong sa akin.
"Here. Let's eat." nabigla ako nang nagdasal siya bago nilantakan ang pagkain.
"I ordered another food. I am sure you were too shy to point out what meal do you want." aniya. Kumuha siya ng pakbet at kumain na rin. Napangiti ako. Hindi pala siya maarte. Mabait pa.
"Nakakahiya po talaga, Senyorito John." sabi ko pa sa kanya. Tiningnan niya ako.
"Call me Aldrean. Tawagin mo ako ng ganoon kapag wala tayo sa Davao." aniya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Parang mas lalo kong nagustuhan ang pangalan niya.
"Aldrean... Ang ganda ng pangalan po." sabi ko. Hindi ko alam pero nabilaukan siya at agad na uminom ng tubig.
"Damn. Don't call me that in an instant!" sabi niya na parang galit. May nasabi ba akong mali? Sinabi naman niyang iyon ang pangalang babanggitin ko kapag wala kami sa Davao.
"Patawad po," paumanhin ko sa kanya. Tiningnan niya ako. Ang malalim na mga mata ay nakatingin sa akin at para bang nangungusap ito.
"Call me Aldrean but not when I am eating or drinking, Prasbella. Don't kill me yet." aniya. Pero hindi ko na narinig iyong huli. Natatawa ako sa kanya. Ayaw kong umasa pero baka nga iba na talaga ito. Kumain na lamang ako at sinabayan na si Senyorito John.
NAHINTO ang sasakyan sa tapat ng simpleng bahay. Akala ko ito na iyong bahay na uupahan ko pero wala namang nakatira rito. Medyo madumi ang sahig. Maraming alikabok.
"Is it okay to you? This house will be your place. Kay Mama itong bahay noong dalaga pa siya. Wala nang nakatira at ihahabilin ko na lang sa'yo. I'm sorry if I can't join you to clean it. I'll call someone who can help you here. I already talk to the University. You can go in there after cleaning this house." humarap ako sa kanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.
"I'll visit you every weekend, Prasbella. Take care of yourself." nabigla ako nang lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako nang umiwas ako. Nagulat siya sa ginawa ko. Mas lalo na ako dahil hahalikan niya dapat ang mukha ko!
"I'm sorry. I'll just go." aniya. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Ano iyon?
SI ALING Marta ang tumulong sa akin sa paglilinis ng bahay. Kaonti na lang at maayusan ko na talaga ang bahay.
"Ilang taon ka na ba hija?" tanong sa akin ni Aling Marta. Ngumiti ako sa kanya.
"Labing-siyam." sagot ko sa kanya. Kumunot ang kanyang nuo.
"Nobya ka ba ni Sir John? Ngayon ko lang kasi nakitang kasama siyang babae. Mag-aaral ka pa lang ng kolehiyo?" aniya. Napabuntong hininga ako at kahit nabigla sa kanyang sinasabi ay kalmado pa rin ako.
"Hindi po. Amo ko po siya. Gaya niyo. Siya po ang tumulong sa akin na mag-aral." tugon ko. Tumango siya at ngumiti.
"Ang bait talaga ng batang iyon! Naku, ang sakit sa ulo ng mga kapatid niya, hija. Sus! Kung makilala mo sila tiyak na mas lalo kang hahanga sa kanilang lahi. Sige na. Magpapahinga ka na. Bukas aalis ka di ba?" wika niya. Binigyan ko siya ng pagkain at saka ako ngumiti.
"Salamat po talaga sa tulong, Aling Marta. Ito na po. Para po sa inyo iyan." natuwa siya sa binigay kong pagkain.
"Maraming salamat hija! Sige na at ako ay dadayo na. Mag-iingat ka rito. Kung gusto mo ng kasama isang tawag mo lang sa akin." ngumiti ako sa kanya. Nasa ikatatlong bahay ang sa kanila. Madami namang nakatira rito pero sobrang tahimik pa rin.
Nagbihis ako ng damit at pangbaba. Aalis ako at pupunta sa University. Iyon ang sabi sa akin ni Senyorito John. Malaki ang tulong na ginawa niya. Malapit lang kasi ang paaralan. Lalakarin ko lang ito at makakaabot ako ng labing-limang minuto. Malaki pala ang paaralan na papasukan ko. Naproseso na pala lahat ni Senyorito John kaya ang kakailangan ko lang gawin ay kunin ang COR ko. Pagkatapos ay dadaanan ko nalang ang mga silid na pupuntahan ko araw-araw para hindi na ako maligaw.
Maraming mga estudyante. Mas bata pa sa akin. Siguro bagong taon sila. Sana may maging kaibigan ako rito. Para naman hindi ako mabagot kakaaral dito.
Napabuntong hininga dahil tapos na ako. Plano ko sanang magpahinga pero kakailangan kong bumili ng pagkain ko. Binigyan na rin ako ni Senyorito John ng lalagyan ng mga pagkain, tawag doon ay refrigerator. Anga ganda dahil hindi madaling mabulok ang pagkain tapos maginaw. Sana makabili ako ng ganoon kila Nanay at Tatay.
Miss ko na sila. Napabuntong hininga ako at kumilos na. Maranung ako sa lahat ng bagay. Pero kahit ganoon, nakakalungkot isipin na umalis ako sa bahay na hindi man lang kami nagkaayos ng magulang ko. Sisikapin ko talaga ang pag-aaral dahl ito ang rason kung bakit kami nagtalo ng magulang ko at umalis sa bahay.
Itutuloy...
AIRYL04