Chapter 4
"Po?" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ng General Manager ng Diner.
"Sabi ko sesante ka na." aniya na parang wala lang sa kanya habang nagsco-scroll lang siya sa facebook.
Mas lalong nanlaki ang mata ko sa pag kumperma niya sa sinabi niya.
"Ma'am Ding bakit naman po? At saka kailangan ko po ng trabaho lalo na ngay—"
"Aba parang hindi naman tama na umabsent ka ng isang linggo na sa text lang ang pasabi tapos babalik ka rito? Hindi eto opisina na pwede lang mag in-in-out. Ano yung vaction leave? Sick leave? Aba kailangan dito ng tao, Anna!
At saka nakahanap na kami ng nagpalit sa iyo sa loob ng isang linggo. Heto ang huli mong sahod."
Inabot sa akin ni Ma'am Ding ang sobre at tuluyan na siyang pumasok ng Diner. Nasa labas lang ako ng diner at hindi makapaniwala. Kahit bawal pa akong idischarge ay lumabas na ako ng hospital dahil magi-isang linggo na akong absent dahil sa panganganak ko pero kung sinuswerte ka pa naman.
Kung saan kailangan ko ng pera para sa gamot ni Winter ay saka pa ako nawalan ng trabaho.
Tinignan ko ang loob ng sobre at nakita ko ang limang libo na pera at tuluyan na nga akong napaupo sa gutter ng parking lot ng Diner. Saan ako maghahanap ng trabaho ngayon?
Malaki rin ang binayad ko sa hospital sa panganganak at idagdag mo na rin na kaliwa't kanan ang maintenance ni Winter sa mga gamot niya. Papaubos na rin ang itinabi kong pera sa mga bayarin sa hospital.
Tuluyan na lang ako napaiyak sa gilid.
Bakit ba hindi matapos tapos ang problema ko sa buhay. Hindi pa nga natatapos ang isa kong problema ay sasapawan na kaagad ng isa pang problema.
Mapa-Melody man ako o Anna ay hindi matapos tapos ang kamalasan ko. Gaano ba ako kasakim sa past life ko para maparusahan ng ganito?
Tuluyan na lang ako napahikbi.
Sana naman kung malakas ako ay sana ako na lang ang parusahan. Huwag lang ang anak ko dahil wala naman siyang kinalaman.
"Anna?" may narinig akong familiar na boses at agad akong napaangat ng tingin para tignan iyon kung sino.
"Claire!" wala sa sarili ay napatayo ako at napapunas sa mga luha na dumaloy sa mukha ko.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Wala ka bang pasok sa diner?"
Napabuntong hininga na lang ako at napaiwas ng tingin.
"Wala na akong trabaho sa Diner. Nagkaroon ako ng emergency last week at ngayon lang ako nakabalik. Pagbalik ko ay nakahanap na sila ng pumalit sa akin."
"That's why there's a new crew na nagseserve. I don't like her, napaka-attitude." Nakita ko ang panlulumo at awa sa mga mata ni Claire. "So... how about applying to our company? Like what I have offered to you last time?
Saktong naghahanap ng secretary ang Boss namin from the headquarter mismo and I think you deserve that position more than anyone else, Anna. If you'll pass ay sa siyudad ka na mismo magtatrabaho. Mas malaki rin sahod dun."
May kinuha siya ulit sa bulsa niya at naglalahad ng calling card ni Claire. "I assure you, Anna, this company is so worth it."
Tinanggap ko ang calling card at nakita ko ang Nonentity Corporation. "I can see you are a good person, Anna, so I have no doubts to be your referral person para lang makapasok sa kompanya."
Nginitian niya ako at hindi ko maiwasan na mapatingin ulit sa calling card. Wala namang masama magtry diba?
--
"Sa siyudad? Luluwas ka? Papaano si Winter?" nakita ko na nanlaki ang mata ni Jonas sa akin pero hindi ko lang siya pinansin sa halip ay tinignan ko lang si Winter sa loob ng incubator.
Payapa siyang natutulog. Pero kaliwa't kanan din ang dextrose sa mga braso niya. Medyo yellowish din siya at maliit na para bang dinudurog ang puso ko na makita siya.
"Hindi pa nga ako nakakapag-apply eh. Hindi ko pa alam kung matatanggap ako."
"Anna..."
Tinikom ko ang bibig ko dahil isa pang galaw ay malamang ay tutulo na ang luha mula sa mga mata ko.
"Hindi ako naki-alam sa buhay mo simula ng magkakilala tayo. Tinulungan kita noong humingi ka ng tulong na gumawa ng bagong pagka-kilanlan. Hindi ako nagtanong kahit alam ko na buntis ka. Dahil alam ko kung bakit pinili mong umalis ng siyudad.
Alam kong galing ka sa siyudad. Alam kong may tinatakasan ka. Alam ko rin na natatakot ka. Kaya nakikiusap ako sa iyo, Anna. Huwag mong pilitin ang sarili mo sa mga bagay na tiyak na pagsisisihan mo.
Andito naman ako, tutulungan ko kayo ni Winter. Hindi ko kayo pababayaan."
At tuluyan na ngang pumatak ang luha ko sa sinabi ni Jonas.
Hindi ko mapigilang mapalingon sa kanya at mahigpit siyang niyakap at patuloy lang na dumaloy ang luha ko. "Salamat. Thank you. Kung dahil sa'yo malamang sa impyerno ako pupulutin. Utang ko sa iyo ang buhay ko at buhay ni Winter, Jonas.
Yet, I am asking you a request, Jonas. Let's go sa siyudad. Samahan mo ako. I know it's selfish but I am asking you to help me again for the nth time. Please. I'll help you na makapasok din sa isang company ."
Inabot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. so assuring. I feel like I am melting.
"Hindi mo na kailangan sabihin, Anna. Kaibigan kita at gusto kitang alalayan. Simula nang sumakay ka ng taxi ko ilang buwan na ang nakakalipas ay naging konektado na tayo. Malamang siguro ay magkapatid tayo sa past life natin."
Hindi ko mapigilang mapatawa sa kahibangan ni Jonas sa pagbukambibig sa past life niya.
Tumango ako sa kanya at napahikbi.
Mahigpit niya pa akong niyakap at tuluyan na nga akong napapikit dahil napaka komportable.
So assuring.
Chapter 4 Epilogue
At Chimera Dine:
"Hindi ba nasagi sa isip mo kung bakit pinapatay ko ang tubig sa banyo mo tuwing umaga?" tanong niya sa akin ng tuluyan tumahimik ang usapan namin.
Kumakain ako ng steak habang siya naman ay pinabalik niya ang steak niya dahil gusto niya ng well done. Nagulat nga siya ng pag-slice niya ng karne ay dumudugo pa.
Napaisip ako sa tanong niya at napatango. "Para mang-asar?"
Narinig ko ang tawa niya at inilingan ako. "nope!"
Kunyare nagulat ako at napasinghap. Napatakip ako ng bibig ko at tinaasan siya ng kilay. "bukod sa pang-aasar mo sa akin sa umaga ay wala na akong ibang ma-isip na dahilan para patayin mo ang tubig sa banyo ko."
Nginitian niya lang ako at iniabot ang baso ng juice. "Para malaman ko kung buhay ka pa ba, baka makulong ako kung nagkataon."
Bulong niya at sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. The way he said it seems like a joke but I know he's sincere and he mean it.
Dahil nga nakalock at may kanya kanya kaming kwarto ay kung ano ang pwedeng mangyari sa loob ng kwarto namin ay hindi talaga malalaman ng isa.
"Bwesit ka!" tinapon ko ang panyo ko sa kanya at tuluyan na lang kami nagkatawanan.
"I mean it." He whispered at hindi ko na lang iyon pinansin.
BINABASA MO ANG
The Fore-Player (Nerd's Bedmate Book 2) COMPLETED
RomanceShe left everything. Melody left everything and she's pregnant. Started a new life with a new identity. Alone. And as she started her new life-- she met Luke-- Nicollo? And her life started to fall apart once again. -- This COMPLETE and you may read...