Chapter 29: Emotion II

21 1 0
                                    

Ceddy's Pov

Unang kita ko palang sa tomboy na yun ay nahuli na ako. Nahulog sa patibong na ngiti niya, Nadapa dahil sa simpleng gandang taglay niya. Pinigilan ko ang pag-ibig ko sakanya. Alam ko masama ako. Isa akong sakim na tao dahil gusto ko saakin lang siya. Hindi ko alam kung bakit, ano ang dahilan talaga ng pagka-inlove ko sa babaeng tomboy na yan.

Hindi ako susuko sakanya, Dahil alam kong balang araw mapapasaakin siya at mamahalin niya ako. Alam ko napakasama ko dahil nagawa ko siyang saktan ang damdamin ng babaeng minamahal ko. Wala akong pakialam basta ang alam ko mahal ko siya at hindi iyon magbabago.

Juno's Pov

Isa lang ang hiling ko, Ang hiling ko na makasama siya sa pagharap sa altar. Alam kong iniisip niyong baliw na ako dahil bukod sa isang college student lang ay nasa kasal na ang isip ko. Ganyan talaga siguro ang nagagawa ng Pag-ibig. Wala na akong mahihiling pa kapag napasaakin na siya dahil siya ang pangarap na gusto kong abutin at ang bituin sa langit na matagal ko nang gustong sungkitin.

Ayaw ko siyang nakikitang may kasamang iba dahil akin lang siya. Alam ko napakaseloso ko at alam ko naman na bestfriend lang ako. Pero hindi ako papayag na makuha siya ng iba.

Kim's Pov

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang mag-hirap ng ganito. Nalilito ako sa halo-halong emosyon sa puso ko. Alam ko kasalanan ang magsinungaling, Hindi ko na kaya magsinungaling. Si Sehun ang playboy, ang bully, ang anak ng president ng may-ari ng school. Pero habang tumatagal nagbabago siya, Pinilit niyang magbago para saakin at para sa mga taong nakapaligid sakanya. Unti-unti na akong nahulog sakanya nang hindi ko namamalayan.

Sehun, Nahuhulog na ako sayo, sana wag kang mahuli sa pagsalo. Dahil ayaw kong mabigo.

A/N: Hi! I'm back guys! Happy 157 reads! Oh my freaking gosh, I'm not expecting this na umabot sa 150 reads. Okay okay kalma muna author. Hehe ^_^Y Sarreh guys! Grabe lang kasi eh. Thank you ulit readers! Alam ko hindi ako magaling magsulat at puro kawaleyan nasa isip ko but guys mas pagbubutihan ko pa Aja! Fighting! Hwaiting! Kyaaaaaa! Kamsa hamnidaThank you! I love you guys to the moon and back! Kisses and hugs! ^^ -adtheauthor

Mr.Playboy meet That's my tomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon