Kabanata 1

74 5 1
                                    

Kabanata 1: Paalam Carmela 

Anthony's Point of view

"Anthony! psst!...hoy Anthony!" mahinang boses na tawag sa akin ni carmela mula sa itaas ng punong mangga

sandali ko lamang syang tinitigan tsaka na ako dahan dahang tumalikod para umalis na ngunit muli nanaman nya akong tinawag 

"Anthony naman! hoy anthony!" ngayo'y halos pabulong na lamang nyang sabi

napa buntong hininga ako bago ako muling humarap sakanya "Ano bang ginagawa mo dyan?" sita ko sakanya dahil kababae nyang tao nasa itaas sya ng puno 

"dito? ahhh ehh ahh..ano kasi...gusto lang kitang makita at maka usap" nakangiti nyang sambit ngunit sa kabila ng ngiti nyang iyon ay hindi ko man lang magawang masuklian at tanging titig lamang ang nagagawa ko 

"Bumaba kana riyan at umuwi kana" utos ko sakanya 

"ha? ehh...Anthony, ayaw mo na ba akong makausap?" naka nguso nya pang tanong 

"hindi mo magugustuhan kapag naabutan ka ni mama dito...tiyak pagagalitan ako nun at magagalit rin sya sayo" pagbabanta ko pa ngunit nginitian nya lamang ako 

muli nanaman akong napa buntong hininga "bakit ba kasi sobrang kulit mo carmela!? hindi ka ba natatakot kay mama?" kunot noo kong tanong 

umiling sya at muli nanamang ngumiti "Hindi. bakit naman ako matatakot kay aling bing? wala naman akong ginagawang masama" pangangatwiran pa nya 

bing ang palayaw ni mama at victoria naman ang totoo nyang pangalan. Jose lito naman ang pangalan ni papa pero matagal na syang namayapa limang taong gulang pa lamang ako 

"Anthony! anthony! .....nasan ka!? Anthony!" sigaw ni mama mula sa labas 

agad na nanlaki ang mata namin ni carmela kaya dali dali kong isinara ang bintana naming yari sa kahoy at hindi ko na muling nakita pa si carmela 

mabilis akong tumakbo patungo sa aking silid at kaagad akong nag kulong sa malaki at luma kong aparador 

nanginginig ako sa sobrang takot at basang basa na ako ng sarili kong pawis 

"Anthony! antho..." natigilan si mama sa pagtawag sa aking pangalan ng tuloyan nya ng mabuksan ang pinto ng aking aparador "Pasaway kang bata ka! diba't sinabihan na kita!" sigaw ni mama at bayolente nya akong hinila palabas ng aparador 

pinalo nya ako ng pinalo hanggang sa kung saan-saang parte na ng katawan ko ang pinag hahampas nya "Mama patawad po...tama na po mama" umiiyak kong pagmamakaawa sakanya ngunit hindi nya ako pinapakinggan. patuloy pa rin sya sa pag hampas sa akin 

"Ang tigas ng ulo mo! ilang beses na kitang sinabihan na huwag na huwag kang makikipag usap sa kahit sinong babae! lalong lalo na sa carmelang yun!" galit na galit na sigaw ni mama at marahas nanaman nyang pinisil ang pisngi ko 

"binabalaan kita Anthony Alvares! huwag na huwag kang susuway sa akin kundi hindi lamang iyan ang matatamo mo! pati na ang carmelang iyon! naiintindihan mo ba!?" kitang kita ko ang ugat sa leeg ni mama na halos lumuwa na sa sobrang galit nya

"Mama" ang tanging nasambit ko na lang dahil sa sobrang takot 

"wala akong paki alam sa luha mo! naiintindihan mo ba!? ha!? sumagot ka!" dahil sa hindi ko pagsagot ay dumapo ang kamay ni mama sa leeg ko 

sobrang bilis ng pagtatambol ng puso ko at nahihirapan na rin akong huminga. wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang 

"Ano, hindi ka sasagot!? sinusuway mo na ba ako!?" muli nanamang sigaw ni mama 

The Criminal Psychopath |Short Story|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon