One Shot: Chapter 1

137 4 2
                                    

|Rooftop Girl|


I'm Devin . And I'm already 18 years old .

Kalilipat ko lang sa bagong town house dito sa Anonas. Regalo to sa'kin ng magulang ko ng mag-18 na ko.

Tapatan ang bawat unit ng bahay. Bali anim na unit ang meron dito. Tatlo sa kanan at tatlo din sa kaliwa.

Meron itong apat na palapag, kasama ang rooftop.

At sa rooftop na iyon. nagsimula ang aking kwento.

***

Ika-isang buwan ko na sa bagong bahay ko na 'to.

Malapit lang to sa school na pinapasukan ko kaya talagang nagustuhan ko dito. At isa pa napakakomportable at napakabait ng mga kapit bahay ko.

Ang rooftop ko ang siyang naging sacred place ko.

Kapag tapos ng eskwela. Matapos kong magligpit at mag-ayos ay agad akong tumutungo do'n. Doon ko ginagawa ang mga assignments ko, projects at kung minsan naman ay nagpapalipas lang talaga ng oras. Kung wala namang gawain ay doon ako naglalagi, kasama ang gitara ko.

Hindi naman kasi ako palagimik na tao. Mas gusto ko ang mapag-isa dahil mas nakakapag-isip ako ng payapa at mas komportable.

Ang gabing senaryo ang pinaka gusto kong oras na tumambay sa rooftop.

Masaya kasing makita ang mga bituin. Lalo na yung liwanag nila na bumubuhay sa kadiliman ng gabi.

Pero hindi ko akalain...

Na isang araw.. ay teka.. mali.. isang gabi pala dapat..

Sa rooftop ko na 'yon.

Dun' ko din pala masisilayan ang pinakamagandang senaryo sa buhay ko, na kapantay mismo ng ganda ng mga bituin sa kalangitan.

***

Gabi na ng makauwi ako galing sa school.

Dumaan pa kasi ako no'n sa library para simulan na ang aking research paper.

At hindi ko na namalayan pa ang oras.

Pagkauwing pagkauwi ko sa 'king unit ay agad akong nagpalit ng damit, nagluto , kumain.

Ng matapos ay agad na akong dumeretso sa aking sacred place. Which is yung rooftop ko.

Ando'n na rin ang gitara ko. Nakalagay yo'n sa isang single couch na inilagay ko mismo doon sa rooftop para may maupuan. Meron din doong isang glass table.

Tahimik ang gabi at payapa ang simo'y ng hangin ng mga oras na 'yon. Tiningala ko ang aking ulo at dun ko nasilayan ang mga libong bitwin na kumukutikutitap. Dagdag pa ng buwan na tila nakangiti sa'kin .

Mga senaryong gustong gusto ko talaga.

Hindi pa ko nakuntento at umakyat pa ko sa pinaka roof at doon naupo at nagsimulang kulbitin ang aking gitara at sinabayan ito ng isang hum.

Pero habang dinadama ko ang aking pagtugtog. Hindi sinasadyang nahagip ng aking mga mata ang isang anino mula sa katapat kong rooftop na naging dahilan upang ako'y mapatigil sa ginawa.

Muli kung ibinalik ang aking tingin sa lugar ng aninong nahagilap ko, ngunit wala na iyon roon.

Inilibot ko pa ang aking paningin sa katapat kong rooftop upang makasiguro, at dun ko napansin ang tila isang hubog ng tao, maigi ko 'yong pinagkatitigan.

Unti unti kong naiimahe ang aninong 'yon.

Nakatalikod iyon sakin kung hindi ako nagkakamali, tanging liwanag lamang kasi na bigay ng buwan at mga bitwin ang nagsisilbing ilaw sa kadilimang dala ng gabi, kaya hindi ko agad maimahe ang kung anumang bagay yon'.

Rooftop Girl(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon