Prologue

17 3 1
                                    

Warren's PoV:

"Pre, tigilan mo na kasi si Crissa. Ayaw na nga sayo ng tao eh." sabi ng ugok na si Jayson.

"Gagu ka ba pre? Alam mong mahal na mahal ko si Crissa tapos hahayaan ko na lang na mapunta sa iba? Hindi ako tanga pre!" hindi kasi ganun kadali lahat. T*ngina! 3 years kaming nagsasama ni Crissa.

"Pre, lalo ka lang masasaktan. Eh nabuntis na nga si Crissa eh. Ano pang magagawa mo?" ano? Buntis?

Parang sinapak yung puso ko. Ansakit grabe! Ganun ba talaga kalala yung pagkabusy ko at nabuntis siya ng ibang lalaki. Nakakapanglumo, nakakawalang gana mabuhay. Lalo na kung malaman mo yung taong sineryoso mo ng tatlong taon, may asawa na.

"pre, panong buntis?" tanong ko habang nagpupunas ng luha. Wala eh! Di ko na kayang pigilin.

"Pre, nabuntis nung 3rd causin niya." putcha! Kaya pala kung magharutan silang dalawa mas matindi pa sa harutan naming dalawa.

"Pre, wag ka ngang umiyak! Niloko ka niya. Dapat magalit ka, isipin mo, lahat ng romansang gusto niya ibinibigay mo. Kasi nga mahal mo siya. Kung hanggang saan na lang pre, hanggang dun na lang yun." sabi ng ugok. Bakit ba napakadali lang sakaniya? Palibhasa kasi Playboy.

Pinunasan ko nalang ang luha ko at huminga ng malalim. Naisip ko din na tama siya. Bakit ko sasayangin yung luha ko sa taong niloko ako? Galit naman talaga ako eh, sobrang galit.

"Pre, likana. Bago pa makarating si Sir Marco detention pa abutin natin." sabi ni Jayson at nagmartsa pabalik ng classroom.

Sumingha naman ako ng sipon dahil barado na ito, grabe lang!

Hala tignan mo si Papa Warren parang umiyak!

Oo nga bes, anu kayang nangyari?

Baka nag-break na sila ni Cris----

"T*angina hindi kayo titigil? Sa tingin niyo bingi ako para hindi kayo marinig?. Marinig ko pang pinaguusapan niyo 'ko sisibakin ko kayo sa school na 'to mga g*go!" tinalukuran ko lang sila at bumalik na din sa classroom.

Buti naman wala pa si Sir. Galit na nga ako ng sobra may dumagdag pa. Bakit ba kasi siya pa! Nagsisi na ako. Dapat nakinig ako kay Carl. Naiinis ako sa sarili ko. Sikat na sikat pa naman ako dito sa School ko. Tapos papaiyakin lang ako ng babaeng B*TCH.

"Pre heto tubig." salamat Jays.

Pagkatapos kong inumin ang tubig, sakto naman ang pagdating ni Sir Marco na teacher namin sa Science. Agad kong inilabas ang science notebook kasabay ng pagtuturo niya.

"Pre, ano ulit tawag dito?" hala molecules nalang di pa alam ni ugok. Tumatawa ang loob ko kahit papano.

"Grabe ka pre. Molecules lang yan." sagot ko sa tanong niya. Ambobo ni gagu.

[A/n:]

Thank you for reading my story, PLEASE VOTE IF YOU LIKE IT.

Dubidubidapdap❤

Unique GurlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon